Cerys's Pov Ngiting-ngiti ako habang inaayos ang necktie ni Azriel, nag reready kami ngayon papasok ng office. Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman dahil finally ay may trabaho na ako. Hindi lang yun, kasama ko pa sa work ang mahal kong asawa. Kaya naman excited na ako sa first day of work ko bilang secretary assistant ni Lance. "Mukang masayang masaya ang asawa ko." Saad ni Azriel kaya mas lalo akong napangiti sa sinabi nito. "Hindi lang kasi ako makapaniwala na mangyayare sakin to. Akala ko pang habang buhay na team bahay nalang ako." Saad ko dito kaya naman niyakap ako nito. "Kung anong mag papasaya sayo, hindi kita pipigilan. Panatag naman ang loob ko dahil mag kasama tayo sa trabaho. Mas gaganahan akong mag trabaho ngayon dahil palagi kitang makikita sa office." Saad ko di

