Chapter 3

1664 Words
Azriel's Pov Hindi ako mapakali sa opisina ko, mula pag alis ko ng hospital ay si Cerys na ang laman ng isipan ko. Ano na kaya ang lagay nya ngayon? Nakokonsensya talaga ako sa nangyare. Kung nakapag preno sana ako agad hindi ko sya mababangga. "Sir san po kayo pupunta?" Tanong ng secretary kong si Rea. "May importanteng lakad lang ako, please paki cancel muna ang mga schedule ko ngayong araw." Saad ko dito bago tuluyang umalis ng opisina. Bago ako dumiretso ng hospital ay dumaan muna ako ng flower shop para bumili ng flowers, bumili din ang ng mga prutas para kay Cerys. Pag dating ko ng ward nito ay naabutan ko itong mahimbing na natutulog. Napansin ang bakas ng luha sa kanyang mata. Marahil ay nakatulog ito dahil sa kakaiyak. Gusto ko syang tanungin kung anong nangyare, alam ko naman na broken hearted sya ngayon. Pero gusto ko kasing malaman kung anong dahilan. Napaka bigat siguro ng dahilan dahil umabot pa sya sa punto na gusto nyang wakasan ang buhay nya. Pa lubog na ang araw ng magising ito. Gulat na gulat ito ng makita akong nag aayos ng makakain nya. "Bakit ka bumalik?" Nakakunot noo na tanong nito sakin. Dahan dahan itong tumayo kaya naman inalalayan ko ito hanggang sa makaupo sa tapat ng table. "Nakokonsensya ako sa nangyare, hindi ko kaya na iwan ka nalang mag isa sa ganitong kalagayan mo." Saad ko dito kaya naman napangiti ito. "Thanks Azriel, ma swerte pa din pala ako kahit papano. Pasensya na talaga sa abala, baka magalit ang Mrs mo kapag nalaman nyang nandito ka. Okey lang talaga ako Azriel, kaya ko na ang sarili ko, nandyan naman ang mga doctor at nurse." Nahihiyang saad nito. "Walang magagalit, wala naman kasi akong asawa." Sagot ko dito kaya naman napakunot ang noo nito. "Kung walang asawa, siguro naman may girlfriend kana." Nakangiting saad nito. "Parehas na wala kaya naman walang magagalit." Sagot ko dito kaya naman napanganga ito. Halatang gulat na gulat sya sa sinabi ko. "Seryoso ka, wala ka asawa or girlfriend? Sa gwapo mong yan single ka? Baka naman gay ka? Oops, hehehhe." Saad nito sabay tabon ng bibig nya. Napa buntong hininga nalang ako at hinainan na ito ng makakain. "UI sorry na, nag bibiro lang naman ako." Saad nito dahil napansin nito ang pananahimik ko. "Alam mo Cerys, hindi lang ikaw ang may problema dito. Sa totoo lang ay may malaking problema din ako." Saad ko dito kaya naman napakunot ang noo nito. Napansin ko din na handa itong makinig sa sasabihin ko. "Last week ay nalaman ko na may taning na ang buhay ng Lola ko. Si Lola nalang ang kaisa-isang pamilya ko. Bata palang ako ng mamatáy ang dad and mom ko kaya si Lola Olivia na ang tumayong magulang ko. Lahat ay ginawa ni Lola para sakin, she gave everything to me para maging masaya ako. Kaya naman ng malaman kong hindi na mag tatagal ang buhay nito ay napag pasyahan kong ibigay din ang mga kahilingan nito." Kwento ko dito kaya napangiti ito sakin. "Napaka bait mo namang apo." Saad nito sabay kain ng spaghetti nyang meryenda. "Hindi nga lang madali para sakin ang hinihiling ni Lola. Gusto na nitong pag asawahin ako." Paliwanag ko dito kaya naman bigla itong na ubo. Tila nabulunan ito dahil sa kinakain nya. Agad ko itong binigyan ng maiinom at dahan dahan na tinatapik ang likod nya. "Sorry, na gulat lang kasi ako sa sinabi mo." Saad nito habang maluha-luha dahil sa nangyare. "Okey kana?" Pag aalalang tanong ko dito. "Oo, salamat." Nakangiting saad nito bago punasan ng tissue ang labi nya. Napansin ko kagad ang natural na kulay ng labi nito. Maganda talaga sya kahit na walang make up. "Na kwento ko na sayo ang problema ko, siguro naman ay pwede kong malaman kung bakit gusto mong mag pakamatay." Saad ko dito kaya naman napabuntong hininga ito. "Last week ay 4th year anniversary a namin ng boyfriend kong si Lionel. Excited pa naman ako dahil finally ay sigurado na ako na isusuko ko na sa kanya ang sarili ko. Balak ko sana syang i-surprise pero ako yung na surprise nya. Naabutan ko ito sa condo nya kasama ang secretary nya. Hindi ko alam na matagal na pala akong iniiputan ng gagóng yun sa ulo. Binigyan ko sya ng tatlong araw na palugit para huminge ng sorry sakin. Papatawarin ko naman sya dahil alam kong may pag kukulang din ako, pero pag dating ko sa office nya naabutan ko na naman sila ng secretary nya na may ginagawang kababuyang!" Inis na saad nito, napansin kong pinag didiskitahan nito ng galit yung spag na kinakain nya. "Dahil dun kaya gusto mong wakasan ang buhay mo? Parang pinatunayan mo na din na talunan ka." Saad ko dito kaya napakunot ang noo nito. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito sakin. "Ikaw yung nasaktan at niloko, kaya dapat yung siraulo mong ex boyfriend at ang kabit nya ang mag dusa dito hindi ikaw." Nakangiting sagot ko dito. "P-pero paano ko yun gagawin. Alam ng lahat na mabuting lalaki si Lionel. Tiyak na ako lang ang magiging masama sa mata ng lahat." Malungkot na saad nito. "Wala ka manlang bang ibidensya sa pang loloko sayo ng ex mo?" Nakakunot noo na tanong ko dito. Kawawa naman kasi itong si Cerys, sya na nga yung nasaktan at na Loko, sya pa itong nag durusa ngayon. "M-meron, kaso hindi ko na alam kung nasan na. Yung gabing nabangga mo ko, tumilapon yung cellphone ko nun. Nandun yung video na nag lalampungan si Lionel at ang secretary nyang higad." Saad nito kaya napakamot ako ng ulo. Wala na akong ibang choice kundi tulungan si Cerys na mahanap ang phone nya. Nag paalam ako dito na uuwi na, pero ang totoo ay babalikan ako ang lugar kung saan ko sya nabangga. Medyo nag aagaw na ang liwanag at dilim. Sinubukan kong hanapin sa gilid ng kalsada ang cellphone nito kahit napaka sukal nito dahil sa nag tataasang d**o. Ilang oras na din akong nag hahanap pero wala talaga. Mukang may nakadampot na nito, sana lang ay may mabuting puso ang nakadampot nito para maibalik ito kay Cerys. - Pag balik ko ng hospital ay naabutan ko itong tulala. Agad itong ngumiti ng makita ako. "May nakalimutan ka ba?" Nakangiting tanong nito. "Oo, may nakalimutan akong itanong sayo." Sagot ko dito. Alam kong mag mumuka akong disperado sa itatanong ko sa kanya, pero win win situation ito para saming dalawa. "Gusto mo bang mag higanti sa ex mo?" Tanong ko dito kaya napakunot ang noo nito. "Oo naman, gustong gusto ko!" May pananabik na saad nito. "Kung ganun mag tulungan tayo, be my wife." Saad ko dito kaya napanganga ito dahil sa gulat. "Okey ka lang Azriel?" Sarcastic na tanong nito sakin. "Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Ang sakin lang ay mag tulungan tayo. Let's make a contract, hindi naman ito pang habang buhay. Kung malalaman ng ex mo na nag pakasal kana, matatapak mo ang pride nya. Dahil kung kaya ka nyang ipag palit, ipakita mo din sa kanya na mas kaya mo syang palitan. Bukod dun, matutulungan mo din ako sa sitwasyon ko sa Lola ko." Saad ko dito kaya naman mas lalong napakunot ang noo nito. Napahawak ako sa batok ko dahil sa kahihiyang pinag sasabi ko. "Ahmm, pwedeng pag isipan ko muna? Alam kong magandang idea yang sinasabi mo, pero hayaan mong pag isipan ko muna ito." Saad nito sakin kaya nakahinga ako ng maluwag. "Sige, inaasahan ko ang pag payag mo." Saad ko dito at nag paalam ng umalis dito. Pag labas ko ng kwarto nito ay binatukan ko ang sarili ko. Nasisiraan na talaga ako ng ulo, ano ba tong pinag sasabi ko kay Cerys. Tiyak kong hindi ito papayag. Paano naman sya papayag sa gusto ko, isang araw palang kaming mag kakilala. Tiyak kong hindi sya papayag, kabaliwan naman kasi yung naisip kong paraan. Ganito talaga siguro kapag naipit kana sa isang sitwasyon at wala ka ng matakbuhan. **CERYS'S POV** 10PM na at hindi pa din ako dinadalaw ng antok dahil sa sinabi ni Azriel sakin. Kailangan kong pag isipang mabuti ang gusto nyang mangyare. Hindi ito simpling usapin dahil marriage ang pinag uusapan dito. For sure ay maraming magugulat kapag ginawa ko ang bagay na ito. So kailangan ko talaga itong pag isipang mabuti. - Kinabukasan Nakausap ko ang doctor ko at pwede na daw akong ma discharge. "Salamat." Nakangiting saad ko kay Azriel dahil ni piso ay wala akong binayaran dito. "So paano, hatid na kita sa inyo." Nakangiting saad nito. Ngumiti ako at tumango dito. Pag labas namin ng hospital ay napansin ko kagad ang mamahaling sasakyan na nakapark sa tapat ng hospital. "Tara na, baka nag aalala na sayo ang parents mo." Nakangiting saad nito at pinag buksan pa ako nito ng pinto. "S-salamat." Saad ko dito at pumasok na ako sa loob nito. Mukang hindi basta-basta itong si Azriel, kung sa kanya talaga itong sasakyan na ito, for sure ay talagang napaka yaman nito. Pero hindi na yun ang importante, ang importante ngayon ay kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko na hiwalay na kami ni Lionel. - "Nandito na tayo." Nakangiting saad ni Azriel. Pag tingin ko sa labas ay nasa tapat na nga kami ng bahay namin. "Salamat Azriel, pag iisipan kong mabuti ang Alok mo sakin. Bigyan mo pa ako ng isang linggo." Nakangiting saad ko dito. "Sige, hihintayin ko ang magiging pasya mo." Saad nito sakin kaya nag paalam na ako dito. Pag baba ko ng sasakyan nito ay hinintay ko muna itong makalayo bago ako pumasok ng gate. Pag pasok ko sa loob at napansin ko ang kotse ni Lionel, ano naman kaya ang ginagawa ng bwesít na lalaki na to sa pamamahay namin? Lakas talaga ng loob nya na mag tumungtong sa pamamahay namin matapos nya akong pag taksilan. Humanda ka sakin Lionel, ilalabas ko ang baho mo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD