Azriel's Pov 9pm na at nandito na ako ngayon sa penthouse. Nakakapag taka dahil sa tuwing umuuwi ako ay sinasalubong ako ni Cerys para asikasuhin. Pero this time ay wala ito kaya naman cheneck ko ito sa kwarto nya pero wala din ito dito. Hinalughog ko na ang buong penthouse pero wala talaga ito. Naalala ko yung sinabi nya kaninang umaga na pupunta sya sa bahay nila upang kausapin ang parents nya about sa gaganapin naming grand wedding. Sana lang ay nakausap nya ang mga ito ng maayos. Hindi ko maiwasang hindi mag alala para kay Cerys. Tatawagan ko na sana ito ng biglang mag ring ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang tumatawag si Lola Olivia. "Yes Lola, napatawag po kayo?" Tanong ko dito. "Kung hinahanap mo ang asawa mo, nandito sya ngayon sa mansion. Sunduin mo na sya." Saa

