Cerys's Pov After 1 week Feel na feel ko na yung pagiging Mrs Javier. Pag uwi namin ng penthouse galing honeymoon ay sa iisang kwarto na kami natutulog, sa kwarto nya. Until now ay parang na nanaginip pa din ako. Habang nag luluto ako ng breakfast namin ay bigla nalang may yumakap mula sa likuran ko. Hindi pa ito nakontento at hinalikan pa nito ang batok ko. "A-azriel naman." Nauutal na reklamo ko dito. "Azriel or hubby!?" Tanong nito kaya napangiti nalang ako. Hindi pa din kasi ako sanay na tawagin itong hubby. Kung hindi Hubby, dapat daw ay Hon ang itawag ko sa kanya. Napaka arte diba, pero napaka sweet din naman. "Oo na po, honey." Nakangiting sagot ko dito. Tiningnan naman nito ang niluluto ko. Simula ng bumalik kami galing honeymoon ay sa mansion na ni Lola Olivia ako nag i

