Chapter 5

1402 Words
"YOU'RE okay now," alo ni Berry sa nanginginig pa ring mga tuta. "It's going to be okay, now..." Ngayon ay lakad-takbo ang ginawa niya para mapabilis ang pagdating niya. When she emerged from the shadows of the tall trees, she saw Trevor just about to enter the house. "Trevor!" sigaw niya. "Sir!" Lumingon ito sa direksyon niya saka nangunot ang noo. "What are those?" This time, she ran towards him. Hinihingal na siya. "Puppies," she managed to breathe out. He gave the puppies she was cradling a brief glance before gesturing her to get in the house after him. Nang nasa loob na ay dahan-dahan niyang ibinaba ang dalawang tuta sa sahig. Reluctantly, they settled on their tiny feet, sniffing their new surroundings. Napangiti siya. Simula noong bata siya ay mahilig na siya sa hayop. She even dreamt of having a baby tiger as a kid. But as she grew older, she realized that such big cats couldn't be petted. They're wild and dangerous. Berry stared at the two dogs in a trance state. "Where did you get them?" basag ni Trevor sa katahimikan na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Hinaplos niya ang ulo ng kulay tsokolateng aso. "Somewhere in the bush. Nakita ko sila doon na nagsisiksikan. Wala naman akong napansing ibang aso na naro'n bukod sa kanila." Trevor sighed, dropped his saklay and sat on the floor. Lumipad ang tingin niya rito. He stretched out his injured leg. Inabot nito ang kulay abong tuta at binuhat. "There are no wild dogs around here," he informed her. "Pero madalas makakita ng mga aso o tutang iniiwan dito. These two aren't the first..." Berry observed how he gently held the dog. Siguro dahil baka mahilig din ito sa aso. "Can we keep them?" umaasa niyang tanong. He turned his head and looked at her, then sighed. "It's fine." Muntik na siyang magtatatalon sa tuwa ng marinig ang pagpayag nito. A full blown smile slowly appeared across her lips, reaching her eyes, even tried to reach out to him to give him a hug when his eyes darkened. Oooops! Agad niyang dinala ang mga kamay sa isa pang tuta saka iyon binuhat. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil malapit na naman niyang masira ang mood nito sa tangka niyang pagyakap dito. "Thanks, sir," sambit nalang niya saka nagmadaling nagtungo sa kusina. She took two bowls, poured some water, then placed it on the floor. Umupo siya saka ibinaba ang aso at hinayaang uminom. Tumayo siya at tingungo ang kinaroroonan ni Trevor at nang isa pang tuta dala ang isang bowl. Sinundan ng binata ang bawat galaw niya habang ibinababa ang hawak sa sahig. His sudden intense gaze was making her hot and bothered. Pinapabilis din niyon ang hindi na normal na t***k ng kanyang puso. Binitiwan nito ang aso nang mailapag niya ang bown at saka nila pinanood habang sabik na umiinom. They watched it in silence, until its brother puppy ran to them from the kitchen, barking its puppy barks. "So..." She clapped her hands together. "I think Bern and Trei are our new puppies, sir," pinasigla niyang hayag. "Bern and Trei?" salubong ang mga kilay nitong tanong. "Yep! Si Bern ay akin at si Trei naman ay sa 'yo, sir." "Sino si Trei?" Itinuro niya ang kulay abong tuta. "Siya." Mukhang naintindihan naman ng tuta kung ano ang nangyayari dahil kusa itong lumapit sa binata. It licked his knee. "See? Gusto ka niya, sir," napapangiting sambit niya. Napamata siya at mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso niya nang unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Trevor. Para siyang naeengkanto na nakatitig lamang dito. Hindi man iyon nagtagal sa mga labi nito ay iba pa rin ang epekto niyon sa kanya. It was the first he really gave out a smile without suppressing or hiding it. Ang puso ko! daing niya sa isip. "Help me get up." "H-ha?" "Kailangan ko ba talagang dalawang beses ulitin ang mga sinsabi ko sa'yo?" Ngumiwi ito nang subukang tumayo. "Berlin, tulungan mo na ako!" Agad siyang tumalima at tumungo sa tabi nito. She kicked his saklay to the side and put her hands on his body, to his waist and arm. His scent automatically invaded her nostrils, making her swallow. "Ano'ng ginagawa mo?" "Hmmm? Tinutulungan ka." "Nakayakap kana, ah..." Ah, s**t! "This is the proper way, sir, huwag ka nang mag-inarte," komento niya. Ang herap! Napakahirap magpanggap at manatiling propesyonal kapag ito ang pasyente. Nagbuntong-hininga ito at hindi na nagsalita. Suko na yata ito sa kakulitan niya. Halos malugmok din siya nang ibuhos nito ang bigat ng katawan upang tumayo. She bit her lip, trying to maintain her balance. Bakit parang nahihirapan ito ngayon, eh, kayang-kaya naman nito no'n? Lumipad ang mga mata niya sa mukha nito. Muntik na siyang bumitaw at lumayo rito ng magsalubong ang mga mata nila. Patay na! Was he looking at her the whole time? Muli siyang tumungo at napapikit ng mariin. Bakit ba niya kasi sinipa iyong saklay, e, puwede naman niyang pulutin at iabot dito! Argh! "Am I too heavy?" Pinisil niya ang beywang nito. "No, sir. You're in good shape, sir." Yikes! Nagiging manyak na rin siya! "Are you hitting on me right now?" Muntik na siyang matisod sa sariling paa. "What? Sir, hindi, ah! Nagtanong ka, sinagot lang kita, saka wala akong ginagawang mahalay sa'yo sir, ha," ingos niya pero sa loob niya ay may kilig siyang nararamdaman sa pagkakalapit nilang iyon. "Huwag mo munang gamitin ang paa mo, sir. Katatanggal lang ng splint niyan, eh," sita niya nang subukan na naman nitong iapak ang paa. Hindi biro ang pagalalay dito kapag wala ang saklay nito. Well, her height and built will never be a match with his buit and height, kaya talagang nakaramdam siya ng hingal. "Put your hand back on my waist, Berlin," he told her in a way that held a warning. "What---Ohhh..." How did it get in there? Her hand that was on his waist for support was now freakishly on his butt! She did not even notice it! Masyado siyang nag-concentrate sa pagalalay dito kaya hindi niya namalayan na dumausdus pala ang kamay niya. Heat crept on her face her ears and down her neck because of embarrassment. Anader kahihiyan, Beshie! "S-sorry," she quietly mumbled. "Puwede kitang idemanda ng s****l harassment, alam mo ba 'yon?" saad nito ng nasa kusina na sila. Inalalayan na kasi niya ito hanggang do'n. Nag-day off ang saklay nito. Berry puffed a mouthful of air and brushed off the sweat on her temple, glaring at him. "Puwede rin kitang sampahan ng physical assault, sir... Aba, magkakapasa ang balikat ko sa higpit ng pagkakapit mo, ha..." As a proof, she did another yet reckless deed. She pulled the neckline of her shirt, showing off the red marks on her shoulder. "See this?" taas kilay niyang turo sa namumulang bahagi ng kanang balikat. "Bakit hindi mo sinabi?" madilim ang mukha nitong tanong. Ngumisi siya. "That's what we do best, we don't complain." "Nasaktan ka na nga, nagyayabang kapa," buntong-hininga nito. "Get the icepack," utos nito na simangot niyang sinunod. Kinuha nito iyon pagkatapos ay sinenyasan siyang maupo sa tapat nito. "Ako na, sir..." sambit niya at sinubukang kunin ang icepack mula rito ngunit inilayo lang nito iyon. "Ako na..." "Sir, ako na---" Trevor pulled her neckline, saka nito inilapat ang hawak na icepack sa kanyang balikat. She shivered as the cold ice made contact to her skin. It was quite silly to see them that way. She held her breath when he leaned a little and examine her shoulder. Napalunok din siya. Ang lapit ng mukha nito sa kanya! At malaya niyang napagmamasdan. Mula sa perpekto nitong mga kilay, mga matang nakaka-errr kung tumingin, ang matangos na ilong, at ang mga lab--- "Huwag mo akong titigan na parang gusto mo na akong kainin ng buhay dahil baka dagdagan ko pa ang kasong puwede kong isampa sa'yo," sambit nito na nakatingin pa rin sa balikat niya. Napakurap siya at napalunok na naman. Parang napapasong tumayo siya, inagaw ang icepack sa kamay nito saka itinuro ang sala nito. "Doon lang ako," bulalas niya at nagmadali nang nagtungo ro'n. Berlin silently cursed, palming her chest to feel her heart's wild beating. s**t, delikado na talaga siya. Una, bumibilis ang t***k ng puso niya sa tuwing napapalapit dito. Pangalawa, lagi siyang nagiging walk out queen kapag ito ang kasama. My heart...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD