Chapter 7

2031 Words
DARK circles were visible around her both eyes the next morning. Hindi siya pinatulog ng nagdaang ganap sa kanila ng binata. Umabot siya sa puntong nag-exercise upang mapagod ang katawan para makatulog pero ang walang hiyang ispiritu ng antok ay pinabayaan siya ng bonggang-bongga. Nanatili tuloy siyang dilat at pabiling-biling sa higaan niya. "Puwede ka bang magsinungaling kahit ngayon lang?" kausap niya sa salamin kung nasaan ang kanyang repleksyon. "Can you at least make me look fresh, hindi mukhang inatake ng sampung aswang?" Buntong-hininga niyang dinuro ang sarili, pero ang pesteng repleksyon ay dinuro din siya. "Pull yourself together, hindi ka puwedeng magpaapekto sa lalaking 'yon. Alalahanin mo ang panata mo sa buhay, and that is to always have the upperhand, okay?" Pumikit siya saka bumuga ng malalim na hininga. "Okay, Berlin, okay. Huwag magpaapekto. Act co---" "You are taking too long again, Berlin." Her heart did skip a beat, whipping her head to the bathroom door. Anak ng pating! I'm still composing myself here! Binalingan niyang muli ang sarili sa salamin. "Focus!" she said once again before twisting the door knob, opening the door. Muntik na niyang muling isara ang pinto at bumalik sa loob nang makita itong nakatayo sa harap niya. His presence overpowers her will of determination to survive the day. Her heart is crawling its way out to her chest. She audibly swallowed, sidestepping him. "S-sorry," umiwas ng tingin na hingi niya ng paumanhin bago tahimik na nagtungo sa sala nito. While doing so, she could feel his burning gaze on her back. Nananayo kasi ang balahibo niya sa batok at likod. She did not dare to look back. Nope, she would never do that. Na-divert ang atensyon niya nang makita ang dalawang tuta na nginangatngat ang paa ng mesa sa sala. Their cute little tails were wagging, making her smile. Masaya siya dahil komportable na ang dalawang tuta, they're already running around and playing. Nag-indian seat siya sa sahig saka tinawag ang dalawa. Trei and Bern excitedly came toward her, barking and l*****g. "Let's go play outside," nakangiting sabi niya saka binuhat ang mga tuta at dinala sa labas ng bahay. Hah! She found the perfect escape from Trevor! She couldn't be more thankful enough to these two adorable puppies. In the outside, they played catch and fetch. Nagpapasalamat din siya dahil nananatili sa loob ng bahay ang binata. Hindi kaya nakakaramdam ng pagkabagot ang lalaking 'yon? her other side asked. She and the puppies were taking a break when she heard several car engines approaching. Hinarap niya ang pinanggalingan ng ugong ng sasakyan. A Ford Ranger and a Ford Everest were coming their way. Salubong ang kilay niya habang sinusundan ang mga sasakyan habang ang dalawang tuta ay kumakahol. The two cars stopped just in front of them. "I swear I will never ever trust your driving skills again with any of my babies," bungad ng lalaking umibis mula sa passenger seat ng naunang sasakyan. He was wearing a bull cap so she could not really see his face dahil medyo nakayuko ito. The driver's door opened and revealed another man, grinning. "Man, you really don't know how to have a good time while hitting the road," he said, smirked, and tossed the keys at him. "Good time? Dude, hindi mo na mararamdaman iyan kapag isa ka nang malamig na bangkay." "Hoy, kayong dalawa," wika ng isang babaeng umibis naman sa isa pang sasakyan. "Puwede bang mamaya na ninyo ituloy iyan? Hindi ba ninyo nakikitang mayro'ng ibang tao dito bukod sa inyo?" Itinuro siya ng babae saka namaywang. Lumabas na rin ang tatlo pang sakay ng sasakyan. Puro mga lalaki ang mga ito at ang isa ay may karga-kargang batang cute na cute na lalaki. The first two guys looked at her and almost instantly, their faces broke into their own versions of megawatt smile. Berry awkwardly cleared her throat, nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga bagong dating. "Hi!" The girl approached her, smiling widely. "Berlin, right?" Tumango siya. Inilahad nito ang kanang kamay. "I'm Sassa," pakilala nito at kinamayan siya saka hinarap ang mga kasama nito. Itinuro nito ang lalaking may kargang bata. "That's Julian, asawa ko, at anak naman namin ang batang karga niya, his name is Seb," puno ng pagmamahal na tukoy nito sa mag-ama nito. "That's Zero," turo nito sa naka-pang opisinang lalaki. Tumango lang ito sa kanya. "And that's Sean," tukoy naman nito sa lalaking nag-excuse kasi puputok na raw ang pantog. Men and the world becoming their urinal world. Binalingan naman nito ang dalawang naunang lalaki at nailing. Nakikipaglaro na kasi ang mga ito sa dalawang tuta. "Why don't you introduce yourselves, gentlemen?" The two stopped and scooped each of the puppies. "Khyryu here," maluwang ang ngiti na pakilala ng singkit na lalaki, he held the pup's paw and waved at her. Hindi niya maiwasang mapangiti sa kakulitan nito. "Hello, Berlin, ikaw iyong Nurse, 'diba? Cloud here," the other man waved at her. "Mas guwapo ako sa kanya, so smile more for me," wika nito sabay kindat. Natawa siya, samantalang nag-face palm naman si Sassa. "Tumigil nga kayong dalawa. Ang lalandi ninyo, baka madagukan kayo ni pareng Trevor ninyan," naiiling na wika ng bagong dating. Si Sean. He held out his hand to her for a handshake. "Eww, dude, you just went to pee. Huwag mong dungisan ang palad ni Berlin." Sean withdrew his extended hand, throwing Cloud a dark look. "Lagi akong may dalang sanitiser, ugok na 'to," sambit nito. "Si Trevor?" singit ni Julian, hawak ang kamay ng anak nitong pilit inaabot ang tutang hawak ni Khyryu. "Nasa loob," sagot niya. "Nakikipag-kumperensya sa pader." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay siya namang pagbukas ng pintuan at iniluwa ang napaka-hot na si Trevor. Lahat ng mga mata ay dumako dito. Agad na pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang nangyari kinagabihan, agad siyang nagiwas ng tingin. "Dude!" halos sabay na bigkas nina Khyryu at Cloud. Trevor groaned, rubbing his face. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. "Come in." "Ano'ng ginagawa ninyo rito?" narinig niyang untag ni Trevor nang makapasok na silang lahat. Nanatili ang mga lalaki sa sala habang sila ni Sassa ay dumiretso ng kusina at naghanda ng meryenda na dala-dala din ng mga ito. "Wala ka kasi noong binyag nitong inaanak mo kaya siya na mismo ang dadalaw sa'yo at magpapakilala," sagot ni Julian. "And stop showing that sour face, baka mamana pa ni Seb 'yan. Hindi kita mapapatawad kapag nangyari iyon." "So, kumusta ka?" tanong ni Sassa habang hinihiwa nito ang rice cake. "Okay naman," mahina niyang sagot. "Hindi ka naman pinapahirapan ng lalaking iyan? Pinuyat ka ba niya?" Her question held no malice ngunit dahil sa nangyari kagabi ay hindi niya maiwasang mailang. Puwede ba siyang maging honest dito? Hindi naman siguro siya nito ipapahamak. Bumuntong-hininga siya at tumutok ang paningin sa ginagawa nito. "Hindi naman pero ang tigas din ng ulo niya minsan. Minsan ay nakikinig pero madalas ay hindi. Boss ko siya, eh." Bahagya itong natawa. "Oh, well, ganyan talaga ang mga lalaki. They can really be cold blooded stubborns sometimes. Pero ang kagandahan naman niyon ay marunong silang makinig lalo na kung alam nilang tama ka." Napangiti siya. "Ang asawa mo na ba ang tinutukoy mo niyan?" "Hell, yeah," she snickered. "Kung alam mo lang kung gaano katigas ang ulo niyan. Minsan nga ay ang sarap na lang niyan iumpog sa pader, eh." Natawa siya sa ka-brutal-an nito. "And you still love him." Sassa smiled. "Of course. Ang guwapo niya kaya." Natatawang binuksan niya ang refrigerator at isa-isang inilalabas ang walong piraso ng coke in can. "Sabagay," sang-ayon niya. Kakaiba ang ngiting nakapagkit sa mga labi ni Sassa ng hinarap siya. "Nagkakagusto kana rin ba kay pareng Trevor?" prangka nitong tanong. She's taken aback by the sudden question. Hindi agad siya nakasagot at nanatiling nakatingin dito. "I think...." Sassa raised her hand with the knife. "Okay, hindi mo na kailangang sagutin. But I wouldn't be surprised if you are now actually. I mean, kayo ang palaging mag-kasama araw-araw. You get to observe each other, get to know each other, kaya hindi nakakapagtaka kung magustuhan mo siya o magustuhan ka niya," mahaba nitong sambit saka nailing. "But I would advice you to let him heal first if ever that time comes. Hayaan mo siyang maging sigurado muna sa nararamdaman niya. Believe me, napagdaanan ko na iyan. I am not encouraging you to not like him, hayaan mo lang kasi masarap namang magmahal, eh. Just don't expect that he would feel the same way, because if you do, you'll get hurt." Napakurap siya rito. "Hindi ko naman siya gusto." You are a big fat liar, Berry! Umiling ito at saka siya tinitigan. "Come on, Berlin, babae rin ako. Nakikita ko sa mga mata mo ang katotohanan. If you not love him, you like him. At saan nagtatapos ang pagkagusto, sa pagmamahal." Napatitig siya dito. Wow, ang lahat ng sinabi nito ay katotohanan. Halatang malalim din ang pinagdaanan nito sa pagibig. It makes her wonder what had happened to her love story with Julian. Kapagkuwan ay napakamot nalang siya sa kanyang batok. "Okay, you got me," amin niya. Napangisi naman ito. "See? Tanggapin na natin ang katotohanan na kahinaan naman talaga nating mga babae ang mga pugeng lalaki." They shared a laugh because they both agreed to that. Oo nga naman! Kahit ilang beses pang itanggi ay pisikal na katauhan talaga ang unang makikita bago ang kalooban at iba pang katangian na puwedeng magustuhan sa isang tao. Sa kaso nila ni Sassa ay parehong pinagpala sa maraming aspeto ng katauhan ang mga lalaking nagustuhan. All their circle of friends are all very good looking too. Walang itulak-kabigin ika nga ng karamihan. They were still snickering as they made their way to the guys, dala nila ang meryenda. "Pare, nagiging maayos na ang lagay mo. Malapit kana ulit makalakad sa dalawa mong paa. That's the good news." "Pa'nong hindi aayus 'yan, eh, may maganda at seksing taga-alaga." "Ah, oo nga pala. Iba talaga ang nagiging epekto sa buhay kapag nakahanap ng inspirasyon. Congrats, dude, we are so proud of you." "Awww...Pare, pa-hug nga." "Shut it," Trevor groaned. "Julian, bakit ba kailangan ninyong isama ang mga ugok na 'yan? Magsilayas na nga kayong lahat," tukoy nito sa ibang kaibigan nito. "Nananahimik ako rito." "No bad words in front of my son, please." Trevor groaned. "Sorry, Seb." Iyon ang inabutan nilang eksena. "Ang kulit niyo talaga," komento ni Sassa at inilapag ang dala nitong rice cake sa mesa. Sinabayan na niya ito, iniiwasan pa rin ang mga mata si Trevor. "Hindi ninyo gayahin si Zero na tahimik." Sean raised a hand, kalong nito ang dalawang tuta. "How about me? I'm behaving." "Alam ko kung ano tumatakbo diyan sa utak mo," saad ni Cloud. "Iniisip mong hingin ang dalawang tutang iyan para dalhin sa K9 Training Club at gawing Police o Army Dog." A guilty smile appeared on Sean's face. "Puwede?" tanong nito habang nakatingin sa kanya. "No," Trevor butted in. Niyuko nito ang mga tuta at isa-isang hinaplos. "Sayang, patutunayan pa naman din sana natin sa buong mundo na kayong asong pinoy ang pinakamatalino at pinakamatapang na breed ng aso para sa K9 unit," kausap nito sa mga ito. "Kaso hindi payag ang tatay ninyo. What a shame. You could be the best K9 Unit the universe will ever have. I just hope you get an exciting life with him." Napangiti siya. "Pasensiya kana, Sean, pero kasi first rescue dogs ko sina Bern and Trei at hindi ko kayang basta na lamang silang ipamigay. Marami ka pa namang makikitang ibang aspin diyan na puwede ninyong i-train." As an approval to what she just said, the pups barked. Umalingawngaw din sa apat na sulok ng salang iyon ang tawa ni Seb pagkarinig sa kahol. And that made them all break into a smile. Tonight, she'll have to evaluate her feelings. Nahuhulog na ba siya dito? Bakit parang ang bilis naman yata? Sigurado ba siya sa nararamdaman niya? Susundin ba niya ang payo ni Sassa at hahayaan ang sariling mahulog ang damdamin dito? O kung susupilin ba niya ay magtatagumpay siya? Hay, ang dami niyang problema. Lumayas nalang kaya siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD