Cerys's Pov "Ano po sa tingin nyo? Maganda po ba Lola?" Tanong ko dito dahil ito na ang pangatlong gown na isinukat ko. Para sakin ay maganda naman lahat ng gown na isinukat ko, hindi ko lang talaga makuha kung anong gusto nitong si Lola Olivia. "Ahhmm, maganda naman at bagay sayo Iha, pero may kulang pa din." Saad nito kaya naman pumasok ulit ako ng silid upang isuot ang pang apat na gown. Sana naman this time ay magustuhan na ito ni Lola Olivia. Mahirap talaga pag maraming pinag pipilitan, bakit hindi kasi sinabi niting si Miss Surra na isang gown lang fit sakin. Bakit kasi sinabi nya na marami syang bagong gawa na available sakin. Ayan tuloy, mukang gusto ni Lola Olivia na ipa-try sakin lahat. "Okey ka pa ba Cerys?" Natatawang tanong ni Miss Surra sakin. Napansin nya siguro na nah

