Katatapos lang ng klase. 4:30 pm. Kasama ko si Valkyrie at Liam. Habang naglalakad sa corridor. Iba't ibang bulungan parin ang mga naririnig ko. Halos parang mas maingay pa nga dito sa labas kesa kanina sa classroom. "Yeahh! Ano kayang dahilan..." "Atsaka nag-away pala sila." "Last time na may nagdeclare ng red4 si Caspian at Xyvill ang naglaban diba?" "Godd, ang troublemaker ngayon ni Baby Xyvill!" Nagsalubong ang kilay ko. Naglaban? Pano sila naglaban? Nawala ang tingin ko sa kanila ng magsalita si Valkyrie. "Liam, tulungan mo nga ako. May pinakukuha si Ma'am Vane na mga libro sa room, dalhin daw sa office niya." Napatigil kami sa paglalakad dahil sa sinabi ni Valkyrie. Isinakbit ni Liam ang bag niya sa kaniyang balikat. "No way. Ayoko nga. Bakit ka kasi masyadong pateacher's pet?

