CLEO's POV~ Tingin dito. Tingin doon. Tanaw sa malayo. Pasulyap sa likuran. Shemay! Baka kasi.. Ano kasi.. *paaak* "Ahhhw!"- Sabi ko na parang slowmo na umiiling sa sakit ng hampas, sabay hawak sa balikat kong hinampas lang naman ng malapad na kamay ni Vana. Umaarte-arte akong sakit na sakit at nakasimangot. "Muntanga lang ah? Kanina ka pang umaga sa kotse muntanga. Ano ka ba?"- Medyo asar na tanong ni Vana sa akin habang naglalakad papuntang garden field. Lunch break na kasi. Nagpasundo rin kasi ako sa kanya kaninang umaga papasok dito sa school. Actually a week na rin simula nung nagpapasundo ako sa kanya eh. Buti nalang pasok sa kanya ang mga alibi ko. "You know sis I'm worried na ah. Bakit ka ba nagpapasundo sa akin palagi? Ang dami-dami niyong kotse bakit ba hindi ka na

