"WHAT?"
Napakurap si Berry nang sitahin siya ng kanyang bagong boss. Well, staring is really rude, right? Pero kasalanan ba niya kung ang guwapo-guwapo nito sa paningin niya? Iyon ang hindi niya inaasahang madadatnan pagdating niya sa bahay nito. Hinatid siya ng driver ng pamilya nito, because his mother told her he did not want to see them at the moment. It was harsh, telling your parents you don't wanna see them, mabuti na lamang maintindihin ang mga magulang nito. Having your fiancee broke up with you and the trauma of a fatal accident causing you to nearly lose a leg are too much to handle.
But Trevor Paul Bersamin is dangerously hot and very good looking man. From the tip of his hair to his toenails, he's just the true epitome of hotness overload. He's wearing a plain dark blue v-necked shirt and a plain black cotton pair of shorts yet he looked salivating. Kahit pa naka-paa lang ito. Hawak nito sa isang kamay ang saklay nitong gawa sa bakal at ang isa pa nitong kamay ay hawak naman ang pinto. Irritation was evident in those brown eyes upon seeing her. Alam na nito ang pagdating niya. Marahil ay nakausap na nito ang ina.
"Sir..." she swallowed, but before she could say another word, he turned his back on her, limping back to the sofa in his living room.
Wow, ang ROAD!
Pa-simple siyang sumilip sa loob ng bahay nito. May mga nagkalat na lata ng beer sa center table at sofa, may mga laman at mga walang laman, may ibang pitpit na animo'y pinanggigilan. Animal Planet naman ang chanel na pinapanood nito sa nakabukas na telibisyon.
"Are you the Nurse?" tanong nito, nakaupo na ito sa sofa at dinampot ang beer saka lumagok.
"Ah, yes sir," alanganin niyang tugon bago lumingon, umaasang nando'n pa ang sasakyang naghatid sa kanya.
"You can leave."
Her head whipped back on him. "Ha?"
Trevor looked over his shoulder. "I said you can leave."
Berry stupidly gaped at him. Naglakas-loob siyang pumasok sa bahay tutal naman ay hindi siya nito pinagsarhan ng pinto. So this is you, the broken hearted with a broken leg dude who does not want to deal with anyone anymore, sabi niya sa kanyang utak. Iniwan niyang naka-awang ang pinto para madali lang siyang makalabas, in case of emergency. Gusto niyang matawa sa naisip.
"Hindi ko kailangan nang taga-alaga. Not in this lifetime," he said in an almost bored tone. "Magkano ba ang sinabing suweldo mo? Babayaran ko na nang buo ngayon, puwede ka nang umuwi pagkatapos."
Isa pang Wow! Ito na siguro ang pinaka-straightforward na taong nakilala niya sa buong buhay niya.
"He may make you leave and offer you money, Berry. Pero please, don't fall into it. My son needs you...." Umalingawngaw ang sinabi ng ina nito sa kanyang utak. Hindi nga ito nagkamali, her son is now offering her money---her full salary.
He's being this rude to you because of his condition, paalala niya sa sarili.
She sighed a problematic sigh, dropping the small suitcase she's holding in her hand on the tiled floor. His house is not that huge and spacious, but it can accommodate a certain number of people.
"Hindi puwede, sir," wika niya. "Tapos ko nang tanggapin itong trabaho na ito."
Her initial reaction was to help him get up to his feet when he attempted to. But she stilled when he shot her a deadly stare. "Hindi ako baldado para mangailangan nang tulong o alalay, miss," he said thru gritted teeth, grasping the single crouch a little tighter.
But despite his rudeness, she still finds him utterly handsome.
"I understand sir," sang-ayon niya. Alam niyang kaya nitong mabuhay ng mag-isa sa gitna ng kakahuyang iyon dahil nagawa naman nito nang isang buwan. Talk about a man's ego and independense, idagdag pa ang sakit na nanyari sa relasyon nito sa dating fiancee. "Pero nars ako, at sumumpa ako sa pinili kong propesyon na gagawin ang anumang makakaya ko para makatulong," mahabang saad niya saka matapang na sinalubong ang mga mata nito.
His jaw worked. "You're not helping, you're being paid."
OUCH! His words definitely offended her, ngunit sinikap niyang hindi 'yon ipahalata. She balled her fists. It's not going to be easy, she thought. Kailangan niyang ipa-realize dito na hindi nito kailangang mag-isa.
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago muling nagsalita. "Yes, I am being paid to do my job, so I am doing it. Welcome man ako o hindi ay mananatili ako rito. You can't make me leave, even if you offer me your everything----" Wait ngek, his everything? Tumikhim siya. "Nope, let me rephrase that, even if you offer me a lot of money. O kahit pa magsawa ka sa pagmumukha ko sir. Hindi ako aalis hanggat hindi ka gumagaling," she told him, picking up an empty can of beer near her left foot. "At bawal ka sa alak simula sa araw na ito, maliwanag?"
Trevor looked at her, knitting his forehead, a bit of confusion shown in his eyes for a brief moment before going blank. Maya-maya ay inihilamos nito ang isang kamay sa mukha. Even muttered something she did not catch.
"Whatever," he growled before turning and stalked towards a door, entered then slamming it.
"Maybe his room," Berry mumbled, drawing a sigh. Iginala niya ang paningin sa paligid. Mukhang hindi lang nurse ang magiging papel niya sa bahay na 'yon, magiging tagalinis din yata siya. The house desperately needed a deep cleaning. Muli niyang nilingon ang pintong pinasukan nito at umismid. Hindi puwedeng kayan-kayanin siya nito, kailangan niyang ilabas ang firmness niya sa katawan.
Okay, firm Berlin, fighting!
"WHAT are you doing?"
"Ay, shoot!" napaigtad na tili niya nang marinig itong magsalita mula sa kanyang likuran. She was too caught up with cleaning that she did not sensed his presence. Salubong ang mga kilay niyang binalingan ito. "Naglilinis."
"Hindi mo kailangang gawin iyan."
"At sino ang gagawa nito, sir? Gagawin mo ba? Eh, parang ilang araw na itong dumi sa bahay mo, ah."
"Wala kang pakialam. Kung hindi mo kayang mabuhay sa maduming bahay ay makakaalis ka na."
Of course, he'd say that!
Kinagat niya ang loob ng bibig upang pigilan ang sariling makapagbitaw ng hindi magandang salita. Sandali rin siyang palihim na nagbilang mula isa hanggang sampu para kalmahin ang tumataas na blood pressure.
"Hindi ako mapapaalis ng mga ganyang linyahan mo, sir. What do you think of me, a small time being? Hah!" sambit niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Pinulot ang beer na hindi pa nabubuksan at nanggigigil na inilagay sa basurahan. "Why do you still drink these? Ito nga ang dahilan kung bakit ganyan ang lagay mo ngayon, 'diba?"
Inagaw nito ang huling beer na hawak niya. "Hindi kasali sa trabaho mo ang pangi-ngi-alam sa mga gusto kong gawin sa buhay." Binuksan nito ang lata at diretsong inubos ang laman niyon.
Napanganga siya sa ginawi nito. Really? His attitude is just making her speechless at the moment. Trevor deposited the empty can to the trash bin.
"Ano nga ang pangalan mo?"
O. M. G. Nangangati na siyang saktan ang guwapo nitong mukha.
"Berlin," sagot niya.
Bahagyang inilapit nito ang mukha sa kanya na naging dahilan ng paghigit niya nang hininga. "Listen here, Berlin, you don't have any say in this house, okay? Because first..." Iminuwestra nito ang hintuturong daliri. "This is my house and I have all the right to do what I want to do in here. Second, you are not welcome here so do not act like one. Are we clear?"
"No."
Tumaas ang isang kilay nito. "No?"
She swallowed. "Yes, no."
"Saan doon ang hindi mo naintindihan?"
"I understood everything you have said, sir, pero hindi ko matatanggap na ganito mo nalang ako tratuhin dahil una...." Ginaya niya ang ginawa nito kanina, she getured her forefinger near his face. "Hindi ikaw ang boss ko dahil hindi ikaw ang magbibigay ng sahod ko. Pangalawa, bilang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas ay hindi ko hahayaang sirain mo ang buhay mo dahil sa nangyari sa nakaraan. Alam mo, wala akong alam kung gaano kasakit ang iwanan ng isang minamahal at mas lalong wala akong ideya kung ano ang pakiramdam ng hindi ko magawa ang mga bagay na dati ko namang ginagawa dahil nakakulong ako sa saklay na iyan, pero sigurado akong alam ko kung ano ang pakiramdam nang masaktan. I definitely know how it feels to be broken."
He stared at her, a stunned expression appeared in his eyes in a brief moment, then scoffed before standing straight. "Sigurado ka bang nurse ka, hindi counselor?"
Napangisi siya. At least his mood has changed a bit. He may be saw her unwavering determination in her eyes. There's no use arguing with her. "Yes, sir."
He sighed. "Marunong ka bang magluto?"
Ay, patay tayo diyan!