Chapter 24 - Swimsuit

1543 Words
Kalalabas lang namin ni Valkyrie ng CR. Sobrang naiilang ako dahil maraming taong nakatingin sa direksyon namin. "Don't cover youself." Rinig kong bulong ni Valkyrie pero hindi ko siya pinansin. Habang naglalakad kami papuntang pool, napatigil kami ni Valkyrie ng may dalawang lalaki ang tumigil sa harap namin. "Hey, girls." Nakangiting bati nung chinito na lalaki na halos nawawalan na ng mata sa sobrang kasingkitan. "Yan, tingnan mo. Mga boys na mismo lumapit." Kumikindat na bulong niya sakin. "Hi." Nakangiting bati ni Valkyrie. Nagcross arms ako habang pinapanood si Valkyrie na makipagusap sa lalaking nagpakilalang pinsan raw ni Caspian. Half Filipino, Half Chinese. Mga chinito pala type neto, bakit naghahanap pa siya ng iba kung pwede naman si Caspian na lang. Kahit medyo may topak yun, ayos naman ugali niya. Matangkad rin, tas gwapo. Tiningnan ko sila Valkyrie, hindi parin sila tapos. Mukhang magtatagal yung conversation nila kaya sinubukan kong umalis pero pinigilan ako ng kasama nung isang lalaki. Chinito rin ang isang 'to pero moreno na gwapo. Gets niyo? Kung hindi, well kayo na magimagine. "Hi, cute nerd." Nakangiting sabi niya sakin. "Can I get your number?" Tiningnan ko si Valkyrie, mukhang mas lalong lumalalim ang conversation nila nung kausap niya. "I'm Max by the way." Dagdag pa niya. Buti pang isang 'to, straight to the point. "Brielle." Maikli kong response. Nang inilahad niya ang kamay niya, Tinanggap ko ito, "So, Brielle..." Pero medyo nagulat ako ng hinila niya ako papalapit. "I'm alone in my room tonight. Do you want to come over and have fun with me?" Bulong niya sa tainga ko. Medyo nagulat ako roon. Ang inosente kasi ng mukha ni Max, hindi halata na---katawan ko lang ang habol niya sakin. Kung ibang babae siguro kaharap niya, hihimatayin na yun sa kilig at excitement. Aba'y gwapong chinito na nagyayaya ng one night stand, tatanggi ka pa? Kung kayo hindi, ako oo. Hinuli ko ang mga kamay niyang sinusubukan gumala sa bewang ko bago lumapit sa tainga niya. "Unfortunately, I have my own plans." Bulong ko bago tinanggal ang pagkakahawak sa mga kamay niya at umalis. "Ohh, come onnn." Rinig kong sabi pa nung max na yun pero di ko na pinansin. Iniwan ko na si Valkyrie, mukhang busy talaga sa kausap niya ehh. "Brielle! Come here!" Napatingin ako sa gitna ng pool ng may tumawag sakin. Si Dash, mag isa na naglalangoy. Hindi naman siya totally mag isa sa napakalaki at lawak na pool, may mga taong nakapalibot sa gilid gilid pero hindi ganon karamihan. Bakit hindi kasama ng lalaking 'to sila Xyvill? "What the f*ck Vladimir?! Not you too Xyvill!!!" Napatingin ako sa sulok ng pool ng makita na buhat buhat ni Vladimir at Xyvill si Caspian bago *Splasshhhhhh!* Inihagis sa gitna ng pool. Napatawa ako ng kaunti ng makita ang mukha ni Caspian. Hindi ito maipinta habang salubong na salubong ang kilay sa direksyon nila Vladimir. Nakasuot pa kasi siya ng pormal na damit tapos biglang hinagis nung dalawa sa pool. "HAHAHAHAHA Ang tanga, napagtulungan!" Hagalpak na natawa ni Dash habang nakahawak sa tyan. Umupo ako sa gilid ng pool bago ibinabad ang aking mga paa sa tubig, pinanood ko ulit sila Caspian. Buti pa 'tong tatlong 'to. Kahit may hindi pagkakaunawaan sa grupo nila, nakakahanga na sama sama parin sila. Kung ganon lang din sana kami. Napatingin ako sa gilid ng may magbato ng damit sa tabi ko. Pamilyar. Puting polo, kay Vladimir. "Hold that for me." Tiningan ko si Vladimir simula ulo hanggang paa. Big biceps. Six pack. Ripped body. Nakakanose bleed katawan ng lalaking 'to. Kala ko ba mga academic achiever focus lang sa studies, bakit parang mas madalas pa ata magwork out 'tong si Vladimir. Medyo nagulat ako ng biglang iniluhod ni Vladimir ang isang tuhod niya sa harap ko. "Just take a picture of my body, Brielle." Nakangisi niyang sabi sakin bago nagtanggal ng silver watch. Agad akong nag-iwas ng paningin. "Wag kang feelingero." Saad ko. Pero tinawanan niya lang ako. Hindi ko nga alam kung ano yung tawa niya ehh. Kung Genuine ba o nangaasar. Napatingin ulit ako sa direksyon ni Vladimir ng magsalita siya. Parang may himig na pangasar at kasarkastikan kasi ang boses niya. "Oh, Xyvill. Ba't ka biglang naghubad. Kala ko ba may shooting ka mamaya?" Napatingin ako sa direksyon ni Xyvill. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nahuli ko si Xyvill na nakatitig sakin. Hindi ko ko alam kung bakit pero, kusang sinuri ng mata ko ang buong katawan ni Xyvill. Pagkatapos niya magtanggal ng oversize na hoodie, lumabanrada ang kaniyang 8 pack, sexy collarbone, big biceps at ripped body to die for. Tangina, mapapamura ka nalang, ang perfect ng katawan ng lalaking 'to. Napakagat ako sa labi ko at iniakyat ang tingin sa kaniya. Nakatitig pala siya sakin! Napaawang ang labi ko. Nanlalaking mga mata akong naglayo ng tingin. Lihim akong napaface palm. "It's too hot." Rinig ko sabi ni Xyvill, bago ako may marinig na nagsplash sa tubig. You mean you're too hot, bro. Sinulyapan ko silang apat, nagaasaran silang apat sa tubig. Hindi ko parin maiwasang mainggit sa pagsasama na meron sila. Kung ganon lang din sana kami. Nagbuntong hininga ako at lihim na napanguso. *Splasshh!* Napatingin ako sa unahan ng may nagsaboy ng tubig sakin. "Ba't di ka pa naliligo, Old-Fashioned Nerd?" Ina netong si Caspian. Ginawa na talagang pang nickname niya sakin yung old fashioned nerd na yun ehh. "Aishhh! Tumigil ka! Mamaya ako, kakatamad!" Turan ko kay Caspian pero niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagbasa. Ayoko talaga maligo. Hindi ko hilig maglangoy. Napakunot ang noo ko ng lumapit sila Dash para makisali. Aba't---"Ligo na, anong oras ka pa lalangoy?" Tanong ni Dash sa akin, tskkk. Malalim akong nagbuntong hininga. "Eto na. Eto naa! Liligo na nga tama na!" Saad ako sa kanila, mukhang hindi effective dahil hindi sila tumigil sa pagbababasa sakin. Sinubukan kong lumayo pero naabot parin nila ako, inang. Aba, walang tiwala sakin mga mokong. Hinubad ko ang see-through dress na itim bagon itinapon sa sahig. Effective naman kasi tumigil sila. Ohh diba? Tiningnan ko sila ng bigla silang natahimik. Oh, ano na naman problema ng apat na 'to. Isa isa ko silang tiningan, yung itsura nila parang naestatwa. Pero medyo nagtaka ako sa reaksyon nila. Mga tulala kasi ehh. Si Dash laglag panga. Si Caspian bilog na bilog ang mga mata. Samantalang si Vladimir, umiwas ng tingin. Napatingin ako kay Xyvill, titig na titig siya sakin at pinagmamasdan ang kabuuan ko. Nakaramdam ako ng hiya. "Ano na?" Tanong ko sa kanilang apat para matanggal ang awkward na atmosphere. Isa isa silang naglayuan at nag-iwas ng tingin. "L-Lublob na." Sabi ni Dash habang lumulublob sa tubig at naglalangoy sa patungo sa kanan. Ako lang ba o namula yung mokong na yun? Nahagip naman ng mata ko si Vladimir. Nakatalikod na siya kaya hindi ko na ganun nakita yung reaksyon niya. Tiningnan ko naman si Caspian, nahuli ko siyang nakatingin sakin pero agad na nag-iwas ng tingin at umantras. "Hoy, Caspian tekaa." Umupo ulit ako sa gilid ng pool, bago inilublob ko ulit ang aking mga paa sa tubig. Ayoko ko kasing lumangoy, ayaw ko magbabad ng matagal sa tubig. Kita kong sinulayapan niya ako mula sa likod. "Bakit?" Sagot niya habang tumitigil. "Happy Birthday." Saad ko habang nagtatampisaw sa tubig. "..." Hindi na siya sumagot kaya pinabayaan ko na. Habang nagbababad ako ng paa sa gilid. Napatingin ako kay Xyvill ng ipinatong niya sa kandungan yung hoodie na suot suot niya kanina. "Wear that," Asad niya sakin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nakatayo siya ngayon sa gilid ko habang ako ay nakatingala sa kaniya. Sinuri ko ang katawan niya, tama nga sabi nila. Mas maganda ang view kapag malapitan. Tiningnan ko ang mga mata ni Xyvill. Nagtagpo ulit ang paningin namin. Dinagdagan niya ng isang salita yung sanabi niya sakin kanina. "Malamig." Pinanood ko siyang tumalikod at lumayo. Even his back is sexy. Namula ang pisnge ko sa iniisip ko. Snap out of it, Brielle! Ang landi mo! Nagmamagandang loob yung tao! Iniling ko ang mukha ko pero ramdam ko parin ang kapulahan ng mukha ko. Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang kamay, Sh*t, ang init talaga. Tiningnan ko ang hoodie ni Xyvill na nakapatong sa lap ko. Kalma, Brielle. Ano ba! Aishh. Kasalanan ng lalaking yun, masyadong pinagpala. Nakagwapo na nga ng mukha, pati katawan, hot pa---Wait! No, no! This isn't you Brielle! Iniling ko ang ulo ko. Ano ba 'tong iniisip ko. "... Yes, yes. I'll meet you later, Hiro." Napatingin ako sa likod ng marinig ko yung boses ni Valkyrie. Kinakawayan niya yung lalaking nakausap niya kanina. Mukhang ngangayon lang sila natapos ahh. Isinampay ko sa braso ko ang hoodie ni Xyvill bago tumayo. Hinintay kong lumapit si Valkyrie sakin, ang lawak ng ngiti ng bruha. "Oh ano?" Bored kong tanong ng makalapit siya. "Gwapo. May lahi. At englishero." Bulong niya bago hinawakan ang braso ko. Hinila niya ang kamay ko, naglakad kami papunta sa direksyon ng apat. "Kaso 7 out of 10. Hindi kami same vibes eh." Dagdag pa niya. Ibang klase rin 'tong babaeng 'to. Pinuntahan namin sila Dash na nakaungkot sa hagdanan ng pool habang umiinom. Hindi tirik ang araw kaya masarap tumambay rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD