Nakakagulat na hindi ako pinauwi ni Uno. Magkatabi kaming natulog na dalawa. At mas nakakagulat ‘yung hindi kami nag round two. Nagkwentuhan lang kami about Drag Race and Game of Thrones. Pero maaga ako nagising dahil may pasok pa ako. Sinilip ko sandali ‘yung paa ni Uno at ganon pa rin, namamaga. So nagluto ako sa unit ko nang almusal, ofcourse, chowfan at siomai tapos hinatid ko sa unit niya. Mahimbing pa rin ang tulog ni Uno ngayon kaya hindi ko na siya ginising. Ako naman, nagwork na uli at medyo maraming tasks ngayon pero natapos ko pa rin nang maaga. Gosh, I love my job. Nakita ko ‘yung chat ni Uno sa’kin pagkatapos ko magwork. “Thank you sa food, Stomach. Hindi pa rin ako makatayo, masakit pa rin paa ko :(“ Medyo nagwoworry na ako kasi hindi ko alam baka nabali ba buto niy

