CLEO's POV~
Pagkatapos ng nangyari noong isang gabi sa bar, umuwi na rin naman na kami ni Vana nun. Nag-insist si fafa Russell na ihatid ako pero hindi ako pumayag dahil ang alam ng mga magulang ko na si Vana ang kasama ko, so kahit na hinayang na hinayang ako noong gabing yun, si Vana pa rin ang naghatid sa akin pauwi.
Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong usapan rin namin ni fafa Russell sa bar, everything was back to normal except his treatment to me. Yes, he became a little more sweet to me. He always texts me and asking me what am I doing. Minsan inaaya nga akong kumain kami ng lunch ng sabay at ino-offer niya sa aking ihatid naman daw niya ako kahit once a week lang. Syempre pumayag naman na kaagad ako noh! Eto na yun eh, eto na yung grasya na iniintay ko mula sa langit. Walang araw na hindi kami nagkikita at nagkakausap. We're been so close na these days.
"I'm so jealous na sis ah!"- Pagmamaktol na sabi sa akin ni Vana. Nakanguso at nakasimangot na parang batang hindi pinapansin. Nandito kami ngayon sa garden ng school dahil break time naming dalawa. Magkaiba man kami ng college department at building, dito kami madalas magkita para tumambay, kumain o magkwentuhan. Sa College of Business and Administrations kasi ang building ni Vana, hindi naman kalayuan ang building niya sa building ko ng College of Law and Political Science. Mga tatlong building lang ang lalagpasan. Hihi..
"Jealous of what?"- Takang tanong ko sa kanya sabay tingin. Nakaupo lang kami sa damuhan, mas trip kasi namin yung ganito, mas presko at pwede ka pang mahiga. Actually nakahiga nga ako ngayon. Inunanan ko lang yung bag ko, samantalang nasa side legs sit lang siya, naka-mini skirts kasi ang buang. Tatlong araw lang naman ang pagsusuot ng uniform dito eh, kagaya ngayon, naka-civilian lang kaming dalawa. Depende din kasi sa department kung kailan ang wash day eh.
"On Russell!"- Nakatingin na rin siya sa akin pero hindi pa rin naalis ang simangot niya sa mukha. Ang cute niyang tingnan kapag umaarte siyang ganyan. Maganda si Vana, maganda ang hulma ng mukha niya kahit chinita siya, maganda talaga siyang tingnan kahit saang angulo. Napakaputi at kitis niya, nakaka-insecure nga eh, tapos sobrang sexy pa! Yung tipong 36-24-36 na vital statistics, siyang siya na talaga! Yung lahat ba na pinapangarap ng isang babae sa mga pisikal na katangian, akalain mong nasa babaeng itong lahat? Mayaman pa at matalino. Kahit ba may pagkabulakbol ang isang toh ay never ko siyang nakitang pinabayaan ang pagaaral niya. Actually, kami ngang dalawa ang naglalaban palagi noong high school for being the top notcher. Syempre, doon ko naman siya talo. Palaging 2nd honor lang siya at ako ang 1st. Hehe.
"Bakit ka naman nagseselos sa kanya aber?"- Pangiinis ko pang tanong, nginitian ko lang siya. Ang cute niya kasing pagmasdan kahit madalas siyang nakakairita. Sabi ko nga dati, kapag ako nabuntis siya ang gusto kong paglihian eh.. Haha..
"Kasi mas madalas mo na siyang kasama at kakwentuhan tapos sabay pa kayo minsan nagla-lunch. Dati-rati inaaya mo ako palagi kapag break mo na, ngayon ni isang text wala ka sa akin kapag free time mo."- Medyo lumungkot siya ng itsura. Mukha ngang nagtatampo ang loka.
"Kaya nga inaya na kita dito di ba?"
"Malamang! Eh may practice kasi ng basketball sina Russell kaya nandito ka sa akin ngayon. Pero kung wala, malamang magkasama na kayo ngayon."- Medyo umasim na ang aura niya sa akin.
"Ano ka ba? Alam mo namang ilang taon ko ng inaasam toh di ba? And at last! Dininig na ang panalangin ko noh!"- Sabay bangon na ako at umupo nalang katapat si Vana.
"Oo nga, tinutulungan kaya kitang magdasal diyan noh! Kaso hindi ko naman akalaing mapapalayo ka pala sa akin kapag nagka-boyfriend ka na.."-Nag-pout na naman siya at nagsalubong ang mga kilay.
"Ang OA mo ah! Saka hindi ko pa boyfriend yung si Russell, parang we're just getting to know each other palang. Saka hindi naman kami ganoon ka-close na halos hindi na naghihiwalay, gusto ko ring mapagisa dahil gusto kong magaral magisa sa library o hindi kaya dito sa garden noh.."- Depensa ko.
"Whatever! If I know naman noh!"- Sabay irap sa akin at tingin sa ibang direksyon. Kita mo toh, kanina lang nagmamaktol tapos ngayon nagsusungit na. Dagukan ko kaya toh kahit once lang? Pero gusto ko yung pagkakasabi niya sa aking boyfriend ko na daw si fafa Russell, ang sarap pakinggan kapag sa iba pala nanggaling noh? Kesa yung ako lang ang nagsasabi sa sarili ko. Waaah!
Makalipas ang isang oras na vacant namin na yun, bumalik na kami sa kanya-kanya naming building para magklase, katatapos lang din ng lunch kaya gusto ko munang magpatunaw ng kinain. Mahaba pa naman ang free time ko, si Vana lang kasi talaga ang may klase na at this time.
Naglibot libot muna ako sa university, sa malapit lang ako naglakad-lakad dahil ayoko ring mapagod at baka malate pa ako kapag napalayo ako ng pamamasyal.
Napakalaki ng university na toh, European style ang infrastructure ng school. Mala-Oxford University o Buckingham Palace ang laki nito. Sa laki yata nito kulang ang isang araw para lang malibot mo. Ang lalayo rin kasi ng pagitan ng mga buildings at mga iba pang facility ng university kagaya ng gymnasium, swimming pool area at open field. May sarili ngang football at soccer field ang university na toh dito. Kaya kawawa ang maglalakad ang maghapon para malibot toh.
Almost four years na ako dito pero sa totoo lang hindi ko pa nalilibot ang kabuuan ng school, bukod sa ang laki at lawak nito, nakakatamad din noh! Kung hindi ko lang nga kailangang magpunta sa kung saan na area ng school hindi ko yun pupuntahan eh. Buti nalang at yung big bike ko ang dala-dala ko palagi sa pagpasok sa school, lalo kapag alam kong kailangan kong maglibot dito. Nagkokotse rin ako minsan, kapag umuulan o kapag alam kong uulan. Ayoko ring maaksidente noh, takot akong magalusan lalo na ang masugatan.
Kapag naabutan ako ng ulan sa uwian at ung motor ko ang dala ko, nagpapasundo nalang ako kay kuya Clarence dahil dito rin naman siya nagaaral, pero bihira kaming magkita dito o magkasalubong dahil na nga rin sa laki nito, o hindi kaya sa driver namin ako magpapasundo nalang kapag nakauwi na daw siya o hindi kaya matagal pa ang tapos ng klase niya.
Madalas na tambayan namin ni Vana ang field garden dito sa school, sa lawak nun, imposibleng magkatabi tabi ang mga estudiyanteng gusto ring tumambay doon. Doon lang din ako nakakatulog ng maayos kasi ang sarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin doon at nakaka-relax. Minsan sa pakalaki-laking fountain sa likod ng school kami nagkikita at nagaabangan kapag gusto naming mag-mall para mag-shopping. May malaki at malawak rin na labyrinth din yun sa likuran, medyo nakakatakot nga kasi ang taas-taas ng mga halamang nakapader doon, garden din kasi yun at mas malaki dahil nga sa doon madalas ginaganap ang mga party dito sa school. Napakagandang view nun lalo sa gabi kapag bukas ang lahat ng ilaw sa paligid.
Marami na rin daw na movies at series sa t.v ang ginagawang shooting area ang school na toh at ilan beses na rin nafe-featured sa mga international magazines. Nakaka-proud din naman na nakapasok ako dito, para rin akong dumaan sa butas ng karayom sa entrance exam dito noh. Kahit na kayang-kaya naman namin magbayad dito, syempre hindi basta-bastang tumatanggap ang school na toh ng kung sino lang na mayaman at kayang mag-aral.
May kanya-kanya namang library ang bawat college buildings dito sa university, pero may main library dito na para kang pumasok sa isang mall. Gayon din ang canteen at faculty room. Nakakamangha ang laki at ganda ng school na ito, wala pa nga yata sa 1/4 ng pinasukan kong high school school noon toh. Tapos bawat buildings iba't iba ang infrastructures at designs, ang galing lang din. Actually may hospital din dito sa school, kahit na may kanya-kanya ring clinic sa bawat building dito.
Napasarap na ako ng lakad ah, nandito na kasi ako ngayon sa tapat ng building ng Medical courses. Nako ang layo ko na pala. Balik-balik na Cleo.
Naglalakad na ulit ako pabalik sa building ko, sinasabi ko na nga ba eh. Napatingin ako sa relos ko, nako 10 minutes nalang pala klase ko na. Kailangan ko pa tuloy tumakbo na nito. Badtrip naman oh.
*takbo takbo takbo*
*BUGSH!*
"Aaaaahh!!!"- Sigaw ko nalang. Aray kooo! Tilapon ako dun ahh. Paano ba naman pagliko ko dito sa kanto papatawid sana sa kabilang side ng gather, may nakabungguan pa ako. Grabe, ang tigas ng katawan nun ah, para na rin akong bumunggo sa pader.
"Mi-miss so-sorry.."- Sabi ng nakabunggo ko. Hinayupak na toh tinitingnan lang ata ako imbes na tulungang makatayo. Napaupo kasi ako sa lupa sa lakas ng impact ko sa kanya. Mukhang nakalog ang pagkatao ko ah, sakit ng ulo ko at mukha ah. Sapul na sapul ako dun eh.
"Ah ouch!"-Reklamo kong bigla. Napahawak kasi ako sa ilong ko. Shemay! Ang sakit. Nabali yata ang ilong ko. Nako baka pango na ako nito. Nakayuko lang ako dahil ang sakit ng mukha ko, especially ang ilong ko.
Naramdaman kong bumaba yung lalaki sa harapan ko, medyo nakapaupo siya pero hindi gaya kong nasa sa sahig na talaga. Naka-bend lang yung mga legs niya at nakapaharap sa akin..
--------------------------------------------
Thanks for reading! Hope you enjoy this story!
Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey!
Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God!
Don't forget to vote and follow me!
Lovelots!
~Koolkaticles