MAGAAN ang katawan niyang nagising kinabukasan. The bed she occupied did wonders to her tired body. A smile crept her lips as she remembered Trevor, hindi niya akalaing magiging maayos ang unang araw niya. Well, at least she's still in his house. Gising na kaya 'yon? Nag-inat siya saka bumangon at inayos ang higaan, pagkatapos ay walang anuman siyang lumabas ng kuwarto. Upon closing her room's door, Trevor's own door opened. Bakas ang bahagyang pagkagulat nito nang makita siya. He almost looked like he forgot she was there then he suddenly remembered upon seeing her. Nonetheless, he's way hotter just by getting out of bed. Deymnation!
She smiled. "Ohayo, senpai!" masigla niyang bati.
Kakaiba ang tinging ipinukol nito sa kanya. He walked thru the door, closing it behind him, then just passed by her. Napasimangot siya. Ang aga-aga ang sungit nito, aba daig pa ang manok na walang matuka, ah. Tahimik niya itong sinundan. Just then she realized they're heading to the bathroom that's near the kitchen, the exact room she wanted to be.
"Are you going to pee also, sir?" tanong niya. Naiihi na rin kasi siya. The house only has one bathroom.
"Sinusundan mo ba ako?" lingon nito sa kanya, stopping right in front of the bathroom door.
Berry hopped from one foot to another. "H-hindi, ah! I'm just---"
"Go in."
"What?"
He opened the door, pulled her, and gently pushed her into the bathroom before closing it again, muttering something in his breath.
"I'll be quick, I promise," habol na sambit niya habang nasa loob.
"Just do whatever you're gonna do and don't talk..." he said on the other side.
"Does this gross you out?" Aw, dang it! Siya at ang madaldal niyang dila!
"I said don't talk woman!" he growled out.
Nakagat niya ang labi. After she was done in the bathroom, she put a smile on her face when she reopened the door. But the annoyed look on his face made the smile falter.
"Out."
She almost immediately stepped out the bathroom. Pumasok ang binata at agad na isinara ang pinto. She glared at the door before making her way to the kitchen. Nagulat siya nang mayro'n nang mga pagkaing nakahanda sa hapag-kainan na tinakpan lamang. Sino kaya ang nagdala ng mga 'yon?
"Imposible namang niluto ito ni mahal na konde," bulong niya habang isa-isang binubuksan ang takip. "Heavy breakfast, huh?" bulalas niya nang pinaupong manok ang huli niyang mabuksan. She was about to pick a piece of small slice of pineapple when she heard him.
"Hindi ka ba tinuruan na bawal humawak ng pagkain lalo na kung kagagaling mo lang ng banyo?"
What a shame. Hindi niya pinansin bagkus ay lumapit dito para alalayang makaupo sa kahoy na upuan sa hapag-kainan.
"Don't," he warned her once more.
With a sigh, she raised her both hands in the air as a sign that she was not gonna touch him.
"Kumain na tayo, I still have an appointment to attend to, and it's going to be an hour drive. Baka magutom ka sa daan," yakag nito nang hindi tumitingin sa kanya. He just simply started eating.
Berry took the seat across from him. "Doctor's appointment?"
"Yes."
Tumango-tango siya. "Sino'ng maghahatid sa atin?"
"My driver, he lives nearby."
Really?
Berry decided to not pry any further and shrugged. Mahigit isang oras ay nakagayak na sila papuntang ospital sa bayan.
"Tara na ho, kuya Kardo," saad ni Trevor nang nasa loob na sila sa sasakyan.
Tahimik ang loob ng sasakyan habang nasa daan sila. Inabala niya ang sarili sa pagtanaw sa tanawing kanilang nilalampasan. She's a natural nature lover. Kapag ganitong nasa biyahe siya ay hindi siya natutulog, nananatili talaga siyang dilat at nilalabanan ang hila nang antok. Dahil pakiramdam niya ay kapag ipinikit niya ang mga mata, mayro'ng magandang tanawin siyang hindi makikita o mapapalampas.
So Berry kept her gaze outside the window. Hindi niya akalaing may iilan pang ganitong lugar na natitira sa mundo. It is a perfect place for wildlife, kung siya ang tatanungin. Tall trees seem endless in that area. Their car is like a bride walking down the aisle to the altar. Gano'n ang feeling habang binabagtas nila ang kalsadang nasa gitna nang matatayog at malalaking mga puno. Berry smiled as excitement coursed through her body. Bahagya siyang natawa ng sinubukan niyang bilangin ang mga punong nalalampasan nila ngunit nawala siya sa pagbibilang dahil sa dami niyon.
Ang isa pa niyang ikinatuwa ay ang mga marka sa bawat puno. Sana lang talaga ay mapalawak at dumami pa ang conservation officers sa Pilipinas para mapanatili at madagdagan pa ang ganitong klase ng lugar sa bansa.
"Okay ka lang ba riyan, ma'am Berlin?" kapagkuwan ay tanong ni manong Kardo.
Ngumiti siya. "Okay na okay naman po."
Sinuklian nito ang ngiti niya. "Maniniwala kaba, ma'am, kung sasabihin kong gawa ng tao ang kakahuyang ito?"
Tumaas ang kilay niya nang bumulong ang katabi nito. He said something like, kuya Kardo doesn't have to start a conversation with her.
"Totoo ho ba?" mangha niyang tanong, hindi niya pinansin si Trevor.
"Oo ma'am."
"Wow, hindi ko akalaing kaya ng tao ang makagawa nang gan'tong kaganda at kalawak na kakahuyan. Para nga akong nasa ibang bansa."
"Magtatanim ka lang naman, ma'am," natatawang saad nito. She swear she saw Trevor hid his laugh too. Was he mocking her again? "Tiyaga lang talaga ang kailangan, ma'am. Aba, mahirap din ang maghintay nang mahabang panahon upang lumago ang kakahuyang ito."
"Yeah, thanks to all the good people who have planted and committed their time to make sure every tree is going to live and grow really high."
Tumango si mang Kardo. "Saludo rin ako sa kanilang lahat ma'am."
Ngumiti lamang siya. The rest of the ride was a silent one. Wala nang nagsalita sa kanila at nakinig na lang sa mahinang kanta na nagmumula sa radyo ng sasakyan. Trevor even allowed mang Kardo helped him out until they reached the doctor's clinic. Pagkatapos ay nagpaalam itong sa sasakyan na lamang maghihintay. Wala pa ang doktor nito kaya sa kasalukuyan ay silang dalawa muna ang mga tao sa kuwartong 'yon. Inilibot niya ang paningin sa apat na sulok ng silid.
"Not bad for a hospital clinic, huh," she commented. "Parang personalized, it's not like a----"
"It's not a shared clinic kung iyon ang tinutumbok mo."
Busted! Nskakainis talaga ang talas ng utak nito. It makes her think she cannot outsmart him or anything, as in never ever.
"Exactly," sambit nalang niya. Dinukot ang isang piraso nang papel sa bulsa ng suot niyang shorts at ibinigay rito. "Okay, while we're waiting, I need you to scan this checklist for the groceries. And yep, I'll need money later."
Trevor unfolded the piece of paper and looked at her, a little skeptical. "Are you kidding me? Aanhin mo ang ganito karaming supply? Hindi uso ang winter sa Pilipinas, Berlin. Baka gusto mong i-uwi nalang ang buong grocery store sa dami ng gusto mong bilhin?"
It was a long list, yes, pero sigurado siyang kailangan nilang lahat ng iyon. Inagaw niya ang papel at muling sinuri ang mga nakasaulat. Nagkandaduling siya sa dami niyon. Napabuga siya nang hangin saka ibinalik dito.
"Sige, sir. Just put a check on the items you want to buy, at iyon na lang ang bibilhin ko mamaya."
Ramdam na niya ang pagiging dakilang alalay nito, ang pagiging all around niya at ang pagiging ulirang pakialamera sa buhay nito.
Umiling-iling na lang si Trevor habang isa-isang nilagyan ng check ang mga kailangan niyang bilhin. He was just finished doing it when the doctor arrived. A surprised look appeared in his eyes upon seeing her but did not give out any comment.
"Hello, Mr. Bersamin," he greeted, shaking Trevor's hand. "How is it been going?" he then asked while taking a seat.
And then the check-up went on. He approved of getting the bandages gone. And Berry paid attention really hard to Dr. Agustin's words. She took each of them in her mind and on her cellphone's recorder. When they're finished, they're off to go.
Dumaan sila sa isang kilalang grocery store sa bayan. "Hindi mo na siya kailangang samahan, kuya kardo," pigil ni Trevor sa matanda nang tangkain nitong bumaba upang samahan siya. "Kaya niya na ho iyan mag-isa."
Naningkit ang mga matang binalingan ang binata. Nananadya talaga ang mokong na 'to! Ngumiti siya ng matamis bago pabalang na isinara ang pinto ng sasakyan. Walang lingon na nagtungo siya sa loob ng pamilihan. Nagpupuyos ang loob niya habang namimili, so she bought extra things that she wanted; like chips, biscuits, nuts, drinks, not his beloved beers, etc. Ibinigay nito ang credit card kaya hindi siya mag-aalala kung magkulang siya ng cash. She took her time too, just to annoy him. Mahigit isang oras ang nakalipas nang lumabas siya sa pamilihan kasama ang crew na naghatid ng mga pinamili niya. Doon na bumaba ng sasakyan si manong Kardo at tumulong isa-ayus sa sasakyan ang mga 'yon.
Pinapamaypay niya ang mga daliri nang makapasok sa sasakyan. "Nakakapagod," maarte niyang saad na hinaluan ng kaunting drama. But she did not get any reaction from him. Tulog ba ito? Upang makasiguro ay dumukwang siya mula sa backseat at tinitigan ito. She couldn't really tell if he was sleeping because his eyes were covered by his dark sunglasses.
"What are you doing?" came out his baritone voice, startling her.
"Awww..." daing niya nang mag bounce back ang kanyang ulo mula sa pagkaka-untog sa driver's seat. She gripped the back of her head, cursing. She made a sheesh sound when she noticed that he's suppressing a laugh. "Go on and laugh. I won't judge you," she bit out, setting back on her seat. Hinaplos niya ang nasaktang bahagi nang ulo at marahas na huminga.
"I wasn't born to celebrate someone else's...." he paused to clear his throat. He's clearly making fun of me! "Misfortune."
"Whatever, dude."
"Ganyan kaba talaga?"
"Ganyang ano?"
"I'm the boss here, tapos hindi mo ako iginagalang, sinasagot-sagot mo pa. Sensantehin kaya kita?"
Berry couldn't help but to scoff. Ako na ngayon ang masama sa lagay na 'to? "Sir, let me just remind you... you did not hire me, your mother did," sumbat naman niya. "Tapos sir, ikaw ang pangit ang treatment sa akin, pagkatapos mong laitin ang propensyon ko, 'wag kang ano, sir..."
Naaninag niya ang pag-ngiti nito sa rearview mirror ng sasakyan. He tried to hid it with his finger, rubbing his lip. "Ako pa rin ang dahilan kung bakit mayro'n kang trabaho ngayon."
Babanat pa sana siya nang pumasok na rin si Mang Kardo. "Ang dami mong pinamili, ma'am. Puwede nang supply iyon ng dalawang buwan," komento nito habang minamaniobra ang sasakyan.
"Mabuti na ho ang sigurado," tugon niya saka sinamaan ng tingin si Trevor. "Napakalayo pa man din ho sa kabihasnan ang bahay," binigyang diin niya ang bawat salita.
"Ay, sabagay, ma'am. Hindi kailangang si sir ang mamili."
Nangunot ang noo niya. "Ano? Ikaw ang namimili dati?" nanlalaki ang mga mata niyang baling kay Trevor.
"Yeah, so?"
Ah, wala na itong pagasa! "You drove?"
Umayos ito ng upo, he seemed to be uncomfortable having her near him. "Go back to your seat, Berlin, at mag-seatbelt ka nga. Ang likot mo."
Tinakasan na naman nito ang tanong niya. Shaking her head while clicking her tongue, she obeyed. "Tigas ng ulo," mahinang bulalas niya saka humalukipkip.
"Wear the seatbelt, Berlin!"
"Fine!"