"Weiland!"
Bago pa makasagot ang lalaki sa'kin ay dumating na ang ama nito. Si Mr. Vegas. Ang kakampi ko. The one who will help me control him.
Natigilan ang lalaki at tinignan ang ama.
"Na-gets mo na ba?" Asar ko sa lalaki.
Bigla naman itong natigilan at napailing ng ma-realize ang sinasabi ko. Tumawa siya.
"Are you going to use my father!?" Humigpit ang hawak nito sa braso ko.
Napangiwi ako sa sakit noon. Masyado ng masakit ang pagkakahila niya!
"Weiland! Bitawan mo ang tutor mo!" Mr. Vegas shouted.
"Subukan mo lang ulit gumawa ng kung ano-ano. I won't hesitate to tell your father!" Madiin na bulong ko sakanya, sapat na para kami ang makinig.
Tumiim ang bagang ni Weiland at marahas na binitawan ang braso ko. Pumunta ito sa harapan ng tatay niya para doon mag-reklamo.
Hays, parang bata talaga siya kung umasta!
"But Dad! That girl is just as my age! Paano niya ako matuturuan ng maayos—"
"She is the top notcher of your batch. Paano hindi ka niya kaya turuan? Go to your room! At isang beses ko pa makita na nananakit ka ng babae ay hindi ko na palalagpasin! I don't want to raise an abuser!" Sigaw ni Mr. Vegas. Maski ako ay napapaigtad sa takot.
Tinignan ako ni Weiland ng masama bago ito tuluyang umalis ng kwarto. Habang ako naman ay natutuwa sa kaloob-looban.
"Adele, tell me when that boy did something again. Okay? Since you two are schoolmate... Pag may narinig ka ay pwede mo ring ibalita sa'kin," he told me.
Tumango-tango naman ako. "Opo sir. Thank you sir!"
"There is no need to thank me, hija. I am sorry for what happened."
"Oo nga po e. Sumasakit na ang braso ko kakahila ng anak niyo," I joked. Pero hindi iyon nagustuhan ni Mr. Vegas.
"Right. I am so sorry, and I will punish him accordingly. Don't worry."
Medyo napangiwi ako sa narinig. I didn't mean that way! Papalag pa sana ako pero...
Hinayaan ko na lang.
That jerk deserve a punishment too. Sobra pa nga ang ginawa niya sa'kin ngayong araw.
"Sige na, Adele... ihahatid ka na ng driver," he told me.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Nako, hindi na po kailangan—"
"No. Ipapahatid kita," he smiled to me. "The car is ready anyway. You should go."
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay na lang sa sasakyan at magpasalamat. At least, this is a free ride!
"Sa tondo—"
"Tondo? Doon ka pala nakatira?"
My eyes widened when I saw a psychopath driving the car. Ha?! Nasaan ang tunay na driver?!
"A-Anong ginagawa mo?! Saan mo ako dadalhin?! Pahintuin mo ang kotse!" I shrieked. Paano kung chop-chopin ako ng mokong na 'to?!
Nanlamig ako sa naisip at umatras ng sobra sa backseat. Marami pa akong pangarap!
Mabilis kong hinugot ang phone para tawagan si Frances.
"You shouldn't do that. Artista ang kasama mo, baka kung ano pa ang isipin niya sa'tin," he reminded me.
Baliw!
Nang sumagot si Frances ay mabilis akong sumigaw.
"May kasama akong psychopath, kung mamamatay ako—kasama ko si Weiland!" Napatili ako ng sobra ng hilahin nito ang phone ko at patayin ang tawag.
Iyong ganitong scene! Ganito talaga 'yong napapanood ko sa psychopath!
"Psychopath? How dare you call me that?" Tawa nito at binato ang phone ko sa passenger seat.
"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin!?"
He is even driving! Sa sobrang panic ko ay nahugot lang niya ang phone sa'kin! Kinakabahan talaga ako!
"My father will beat me for sure! I have shooting tomorrow! Hindi pwede masira ang mukha ko!"
Napangiwi ako sa dahilan nito.
"At bakit kasama mo ako?"
"Kasi ito ang sasakyan na paalis? I just threatened the driver," he said in an obvious tone.
He threatened? Doon ba talaga siya magaling?
"Running away won't do good—"
"Anong hindi? Dahil sa pagtakas ko, my face is protected!"
Umasim ang mukha ko. Kung ano-anong kayabangan ang pinagsasasabi niya, hindi ko kinakaya!
"So? Saan ka pupunta?" Sumandal na lang ako sa backseat. Siguro naman ay hindi talaga niya ako papatayin 'no?
"Sa bahay niyo?"
"What?!"
"Oo. Sa bahay niyo. Hindi naman ako pwede sa ibang lugar at baka ma-issue— aray!" Sigaw nito ng sipain ko ang likuran ng driver's seat.
Anong tingin niya sa'kin, tanga? Bakit ko naman siya patutuluyin? Marami nga siyang kasalanan sa'kin!
"Iuwi mo na ako! At hindi ka pwedeng sumama!"
"Anong hindi pwede? Lagot ka kay Daddy pag may nangyaring masama sa'kin!" Rason niya.
Napasinghap ako.
"Anong tingin mo sa'kin, uto-uto? Kaya nga umalis ka doon kasi bubugbugin ka! Tingin mo may pakialam sa'yo ang tatay mo ngayon?!"
"Fine! Fine!"
"Ang dami mong ginawang kasalanan sa'kin, tingin mo ba talaga ay patutuluyin kita?" Bulong ko at tumingin sa bintana.
"Tsk. Hindi ko naman kasalanan na mahal na mahal nila ako," tukoy ni Weiland sa baliw niyang mga fans.
Ang yabang talaga!
Mabigat ang paa ko habang nakatitig sa tapat ng inuupahan kong dorm apartment.
"Woah. Kaya pala kailangan ko i-park ang sasakyan ko... Mukhang marami talagang magnanakaw sa lugar na 'to."
Napapikit ako sa inis. He is willing to pay me three thousand if I let him spend the night here. Three thousand is not bad though!
Naka-mask at cap ang lalaki ngayon. Naka-hoodie pa! Akala mo talaga sikat na sikat!
Pero kanina pa siya comment ng comment ng kung ano-ano! Madumi, maingay, magulo, mga mukhang gusgusin—at marami pang panlalait!
Nang pumasok ako sa dorm ay napasinghap na naman Weiland.
"What the hell? Bakit kama agad ang nakita ko? Why is there no living room—"
"Alam mong puta ka—"
"Alam mo, kaya siguro palengkera ka kasi dito ka nakatira—"
"Umalis ka na nga lang! Isisigaw ko talaga dito na ikaw si Wei—"
Nagulat ako ng hilahin niya para yakapin at takpan ang bibig. Mabilis din nitong sinarado ang pintuan gamit ang paa niya.
"Aish. Ayoko malapitan ng mga tiga-dito. Mukhang madalang maligo!"
Mabilis kong tinulak ang lalaki. Hindi ko nga alam kung bakit nandito ang gago na 'to at pumayag rin ako na patuluyin siya!
Mukha akong pera! Iyon talaga!
Buo na ang loob ko na huwag siyang patuluyin dito. Syempre. Bukod sa lalaki siya, manyak din siya!
Pero nang mag-alok ito ng pera at ipinangako na mag-vivideo siya ng sarili niya na inuutusan ang fans na itigil ang pangba-bash sa'kin... Pumayag ako.
"Ano 'to?" Si Weiland at tumigil sa lamesa, tinuturo ang laing.
Tumayo ako sa upuan. "Gutom ka ba? Swerte mo. May pritong paksiw at laing dito."
"A what?" Nakangiwing tanong nito. Mukhang hindi alam ang pagkain.
Hay, mga mayayaman!
Tinignan ko siya ng masama at sinarado ang plato. Kinuha ko ang phone at itinutok sakanya.
"Let's make the video first," sabi ko sakanya.
Napairap ito at walang ginawa kung hindi ang sumunod. Naghanap ito ng maayos na background—but at the end of his kaartehan, kurtina lang din ang background niya.
"Kahit manlang matinong pader!" Reklamo pa nito.
Napairap na lang ako. "Pwede ba? Gawin mo na lang!"
"Fine!" Maya-maya ay nagbilang na ito ng one, two at three sa sarili.
Parang dahan-dahan na nag-slow motion ang lahat at nakita ko ang ngiti nito sa camera.
His dimple showed up at nawala ang mata nito dahil sa ngiti. His set of white teeth showed up.
Itinaas niya ang kamay sa camera.
"Hello guys!" He cheerly greeted me, waving his hands. "Nahihiya ako... Pero kailangan ko talaga gawin 'to." He chuckled.
Natulala ako. Wow. He is really good in acting.
"Uhm, narinit ko kasi ang nangyari kay Adele? Kasalanan ko naman talaga ang nangyari... So please. Don't bully someone for me. Bullying is bad," lumungkot ang tono ng boses nito. Like he was really disappointed. "So please... Don't do anything. Okay? Huwag ganon."
Ngumiti ito sa camera and again, wave his hands.
"Bye! Iyon lang. Remember to eat healthy and be healthy!" Aniya at tumawa. "Cut!"
Napaayos ako ng tayo ng sumigaw ito ng 'cut'. Napalunok ako at ni-save ang video.
"Tsk. Tulalang-tulala ka sa'kin. Sinasabi ko na nga ba. Gusto mo ako," he told me.
Pinatay ko ang telepono at sinundan siya.
"Ang kapal naman ng mukha mo! Nakakaawa ka lang kaya kita tinanggap dito!"
Ngumisi lang ang lalaki sa'kin bago itapon ang sarili sa kama.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo, sa sahig ka!"
"Tutal, hindi ka naman iba, gagawin na lang din kitang alalay."
Napanganga ako. Ano daw? Alalay?!
"Umalis ka na nga dito!"
Nagulat ako ng maglabas ito ng three thousand.
"Ayaw mo ba nito?"
Bwisit!
Hindi ako makatulog dahil nasa taas si Weiland habang ako naman ay nasa sahig, naglatag na lang ng banig!
"You're mad at me, right?"
I sighed. That was an obvious question. Hindi lang ako galit. Sobrang galit pa!
"Sobra. Hindi ko alam kung bakit ganyan kapangit ang ugali mo," diretsong sabi ko sakanya.
Natawa ito. "But you still accepted me here."
"Kung barya lang sa'yo ang three thousand, sa'kin hindi. Malaking tulong 'to."
"Tsk. Pathetic," aniya. "You really think you can use my father against me?"
Natawa ako. "Kaya ka ba nakikipagbati ngayon at mabait kasi takot ka sa tatay mo?"
"Tsk! You don't know that lunatic! So I will tame you, para hindi mo ako isusumbong sa matandang 'yon."
I chuckled. "You're so confident! Paano mo naman ako papaamuhin?"
Natawa si Weiland. "Tutal naman ay hindi kita madaan sa utuan, I will seduce you..." Mahinang sambit niya.
Gusto ko siyang sagutin pero nakarinig na ako ng paghilik.
Mukhang tulog ang kupal at hindi nakaramdam ng pamamahay! Ang bilis-bilis niya makatulog!
Napanguso ako at sinubukang matulog.
Maski ako ay hindi makapaniwala na pinatuloy siya dito. Kanina lang ay nag-aaway kami. Ngayon, magkasama kami sa iisang maliit na space.
Seduce? Sa tingin ba niya ay madadaan niya ako sa seducing? Hindi rin! Bakit ba sa tingin niya, kaya niya lahat?! Nakakainis!
Kinabukasan paggising ay sinend ko agad ang video sa secret files. Sana naman ay matigil na sa'kin ang pangbu-bully, 'di ba?
Tinignan ko si Weiland na nasa kama, pero wala na ang lalaki doon.
Pumunta ako sa banyo, at saktong-sakto pagkakita ko sa salamin ay may nakita akong naka-drawing sa gitna ng noo ko.
That fvcking jerk!
"Weiland!" Iritado na sigaw ko.
Umagang-umaga! Ano pa nga ba ang mapapala ko sa hayop na 'yon? Did I really expect that everything will went smooth?
Umagang-umaga ay pinag-uusapan na naman ako ng mga tao. Siguro ay dahil sa video 'yon.
Pero wala ako sa mood! Hayop na Weiland, nilagyan ako ng private part ng lalaki sa noo! He is so... just!
"Adele!" Sinalubong ako ni Frances ng yakap.
Nagtaka naman ako.
"Bakit?"
"Grabe! Nakita ko 'yong post ni Weiland! Sa secret files! Pinapatigil ang pangbu-bully! Are you two related? Narinig ko din kagabi na magkasama—"
"Shh! Hindi kami magkasama." Tanggi ko sakanya.
Hindi ko alam, pero ayokong malaman ng iba na may koneksyon kami ni Weiland... Pakiramdam ko ay babalik ang pangbu-bully, at mahihirapan akong kumilos sa campus!
Even Frances! Hindi niya pwedeng malaman!
I should tell Weiland too na itago ang fact na... tutor niya ako.
"Ano nga?! Ano 'yon? Nananaginip lang ako kagabi—"
"Oo, nananaginip ka lang," putol ko sakanya at hinila ang libro ni Weiland sa bag.
Tsk. Mukhang maganda pa naman ang subjects niya. Ba't ayaw niya aralin 'to?
"Huh?"
Nagulat ako ng hilahin sa'kin ni Frances ang libro.
"Pang-HUMSS 'to ah? Bakit na sa'yo 'to?"
I gritted my teeth. Hinila ko sakanya ang libro at inirapan siya.
"I'm just interested... Hiniram ko sa library," I told her.
Umupo ito sa tabi ko at maya-maya ay sinundot na ang aking pisngi. Minsan talaga ay nakakainis na si Frances!
"Ikaw ha. Feeling ko talaga may tinatago ka sa'kin!"
Tinaasan ko na ito ng kilay. "Ano namang itatago ko sa'yo?"
"Baka mamaya nagkatabi na kayo na sleep ng aking baby Wei. Iyong ganong secret!"
Pinagpawisan ako ng malamig.
I swallowed before shifting my gaze downward. Tinignan ko ang libro.
Uh... Is sleeping beside Weiland is a big deal too?