Chapter 9 - Without Glasses

2000 Words
Nagsipasok ang walong lalaki, nakasuot sila nang uniporme ng SIS. Mukhang mga senior high din. Yellow ribbon? HUMSS strand. Ibinali ko ang tingin sa kanila. Parang mga basagulero, tila naghahanap ng gulo. Tiningnan ko si Daisy, binaba niya ang pamalo, bago karipas na tumakbo papunta sa pinuno ng grupo ng mga lalaki. "Derrick!" Dumiretso si Daisy dun sa Derrick, yung binabanggit niya kanina, bigla siyang yumakap sa braso nito. May kakaibang ngiti si Daisy sa akin, na para bang mayroon siyang masamang binabalak sakin. Natigilan ako saglit, hindi ko maiwasang mag-isip kung ano ang mga plano nila. "Siya ba ang sinasabi mo?" Napansin kong nag-aangas ang boses ni Derrick. Pinagmasdan ko siya, ulo hanggang paa. May itsura siya, matangkad din at malaki ang katawan. Pero may kakaibang kilabot na dulot ang kaniyang hitsura dahil sa mahabang peklat sa kanyang kaliwang mata. Tumingin si Daisy sa kaniya. "Oo, siya! Tingnan mo ang pinag gagawa niya sakin ohh. Sinugatan niya ako!" Nagpapacute na sabi ni Daisy kahit wala naman siyang kadungis dungis. Naging alerto ako ng pinalibutan ako ng apat na lalaki. Napataas ang kanang kilay ko. "Anong gagawin niyo sakin?" Seryoso kong tanong. Nagulat ako ng may humawak ng kamay ko mula sa likod. May humawak sa dalawang braso ko bago ako dinala dun sa Derrick na sinasabi ni Daisy. "You hurt my girl. I must make you pay." Nakangising sabi ni Derrick habang pinagmamasdan ako muloa ulo hanggang paa. Tskk. "Yeah, yeahh! Make her pay Derrick!" Nagpapacute na sabi niya habang inaayos ang haggard niyang buhok. The F? Make me pay? This b***h is so unreasonable. Siya 'tong naghahanap lagi ng away tapos ako pa ang ipapahamak niya? Nilapitan ako ni Daisy bago ginanutan ang aking buhok. Napapikit ako dahil sa sakit ng ganot niya. As in dala ang anit ko ehhh. "Ugly Nerd. Ano? Natatakot ka na ba? Manliligaw ko ang lalaking 'to at miyembro siya ng isang illegal na grupo ... Nasan na yung tapang mo... Ha??" Nakangisi niyang bulong. Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak sakin ng dalawang lalaki pero ayaw talaga nila akong bitawan at lalong humihigpit ang kapit sakin. Nginisian ko siya. "You're such a coward, Daisy. You're hiding under a man's protection." Nakangisi kong sabi. Dumilim ang mukha niya. Hindi na ako nagulat ng itaas niya ang kaniyang kamay at sinampal ako. *Pakkk!* Napatagilid ang mukha ko ng sampalan ako ni Daisy. Humarang ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Nalaglag pa ang aking salamin. Ramdam ko ang pamamanhid ng mukha ko mula sa pagkakasampal. Ang bigat ng kamay niya, grabe. Kalma, Brielle kalma lang. Pero damn. Yung salamin ko! Muli kong nilingon si Daisy. "You're such an ugly---" napakunot ang noo ko ng bigla siyang napatigil at napasinghap. Kinunutan ko siya ng noo. "What?" Taas kilay kong tanong. Hindi ko alam kung bakit natulala siya---sila sa mukha ko. "......... " Biglang naging tahimik ang paligid habang ang lahat ay nakamasid sakin. Ramdam ko ang pag luwag ng hawak sakin nung dalawang lalaki kaya ginamit ko ang chance na yun para sipain yung itlog nung nasa kanan at sipain yung dibdib nung isa. "Ughh!/Augh!" Umantras ako kila Daisy. "You!" Tiningnan ko si Daisy na umuusok sa galit. Tinaasan ko siya ng kilay. "What?" Pabalang kong sagot. Nanlalaki ang ilong niya sakin at umuusok ang ilong at tainga sa galit. "You... Why are you so---Argh! No, this is impossible! I will ruin your face!!" Inis niyang bulyaw habang nagpapapadyak na parang bata. Medyo nalinawagan ako sa reaksyon nila. Nginisian ko siya. "Yes... Yeah, I know I'm pretty." Mahangin kong saad habang siya ay kinikindatan. Lalong sumama ang tingin niya sakin. Nilimot ko ang bag ko sa sahig bago nagtatakbo papalayo habang dumbfounded parin sila. That f*****g b***h, basag ang salamin ko ehh, tskk. "Derrick! Catch her! Don't f*****g stand there!!" inis niyang bulyaw sa manliligaw niya na nakatulala sakin, tsk. *** Kadadating ko lang sa bahay. Dahan dahan akong pumasok sa bahay namin. Dahan dahan kong sinarado ang pinto. Patay na ang mga ilaw at mukhang tulog na sila. Bahagya akong napatingin sa gilid ng may taong nagsalita. "Bakit ang tagal mong umuwi, late na ahh." Nakahawak sa dibdib ko siyang tiningnan. "Ano ba Ma? Wag ka ngang mang-gulat!" Reklamo ko. Kahit madilim dahil patay ang mga ilaw, Kita ko parin siya. Nakapamaywang siya sakin. "Sagutin mo ang tanong ko. Bakit ngangayon ka lang? Pati si Liam hindi pa umuuwi, bakit hindi mo siya kasama??" Mama. "May school project kami, Ma." Pagsisinungaling ko. "Kinuha si Liam ng mga tauhan ng lolo niya wag ka na magalala sa kaniya." saad ko ulit. Half-lie, Half-truth. Obvious na naman na lie yung sinabi kong may school project. Pero wag kayo, white lie yun. Ayaw kong magalala si Mama sakin. "Sige sige, Matulog ka na! May pasok ka pa bukas," Pagtataboy sakin ni Mama. Pagdating ko sa kwarto ko agad kong sinarado ang pinto at tiningnan ang mukha ko sa salamin. "Tsk, sakit." Ngiwi akong tumingin sa salamin habang sinusubukan hawakan ang labi ko na nasampal, putok eh. Medyo may cut yung labi ko, masakit yung pagkakasampal ni Daisy. May suot kasi siyang singsing na gawa sa bakal kaya nagkacut yung labi ko. "Kininginang babae yun. Sarap ingudngod ang mukha sa sahig." Inis kong bulong habang nagtatagtag ng damit. *** "Brielle!" Napatingin ako kay Liam ng patakbo siyang lumapit sakin. Dalawang araw na ang nakalipas. Medyo hindi parin okay yung labi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" Ano na namang problema ng gunggong na 'to. Pagkalapit niya sakin, tinaasan niya rin ako ng kilay at nagtaka sa itsura ko. "Bakit ka nakamask?" Balik na tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin. Nagkatali ang buhok ko, may bago din akong itim na salamin at may surgical mask na suot. Nagpanggap akong inuubo. *Fake coughs!* "May ubo ako." *Clear throats* Pagdadahilan ko. Hindi pwedeng malaman ni Liam na nabubully ako dito, baka ano pang gawin ng lokong 'to. Etong si Liam. Kung ikukumpara sa A4. Kaya niyang makipagsabayan. Ganon din kayaman ang pamilya niya eh. Naglalakad kami ngayon patungo sa classroom. Bago siya makapagtanong, iniba ko na ang topic. "Ano palang nangyari sayo nung isang araw?" Tanong ko, napakamot siya sa ulo niya bago nagpout sakin. "Dinala ako ng mga bodyguards ni lolo sa mansion---Ang hirap makatakas kaya ngayon lang ulit ako nakapasok." Nakabusangot niyang saad. Pansin ko ngang gulo gulo ang buhok niya at hindi rin ayos ang pagkakalagay ng necktie niya. Parang bagong gising eh. Tumigil ako sa paglalakad, hinila ko ang kwelyo niya at inayos ito. "Bakit ba kasi nagtransfer ka pa dito sa SIS?" Inis kong saad habang inaayos ang necktie niya. "Pinahihirapan mo lang sarili mo ehh." Dagdag ko, ngumisi lang siya sakin. "Nandito ka, hindi kita pwedeng pababayanan noh!" Nagmamayabang niyang sabi habang ginugulo ang buhok ko. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi mapakaniwalang tiningnan. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa ulo ko. "Hindi ako baby para bantayan mo!" *** Nasa classroom ako ngayon. Free time namin. As usual si Xyvill katabi ko. Hindi ko siya pinapansin dahil nagguguguhit na naman siya ng kung ano ano. Si Liam, nagigitara sa table sa harapan habang pinapalibutan siya ng mga babae. Si Dash, Vladimir at Caspian, wala sa classroom. And last but not the least si Valkyrie mukhang nagrereview. *BOOGSHHH!!* Halos napatingin kaming lahat sa pinto, may nagbukas kasi nito ng padabog. Natahimik ang paligid. Ramdam kong tumigil saglit ang pagtutog ni Liam sa gitara niya pero agad ding tumuloy. Tiningnan ko kung sino ang pumasok. Yung lalaki sa abandonadong gusali, kasama niya din yung pitong lalaki na nakita ko kahapon. Mga HUMSS student. Isa isa silang nagsipasok. At kada isa sa kanila, may dalang pamalo. Basebat, bakal, kahoy. Nagbuntong hininga ako. Are they looking for a fight? Sumandal ako sa upuan ko at kinuha ang earpads sa bag ko. Astang isasalpak ko na ito sa tainga ko ng---"Brielle Samaniego, where is she?" Maangas na tanong nungn Derrick habang ipinapatong ang hawak na baseball bat sa balikat. Napakunot saglit ang noo ko. "Akong target?" Isip isip ko. Ramdam ko ang confuse na itsura ng mga kaklase ko na parang yung iba, ngangayon lang narinig ang pangalan ko at yung iba naman napatingin sa gawi ko at tinuturo turo ako, Tsk. Tatakpan ko na sana ang mukha ko pero, "Derrick, yun siya ohh~!!" Pagtuturo sakin ni Daisy habang nakangisi ng wagas. Bakit ko ba kaklase 'to?! Marahan akong tumayo sa silya ko habang busy sila sa paghahanap kung sino ang tinuturo ni Daisy. *Creeaak...* Tatakas na sana ako gamit ang back door ng classroom pero nung bubuksan ko pa sana ito, may sumandal sa pinto dahilan ng pagkasarado. *Thuuuddd!* Buntong hininga akong humarap. Kita kong nilock ng mga kasama niya ang pinto sa harap, pinagsasara rin pati mga kurtina sa classroom, aircon kasi kaya nakasarado na ang mga bintana. "Sino yun?" "Mga galing sa HUMSS beh." "Bakit nila hinahanap yung babae? Sino ba yun?" "Ewan" "From what I heard, miyembro siya ng gang group diba?" "What ba't di ireport?" "Mayor ama niyan. Sinong magrereport?" Tiningnan ko siya ng daretso. Nakapin ako sa pinto habang nakatingin siya ng intense sakin. I don't remember offending him. Bakit niya ako tinatarget ngayon. "Hey," Panimula niya habang nakakunot noo sakin. "What?" tanong ko habang tinitingnan siya ng walang ekspresyon. F*ck Liam, bakit hindi niya ako tinutulungan?! Pakinig kong patuloy parin siya sa pagtugtog ng gitara ehh!! Traydor na kaibigan! Tumuon siya papalapit kaya napaantras ako. "May ninakaw ka sakin." Seryoso niyang saad habang may madilim na aura. Tiningnan ko si Daisy, nakangisi siya sakin habang malabeauty queen kung kumaway."Ang sarap itapon sa bangin!!" Inis kong isip-isip. "Wag kang mambintang. Nauna akong umalis, tanda mo?" Mahinahon ngunit inis kong saad. Saglit siyang nagisip bago ako nginisian. "Tama ka... Pero dapat tulungan mo akong hanapin yun. Mahalaga yun ehh" Buti naman hindi bobo 'to. Unti unti na siyang lumayo, kaya umalis na ako sa pagkakasandal sa pinto, nagbuntong hininga ako, nakapamaywang ko siyang tiningnan. "Ano gang hinahanap mo?" Tanong ko. Wala na naman din akong choice. Baka kung ano pang gawin ng mga lalaking 'to sakin. Medyo nagtaka ako ng hawakan niya ang baba ko. "Yung puso ko. Ninakaw mo." Nakangisi niyang saad. Taka kong tiningnan si Daisy, yung ngising tagumpay sa mukha niya biglang nawala at napaltan ng ngiwi, at pagtataka na ekspresyon kagaya ko. Unti untingb nagbulungan ang mga kaklase ko, Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko. This man is unbelievabe. Saglit lang na nakita akong walang salamin, pipick up line agad sakin, tskk. *Sighs* Nagulat ako ng tanggalin niya ang surgical mask na suot ko. "I don't know that your also cute while wearing a big glasses." Agad na nanlaki ang mga mata ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko. This man is irritating me. Napaantras ako ng hinawakan niya yung small cut sa labi ko. "Hiiisss." Ngiwi ko dahil sa hapdi, sinamaan ko siya ng tingin. Nginisian niya lang ako. Lalo ko siyang sinamaan ng tingin, tanginang lalaki 'to. Itutulak ko sana siya pero---*Skrieeekkks!* Napatingin ako kay Liam na nag-guitara ng nag-iba ang tono ng guitarang tinutugtog niya. Naging nakakarindi sa tainga. Third Person's POV Ang gitara ay biglang naglabas ng malakas at nakakabinging ingay. Ang dati'y magandang tugtugin ay naging nakakabingi na tunog. Ang mga mata ng mga estudyante ay isa-isa na napalingon sa harap maliban sa isang lalaki na tahimik na naka-headset habang hindi pa rin nagpapatinag sa kanyang ginagawang pag-guhit. Binitawan ni Liam ang guitara niya sa table bago hinarap ang direksyon nila Brielle. "Pano mo nakuha 'yan?" Tanong ni Liam mula sa malayo pero sapat na para marinig ng kaibigan, seryoso ang tono niya habang tahimik na tinitingnan si Brielle. Napalunok si Brielle, nangangapa sa mga salitang sasagutin. "Wala, nadapa ako kahapon" sambit niya, tinutukoy niya ang maliit na sugat sa kanyang labi. Hindi nito maipahayag nang tuwiran ang totoong nangyari. Alam niyang may ugali ang kanyang kaibigan kapag ito ay nagalit, kaya't kinakailangang maging maingat sa mga salitang pipiliin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD