Chapter 33 - Peanut

2000 Words
Napataas ang tingin ko ng magsalita si Dash. "Brielle." "Oh?" Sagot ko habang nililingon siya. "San pumapasok si Azalea?" Natigilan ako. Ramdam ko rin napatingin si Liam sa direksyon namin. Pati si Noah nagtaka. "Sa... Sa LIB din dati, hindi ko sure ngayon." Sagot ko na lang para safe. "Ahh." Dash. Kunot noong nagtanong si Valkyrie. "Azalea? Sino yun?" Tanong ni Valkyrie at mukhang curious. Wag mong ikwento. Wag mong ikwento! Wag mong ikwento!! "Ahh di mo pa siya kilala? Yung magandang pinsan ni Brielle!" Excited na pagkukwento ni Dash. Napatungo ako. "I really like her!" Nakangiti pa niyang panimula habang nakatulala sa kawalan na parang nagdayday dream. "She got the face. The smile and the eyes!" He's praising me too much. Tao lang din ako. "Ehh ano bang itsura niya? Magkamukha sila ni Brielle?" tanong ni Valkyrie. Nacurious ako sa isasagot ni Dash. "Hindi! Sobrang layo ni Azalea kay Brielle! Sobrang ganda ni Azalea!! Nakakastarstruck." Pagpapaliwanag ni Dash sa kaniya. Ouch ha. Sinasabi niya ba na pangit ako pag may salamin? "Pft!" Tinapik ko ang hita ni Xyvill ng marinig ko siyang nagpipigil ng tawa. Tiningnan niya ako at nginisian. "Are you sure your not talking about one person?" Napatingin ako sa direksyon ni Noah, kasi siya yung nagtanong. "No, they're different! From head to toe!" Pagtanggi ni Dash sa sinabi ni Noah. Saglit kaming nagtinginan sa isa't isa. Ako ang unang naglayo. Patuloy na nagkwento si Dash sa kanila pero hindi ko na ganon tinuunan ng pansin at inilabas saking tainga lahat ng kaniyang mga sinasabi. "Brielle," Napatingin ako kay Valkyrie ng maglabas siya ng lunchbox na may lamang chocolate cake. "Taste this! I was bored kahapon kaya naisipan kong magbake! Sana magustuhan mo!" Nakangiti na sabi niya. Kinuha yung cake at kinain. Hmm, I was wrong. It's not chocolate. Pero familiar yung lasa. "Mhmm. Masarap." Sabi ko. Umubos ako ng tatlong kutsara. "Anong flavor? Hindi naman siya chocolate diba?" Pagbubukas ko ng topic para malayo ang usapan sakin. "Hulaan mo." Sabi niya sakin. Sumubo ulit ako at ninamnam. Alam ko siya ehh. "Ako nga Brielle. Pahingi, ako ang titikim." Inabot ko kay Dash yung luchbox na may lamang cake. Kumuha siya ng isang piraso at isinubo ito. "Wow, Valkyrie. Magaling ka pala magbake!" Kumento ni Dash. Uminom ako ng tubig. "Brielle, ang common naman ng lasa ehh. Ba't di ko matukoy?" Napakunot ako sa tanong niya. "Ehh ano ba?" Balik kong tanong habang umiinom sa tubigan ko. "Peanut." Maikli niyang sabi habang kinakain ang kalahati ng laman. "Pero ang weird. Bakit itim ang kulay?" Kaniya pang dagdag. Nabilaukan ako ng tubig na iniinom ko. Kita ng peripheral vision ko na parehas napatayo si Liam at Noah. "F*ck, she's allergy in peanuts!" Turan ni Liam. Ramdam nagulat silang lima. "Do you have your medicine?" Agad na tanong naman ni Noah sakin. Agad kong tiningnan yung bag ko. Hinanap ko yung gamot na ginagamit ko tuwing lagi akong nagkakaallergy reaction. "Wala," Mahinahon kong sabi. "Damn/Sh*t, Azalea!" Sabay nilang sigaw sakin ng pagalit, "Azalea?" Dash said in faint voice. Uminit yung ulo ko. "Nagpalit ako ng bag, I forgot to put it okay?!" Ramdam kong nacoconfuse sila. Napahawak ako sa aking ulo ng magblurr ang paningin ko na para bang nagdodoble. Napaupo ako sa silya ng makaramdam ako ng paninikip sa dibdib. Sh*t, my asthma is also attacking? "Liam, do you have yours?" Rinig kong mabilis na tanong ni Noah. Meron din kasing Allergy si Liam, pero siya sa seafoods. "Wait, I'll check." Mabilis rin niyang sabi bago hinahikwat ang bag. Nahihirapan akong huminga. Napatingin ako sa gilid ng may humawak ng kamay ko. "Sh*t, sh*t, I'm sorry Brielle!" Kita kong nangingiyak ngiyak na sabi ni Valkyrie kahit blurr na ang paningin ko. Kahit gustong kong sabihin kay Valkyrie na hindi naman niya sinasadya pero sobra sama na talaga ng pakiramdam ko. Kita kong nagkakagulo na silang anim maliban kay Xyvill na kalmado. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa sobrang paghihingalo. Napatingin ako kay Xyvill ng inakyat niya ang kaniyang magkabilang kamay sa balikat ko. "It's alright... It's alright." Medyo nagulat ako ng bigla niya akong binuhat ng bridal style. Bago ako mawalan ng malay. I heard his faint voice. "I got you, Brielle." Rinig kong bulong niya sa tainga ko. Ang weird, kumalma ang sistema ko bago mawalan tuluyan ng malay. Unti unting bumigat ang takulip ng mata ko. Hanggang tuluyan na talagang magblock out ang paningin ko. *** Xyvill's POV Sh*t. F*ck. F*cking Assh*le. D*mn it! Kanina pa akong pauli uli dito sa labas ng kwarto ng ospital. Ayaw nilang papasukin kasi hindi raw ako blood related. F*ck it. Dapat pala sa bahay ko na lang siya dinala para family doctor na lang namin ang magasikaso. Pero, it will take hours before we get there. Just f*ck it!! Napatingin ako sa gilid ng lumabas ang doctor na nag aasikaso kay Brielle. "How is she?" Agad na bungad ko. "She's fine. Naparami lang ang kain niya sa peanut kaya umatake ang Allergy-induced asthma. She's weak right now but she can be discharge tomorrow." Explain ng doctor. I brush my hair upwards. Thank god. "Can I check her?" I asked. He nodded. Pakapasok ko sa kwarto, nakita ko siyang nakahiga sa kama, wala siyang suot na salamin. Pero nakatali parin ang buhok niya. She's sleeping so. Nang makalapit ako, unti unti siyang nagising. "Xy?" She asked in a weak voice. "Yes, Brielle? You're fine now." I said in an assuring tone even though I was getting weak on the inside. I kissed the back of her hands, she looked at me. "Where's the others?" Brielle. "I.." I left them all behind. "They're still in school. I brought you here. You need medical care." Unti unti siyang tumango. F*ck, she looks so weak! No, I'll call another doctor. Astang aalis ako pero nung maibaba ko ang kamay niya sa gilid kama, hinawakan niya ang dulo ng damit ko. "Don't leave me alone here," Mahina niyang sabi. She's so cute. I could feel my cheeks burning when she pouted. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Why? Just sleep. I'll call a doctor." I said while stroking her hair. She looked at me. "Don't call a doctor. I don't want a doctor." She whimpers while clenching her hands on my clothes. So cute. I chuckle and lean towards her. "Why? You hate doctors?" I asked. She nodded her head slowly while her eyes were still closed. That made me curious. "What's the reason?" I asked. "My parents are doctors." Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Nung nasa apartment niya kami, nabanggit niyang hindi niya biological mother si Tita. Yung supportive na nanay niya. "Then why do you hate them?" She answered, "They don't love me." A tear escaped from her eyes. Parang ako ang nasaktan sa sinabi niya. I can feel pain and longingness in her voice. I wonder what kind of childhood she experienced. She's so distant to us like she's forming a barrier. "But I love you," I said. She slowly opened her eyes and looked at me. "Me, your current mother, Liam, the A4 and Valkyrie. We love you." I said while playing with the end of her hair. She slowly smiled and laughed. "You're so bad dealing with girls," Natatawa niyang sabi habang nagpupunas ng luha. I laughed. "Bare with me." I looked directly into her eyes. "You're the first one," I added. A smirk formed on my face when she blushed. "Sleep if you're tired," I whispered. She nodded. I looked at my phone when it rang. Vladimir's calling. [WHERE THE F*CK ARE YOU, XYVILL?] Sigaw niya sa kabilang linya ng masagot ko ito. Patingin ako kay Brielle ng naistorbo ko ang tulog niya. Agad kong hininaan ang volume at tumayo. "Lower down your voice." Bulong ko ng makapunta sa sulok ng silid. [San mo ba siya dinala?! nasan kayo? Pagdating namin sa clinic wala kayo!] Vladimir. Why would I bring her to the clinic? She fainted. It's serious. "Hospital." Sagot ko sa tanong niya. [Hospital?!] He said in exaggerate voice. [Akina nga yan... Hello, Xyvill. Putangina mo! kanina pa kaming aaalala rito, di ka man lang tumawag? Saang hospital kayo?] Tanong ni Liam na mukhang inis. "Caddel Hospital. We're in the 8th floor. VIP room." Maikli kong sabi. [Sige. Sige. Pupunta kami jan...] Pinatay ko na ang tawag at tiningnan si Brielle. Natutulog na siya. Lumapit ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya. Inilagay ko ito sa likuran ng kaniyang tainga. "Sleep well, my princess'' Bulong ko. Only if I can take away all your pain you wouldn't need to suffer like this. Brielle's POV Nagising ang ng may marinig akong boses na naguusap. "Xyvill. Masyado ka namang OA! Natutulog lang siya ohh!" Unti unting kong imunulat ang mga mata ko. Suot suot ko na ulit ang salamin ko, isinuot siguro ni Xyvill. Agad ko itong inayos. Nakita ko sila Liam pati na yung A4 at si Valkyrie. "She looks so weak! I already said couple of times that it's a serious matter!" Sumabat si Valkyrie sa usapan nila. "Wag ka, sabihin mo na lang na gustong mo siyang solohin ehh." Napapairap na sabi niya. Bumangon ako at nagunat unat. Ano bang problema ng mga 'to ang iingay. Napahikab ako sa antok. Ang sarap ng tulog ko. "Brielle, gising ka na!" Patalon akong dinambahan ng yakap ni Valkyrie. "I'm really sorry Brielle. I don't know na allergy ka sa peanuts! I'm so sorry." Nangingiyak ngiyak niyang sabi sakin habang nakapout. Tinawanan ko siya at pinisil ang kaniyang pisnge. "Ouchh." Daing niya habang nakapout at nakakunot ang kaniyang noo. "Okay lang nga." Nakangiti kong sabi. "Really?" Nakapout na tanong niya. "Oo nga. Ba't ang kulit mo?" Ang kulit ng babaeng 'to. "Ehh kasi naman si Xyvill. Pagdating namin dito, inaway niya agad ako! Ciniriticize niya yung cooking skills ko! Sabi niya bakit ba raw sunog yung peanut cake na niluto ko kaya sa perspective mo raw nagmukhang chocolate cake tapos pinakain ko pa sayo---Ehh FYI, food coloring naman yun!" Sinamaan niya ng tingin si Xyvill na nakaupo sa sulok ng kama. "Hahaha..." Napapakamot na tawa ko habang nakangiti. But I really thought that it's chocolate cake. "I'm just stating the fact. It's your fault. Didn't you know how weak she was? She's like a glass that is about to shatter! And the f*ck?! Why the hell did you put food coloring? Didn't you know food coloring has so many side effects?" Napataas ang kilay ko kay Xyvill. Agad akong napalunok. Ang seryoso niya. Natulog lang talaga ako kanina kasi antok na antok ako ehh. "Side effect, side effect. Sige nga! Isa isahin mo!" Panghahamon ni Valkyrie. Natameme siya ng inisa isa nga ni Xyvill lahat. "Allergic reactions, hyperactivity, gastrointestinal distress, asthma and respiratory issues, carcinogenic concerns, you want me to continue?" Rinig kong seryoso niyang tanong habang nagbibilang pa sa kamay. "Brielle! Inaaway niya ako!" Pagyugyog ni Valkyrie sa balikat ko. Ngabuntong hininga na lang ako. Talagang ang dalawang 'to. "Brielle," Napatingin ako kay Dash ng tawagin niya ako. "Hmm?" Tugon ko habang tinitingnan siya na para bang may malalim na iniisip. "Ahh. Nothing, don't mind me." Napapailing na ulo niyang saad at mukhang nagdalawang isip sa sasabihin. Ano namang problema nun? Nilibot ko ang tingin sa paligid. Bakit wala siya. "Liam." Tawag ko. "Ohh?" Sagot niya. "Si Noah?" Napatigil siya sa pagcecellphone at tiningnan ako. "Wag mo na hanapin. Mas mabuting wala siya rito." Natahimik ang buong kwarto sa asal ni Liam. Na tila ba'y sila ay naninibago. Napatingin siya sakin ng makita niya akong salubong ang kilay sa direksyon niya. "Fine. Fine! Di ko siya pinapunta, maistress ka lang dun." Bored niyang sabi bago umupo sa chair na inupuan ni Xyvill kanina. "Matagal na kayong magkakilala? Kayong tatlo?" Pagsabat ni Vakyrie. Nakatingin kami sa kaniya. Si Liam ang sumagot. "Yeah, actually magkababata kami." Bored niyang banggit. Agad naman na napatingin sila Valkyrie sakin. Ang daladal talaga ng lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD