Cerys's Pov Nag start na ang auction, isa lang naman ang gustong gusto kong makuha na painting ni Mr Yvanez. Ang Duology Lovers, babae at lalaki sya na nag yayakapan. Ito ang unang couple painting na ginawa nya at marami talaga ang humanga dahil sa ganda nito. "Bakit hindi ka nakikipag sabayan sa bidding nila? Akala ko ba ay gusto mo ang art work ni Mr Yvanez?" Nakakunot noo na tanong ni Azriel sakin. "Yung Duology Lovers kasi ang hinihintay ko." Nakangiting sagot ko dito. "Kung ganun, ako nalang muna ang makikipag bidding." Sagot nito at kinuha sakin ang number namin. "Our next artwork is called, Lady of Hope. Bidding will start at 1.8million." Saad nung nag papa bidding, nasa stage din naman si Mr Yvanez habang nanunuod sa mga bidders. "2m" Saad ni Azriel. He looks so seriou

