PAU P.O.V “Pau, ready ka na ba?” “Sandali na lang.” Ang excited talaga ni Nico. One week na ang lumipas since pinayagan ko syang manligaw. “Sige.” Kaasalukuyan kasi akong nagpapatuyo ng buhok ko. Nakapangako ako kay Nico na ngayong araw ay sasamahan ko sya sa mall. Ewan ko ba. Trip na trip ang mall dito sa bicol, simula nung nanligaw sya sakin lagi na kaming nasa mall. Kain dito kain doon, gala kung saan saan at nuod ng mga movies. Hindi na nga kami tumigil sa bahay, at ngayon mall na naman. “Hey! I’m ready!” Tumingin sya sakin at nginitian ako, agad syang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi, napangiti na rin ako. “Tito, alis na po kami.” Si tito lang kasi ang maiiwan mag isa dito, since si Ailee and Zylee ay nasa galaan din, nag punta yata dun sa mga tourist spot dito. Gustong

