CHAPTER 46 Glen POV: GABI NA NANG UMUWI ako sa condo. Nagbabakasakali na baka pagdating ko ng condo ay naroon na rin si Steph. Maghapon kasi siya na wala sa University. Nagawa ko pa ngang magtanong sa iba niyang kaklase para tanungin kung pumasok ba ito sa klase, pero ang tanging sagot nito ay absent si Steph. Talagang nagliban sa klase ang babaeng 'yon masamahan lamang si Lance. Ganyan siya kakati. Hindi man lang nito sinasalugar ang kakatihan na taglay niya. Kaya sa sobrang galit ko ay pinili kong dumaan muna sa mismong bar para uminom ng wine at ninais kong doon na lamang ibuhos ang init ng aking ulo. I really tried to calm myself, dahil alam ko na kapag hindi ko napakalma ang sarili ko ay talagang masasaktan ko si Steph at mapagbubuhatan ng kamay. Pero kahit anong pagpapakalma pa

