FOUR

2486 Words
“Gutom na talaga ako.” Parang ilang beses ko na itong sinabi. “Kanina mo pa nga yan sinasabi. Nasa loob pa lang tayo ng simbahan gutom ka na, ni hindi ka na nga yata nakikinig sa misa.” Sabi ni Kuya, nasa car na kami papuntang Mall kakatapos lang kasi namin mag simba, family day ba. Syempre mag katabi kami. “Ang sama mo naman, nakikinig naman ako.” Pagbalik ko sakanya. Pero iba talaga pag gutom. “Kung nakikinig ka, ano yung sinabi ni Father sa homily nya?” Tapos ngumiti sya ng nakakaloko. Kakagaling lang namin sa simbahan kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Lord sorry na po talaga.  “Mahalin daw natin ang ating kapwa. Tapos ah..wait..” Pilit kong iniisip ang sinabi ni Father, kaso yung gutom ko ang nanaig. “See? Hindi ka nakikinig, text ka kasi ng text kanina sa simbahan siguro katext mo yung Nico na yun no.” Paninita sakin ni Kuya. Nag te-text ba ako? Gutom nga ako eh.  “Shhh, ang ingay nyo.” Saway samin ni Tatay. Sya yung nag ddrive. Si Nanay ang nasa passenger seat. “Oo nga pala Pau, kamusta yung pag sha-shopping nyo ni Ailee kahapon?" Usisa naman ni Nanay. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. "Nay, kasama pala nila si Nico kahapon buti sumama ako.” Sumbong naman nung isa. Bakit ba ang laki ng problema nya kay Nico, samantalang napaka friendly naman nya. “Ikaw ba si Pau?” Pang-aasar ko sakanya, sagot kasi nang sagot kahit hindi sya ang kausap. “Oo, Pau din naman ako. PAULO” Oo nga naman. Pero ako lang naman kasi ang tinatawag na Pau. “Naiintriga na talaga ako dyan sa Nico na yan. Kelan ko ba sya makikita?” Ngayon naman si Nanay ang nang-aasar sakin. Pangiti ngiti ito at titingin pa kay Tatay. Natigil lang kami ni Kuya sa asaran nang biglang nag-ring ang phone ni Tatay. He answered it using his bluetooth earphone. “Yes, this is Dr. Fuentes. Do we really need to attend that convention?  Yes I’m with her. okay. okay. I’ll just tell her.” Sunod-sunod ang pag sagot ni Tatay sa kausap nya sa kabilang linya.  Mukang hindi pa kami matutuloy sa Mall ngayon. Ang hirap talaga na Doctor ang mga magulang. Syempre tungkulin nila gumamot ng may sakit. Kahit off nila ay tatawagan pa din sila.  “Nanay, we need to attend pala the convention in Cebu.” Sabi ni Tatay kay Nanay. Nag katinginan na naman kami ni Kuya. Sometimes I have their profession, but ofcourse alam ko naman ang priorities nila. “Tay, pano tayo? Lagi na lang tayo hindi natutuloy mag Mall na family, hindi ba pwedeng kami naman muna?” Mahihimigan sa boses ko ang pagtatampo, masama bang umasa na kahit ngayon lang ay unahin nila kami? “Anak, maiintindihan mo din kami, alam mo naman-” Pinutol ko na yung sasabihin ni Nanay “Yeah I know” Kami lagi ang second sa priorities nila. Parang nanghina nalang akong napasandal sa kinauupuan ko. “Okay. Idadaan na lang namin kayong dalawa sa Mall. You can go shopping and eat all you want there. Gamitin nyo ang credit card nyo. Ako na bahala sa gasto nyong dalawa.” Pag aalo naman ni Tatay samin, aanhin ang pera? Kung wala naman samin ang attention nila? “Yun yon Tay!!” Sigaw ni Kuya. Inirapan ko nalang sya. Sanay na kasi syang wala lagi ang parents namin. Maya maya ay nasa Mall na kami. Nag paalam na kami sakanila. Wala naman kaming magagawa. Ang drama ko ba? Ganun talaga ang life. “Kuya? Gutom na talaga ako. Can we eat first muna?” Pansin ko kasi kanina pa sya text ng text. Hello mother earth ako kaya ang kasama nya. Hindi man lang ako pinapansin. “Yeah, sure. Ikaw na pumili kung saang Restau mo gusto kumain.” Sabi nya sakin na hindi man lang inaalis ang tingin sa phone nya. “Okay.” Yun lang sinabi ko at nag lakad na. Bakit ganun? Kagabi lang parang okay naman kami binigay bigay nya pa yung necklace. Pumasok ako sa loob ng isang Eestau, kasunod ko naman sya nung naka upo na kami. Naibagsak nya yung phone nya sa table. “Kuya? May problema ba?” Nakita kong kumunot ang noo nya. Nag alala naman ako.  “Si Samantha kasi nakikipag break sakin” REALLY? For real? Galak na galak ang aking puso sa narinig ko. yeheey! Sa wakas mag kakahiwalay na sila pero biglang nawala yung kaligayahan ko nung nakita kong may tumulong luha sa mata nya pero agad nya ring pinunasan. Nasaktan ako. Ayokong makitang umiiyak si Kuya pero kakayanin ko din bang- stop it. erase erase erase. Kapatid ko sya. After 1 hour natapos ang pagkain namin. Tahimik lang kami ni hindi nga masyadong na galaw ni Kuya yung pagkain nya nakatingin lang kasi sya sa phone nya. Dapat mag saya ako pero hhindiko magawa. “Kuya, okay ka lang ba? Gusto mo umuwi na tayo?” Kasi naman parang may kasama akong zombie sa tabi ko. “Yeah, I’m okay. Where do you want to go next?” Sabi nya habang naka ngiti pero nawala din naman yung ngiti nya. “Punta lang akong bookstore. Ikaw?” Tanong ko, baka kasi gusto nya umuwi nalang pwede namang next time nalang ako magpunta sa bookstore. May tumawag sakanya pero hindi ko naman naririnig kasi lumayo sya. “Pau, kailangan ko lang umalis. Babalikan kita dito. Wag kang aalis hanggang wala ako. Tatawagan na lang kita. Mag uusap lang kami ni Samantha.” Nag mamadali syang umalis. Hindi man lang nya ako hinayaan na sagutin ko sya. Umalis agad. Sasabihin ko pa namang pano nya ako tatawagan, empty batt na nga yung phone ko. Badtrip! For the second time ngayong araw, naramdaman ko na pangalawa lang talaga ako. Kahit sa parents ko and kay Kuya. Nakakatawa ang buhay ko parang pwedeng gawing teleserye. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako mag papakasaya ako ngayon. Nagpunta ako ng bookstore. “Miss meron na bang stocks ulit ng Fifty Shades of Grey Trilogy?” Tanong ko dun sa taga bookstore, naka ilang balik na kasi ako dito laging ubusan. Tapos ko na namang basahin yun. Gusto ko lang magkaroon ng book. “Yes ma’am. Meron na po.” Masayang sagot nya sakin. Mukang maraming naghahanap ng librong ito. Tuwang tuwa naman ako. Sa wakas makakabili na ako. Kailan ko kaya mahahanap ang Christian Grey ng buhay ko? Pero parang hindi ko kakayanin yung mga ginagawa nya sa mga submissive nya. Pero who knows? Sabi din naman ng mga classmates ko masaya, masarap daw sa feeling makipag s-ex. Karamihan kasi sa mga kakilala ko hindi na virgin. Binili ko na yung book, tapos nag tingin tingin pa ako. Parang maganda din yung Bared to You.  Sylvia Day yung author.  Binili ko na din yung 3 books nun. Bali 6 books ang nabili ko. Tuwang tuwa naman ang medyo green na utak ko. Pumasok ako sa Starbucks dito na lang ako mag papalipas oras habang wala pa si kuya. Inilabas ko yung books na binili ko. Nandito naman ako sa loob at pinaka dulong part ng SB. Nag order nalang ako. Napaisip ako habang tinitingnan yung book. Sabi kasi sakin ni Mhean yung classmate ko din. Nung nag chuchu daw sila ng bf nya parang naadik na daw sya dun. Kung tama yung pagkaka alala ko nymphomaniac yata ang tawag dun. Halos every after class ginagawa daw nila yun. Swerte nya lang hindi sya nabubuntis. May video pa nga daw sila. Para namang ewan yun si Mhean at talagang kinuwento nya yun samin. Binasa ko nalang ulit ang FSOG. Napatingin ako sa relo ko. Seriously? 8pm na? Hindi na naman siguro dadating si Kuya uuwi na ako. Nag lakad na ako palabas ng mall. Shems! Wala nga pala akong dalang cash. KRIS P.O.V Kanina pa ako hanap nang hanap kay Samantha. Kasi sabi nya pag nahanap ko daw sya makiki pag balikan sya sakin. WTF! 8:30pm na. Pero siguro baka umuwi na din yun. Si Pau pa masyadong mainipin ang isang yon. PAU P.O.V Nasan na ba ang mga taxi? Kanina pa ako nag hihintay dito sa labas. Makapag lakad lakad na nga muna dun sa banda na yun. Baka may makita akong taxi. Napahinto ako sa paglalakad parang si Samantha yun. Nakita ko kasi syang nakatayo tapos may kausap sa phone baka nag kita na sila ni Kuya, malapitan nga. Pero habang papalapit ako narinig ko syang nag salita “Asa naman girl, pustahan hahabulin pa din ako ni Kris. Mahal na mahal nga ako nun. Kahit ano ipagawa o ipabili ko sinusunod nya. HAHAHHAHAHA.” Parang syang bruha nang tumawa sya nang malakas. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. All this time hindi nya mahal si Kuya? At nagtaka pa talaga ako ngayon. “And girl, alam mo bang nagkita kami? Alam kong mahal pa nya ako. Nakipag hiwalay na nga ako kay Kris. Kasi mahal ko pa din si Jasper at alam kong mahal nya pa din ako.” Naiinis ako kay Samantha. Tumalikod na ako at aalis na sana nung narinig ko yung boses na tumawag sakanya. “SAMANTHA” parang boses ni- “JASPER! Buti dumating ka.” Natatakot akong humarap. Pero lumingon pa din ako para makumpirma kung sya nga yun. Laking gulat ko, ang sinasabi ni Samantha na Jasper sa phone nya kanina ay si NICO. Lalo akong nanghina. Eh halos ipagtanggol ko nga sya sa Kuya ko. Tapos isa din pala syang manloloko. Di na ako nakatiis at nilapitan ko si Samantha. “Hi Samantha!” Bati ko sakanya habang naka smirk. Ni hindi ko tinapunan ng tingin si Nico. Si Samantha lang talaga ang may kakayahang buhayin ang inner b***h self ko. “Ohh. Nice to see you here Karissa. So nasaan ang Kuya mo?” May pang-aasar na tanong nya sakin. Nilingon ko naman si Nico. Sabay smirk “So Samantha, ito pala ang pinalit mo kay Kuya?” “Correction, Karissa. Hindi ko sya pinalit sa Kuya mo. Mas nauna nga sya kesa sa Kuya mo.” Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. “SHUT UP SAMANTHA!” Nagulat kami pareho nang sumigaw si Nico “Why Jasper? Bakit hindi natin sabihin sakanya ang totoo? Diba mahal mo pa ako? Yung pagkikita nyo sa elevator? Diba kaya ka nasa Wang building para puntahan ako? Yung nasa Mcdo kayo diba sinunsundan mo naman talaga kami ni Kris kasi mahal mo pa ako.” Hindi na talaga ako naka pagtimpi pa. Sinampal ko si Samantha sa muka nang sobrang lakas na halos dumugo na yung labi nya sa pag kakasampal ko. “Pau, let me explain” Pagmamaka- awa ni Nico. “Ano pang i-eexplain mo? Ang galing nyo din namang umarte no. Ikaw Nico pinagkatiwalaan pa naman kita, kahit sandali pa lang tayo nagkakakilala tinuring ka naming kaibigan ni Ailee pero anong ginawa mo? At ikaw na babae ka mahal na mahal ka ng Kuya ko, pinagtatangol ka nya sa magulang namin halos ipag palit nya na nga ako sayo” Galit na galit ako. Pero parang walang pakialam sakin ang babaeng ito. Tumawa pa ng malakas si Samantha “Correction Karissa, anong halos? Eh lagi ka naman nyang pinagpapalit sakin. Mas mahal nya ako kesa sayo. Diba magkasama kayo kanina sa mall pero mas pinili nya ako. At iniwan ka mag-isa? Nakaka awa ka naman ngayon.” Natigilan ako sa sinabi  nya kasi totoo naman talaga. “ENOUGH SAMANTHA.” Sinigawan sya ni Nico “I’m so sorry Pau, please give me another chance. Mali lahat ng narinig mo. Please Pau.” Pagmamaka-awa ni Nico sakin. “Anong mali ang pinag sasabi mo Jasper. Yun ang katotohanan.” Sabi naman ni Samantha. “SINABI KO NANG TUMIGIL KA NA.” Sinigawan sya ni Nico at naitulak pa sya. “Let me send you home Pau.” Nakita ko ang pagkabigla ni Samantha. Wala akong paki-alam kung niloloko man ako ni Nico ngayon, ang gusto ko lang maparamdam ko kay Samantha ang maging pangalawa lang. Humarap ako sakanya at nag smirk. “Sige Nico, ihatid mo na ako.” Inis na inis talaga ako. Pero nung nakita ko ang muka nya natuwa ako. Mabuti nga sakanya. Kasalukuyan akong naka sakay sa car ni Nico. Tahimik kami pareho. Hindi ko makuhang mag salita. Hindi naman kalayuan sa village namin ang Mall kaya mabilis din naman akong nakarating sa tapat ng bahay namin. Bumaba na ako sa car ni Nico, pero mabilis syang naka sunod sakin “Pau, let’s talk.” Habol nya sakin at hinila ang braso ko. “Buti naisipan mo pang umuwi.” Napalingon ako sa pinanggalingan nung boses. Si Kuya pala. “Bukas na lang tayo mag-usap pagod na ako.” Sabi ko sa Kuya ko. Ayoko muna makipag-usap sakanya at umiinit na naman ang ulo ko. “Wow, pagod na daw. Pero pag kasama mo yang Nico na yan hindi ka pagod. Alam mo bang kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Hindi mo ba naisip kung anong oras na? May mga taong nag aalala sayo.” Pinagagalitan nya ako. Para naman akong bata. Napatawa ako sa sinabi nya. “Pau, please let’s talk. I’ll explain everything to you.” Hindi pa din pala ako binibitawan ni Nico sa braso at iniharap sakanya. Hinatak ako ni Kuya at sa sobrang bilis ng pangyayari nakita ko na lang na nakahiga na si Nico. Nasapak na pala sya ni Kuya. "Ano bang problema mo ha Kuya?” Galit na galit kong sabi. Naamoy ko pa sya. Umiinom ba sya? “Pumasok ka na sa loob KARISSA PAULINE” Alam kong galit na galit na sya. Pero mali naman yung ginagawa nya. Galit ako pareho sakanilang dalawa, pero hindi naman nila kailangan mag kasakitan pa. "Tumigil na kayo.” Sigaw ko sakanilang dalawa. “Ikaw Kuya, hinayaan mo ba akong makasagot kanina? Tumakbo ka kaagad para puntahan si Samantha. Sabi mo tatawagan mo ako. Paano mo ako matatawagan empty batt na ang phone ko. Hinintay kita hanggang 8pm sa Mall pero ni hindi ka bumalik. Ano ba ako sayo? Diba kapatid mo ako, pero pag dating kay Samantha hindi mo ako napapansin laging sya lang ang pinapakinggan mo. Sya lang ang tama. Nagmuka na nga akong tanga kanina kakahintay sayo. Ni wala akong dalang pera para ipambayad sa taxi. Pero ikaw si Samantha pa din ang iniisip mo. At nakuha mo pang mag lasing ngayon.” Wala akong paki-alam kung nakikita nila akong umiiyak. Ang gusto ko lang isumbat sakanya lahat. Masama ba yun? Pagkatapos ay tumakbo na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama at dun ako umiyak nang umiyak. Narinig ko ang malakas na katok ni Kuya “KARISSA PAULINE OPEN THIS DAMN DOOR.” “KARISSA” Wala akong pakialam. Masyado na akong nasasaktan. Bakit lagi na lang si Samantha? Ano bang meron sya? Tumigil na din si Kuya. Siguro napagod na din. Pero maya-maya lang narinig ko ang pag click ng door ko. Ang tanga ko. May susi nga pala sila. Pero nag tulog tulugan na lang ako. Nakatagilid ako. Naramdaman kong tumabi si Kuya sakin at niyakap ako mula salikuran ko. “I’m sorry Pau, kung napapabayaan na kita.” He caress my hair, pero hindi ako kumikibo. “I know, gising ka pa. Akala ko kasi okay lang sayo na may girlfriend ako. Na masaya ka din para sakin. Alam kong hindi kayo nagkakasundo ni Samantha, pero anong magagawa ko? Mahal ko talaga sya.” Napangiti ako ng mapait. Mahal? Mahal ba ang tawag dun? Niloloko na nga sya. Nagbubulagbulagan ba sya? Ganun ba ang mag mahal? Pwes ayoko na mag mahal. Ayokong masaktan. Iniharap ako ni Kuya sakanya. Nananatili pa ding nakayakap ang braso nya sakin. Nagtama ang mga mata namin. Ilang segundo din kaming nagkatitigan. “Mahal? Paano kung malaman mong niloloko ka lang nya?” Tanong ko sakanya. Kumawala ang luhang pinipigilan ko pero mabilis nyang pinunasan yon. Matagal sya bago nakasagot. “Diba pag nagmahal ka, ang alam mo lang tama lahat ng ginagawa nya dahil  kung mahal mo talaga sya tatanggapin mo pa din sya kahit sa tingin ng iba ay mali ang ginagawa nya. Ganun ang pagmamahal Pau.” Hindi ako sumagot. Tinitigan ko sya sa mata. Matagal. Bago dahan dahang bumaba ang mga titig ko sa labi nya sa sobrang lapit na aamoy ko na ang hininga nya, medyo amoy alak. Hindi ko alam sa isang iglap magka dikit na ang aming mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD