PAU P.O.V Parang gusto ko kumain ng marshmallows yum yum yum. Kaso saan naman ako kukuha nun! Pero gusto ko talaga. Exactly one month na ang nakalipas nang umalis si Nico. Araw-araw nya din ako tinatawagan, sobrang concerned nya talaga samin ni baby, and exactly 2 months na si baby. At same pa din nami-miss ko pa din sya. Hindi na siguro maiaalis sakin na ma-miss ko sya kahit na ganun yung nagawa nyang kasalanan sakin. Tao lang naman sya, at tao lang din naman ako kaya kung hihingi sya ng tawad ay mabilis ko na syang mapapatawad. Wala eh ganun talaga mahal ko sya. Nagising ako sa malalim na pag-iisip ko dahil sa tumatawag sakin si Nico “Yes?” Aga naman. “Morning mommy.” Sanay na yan na mommy ang tawag sakin. “Ang aga mo naman yatang napatawag ngayon.” “Wala lang. Nakalimutan mo yata

