RAINE P.O.V Sobrang saya ni Pau and Kuya Kris, makikita mo sa mga muka nila yung happiness, yung tipong parang kumikislap yung mga mata nila, ni hindi na nga nila maialis ang tinginan nila sa isa’t-isa. Samantalang itong lalaking nasa harapan ko halos malukot na ang muka. Kung ako na lang kasi ang ginusto nya eh di okay diba? “Ang sarap talaga ng frappe ng SB” sabi ni Zylee. “Sus. Masarap naman talaga yan. Ang sabihin mo mas masarap kamo kasi libre.” sagot ni Ailee sakanya. “Guys. May naisip ako. Minsan lang naman to.” “Oh. Ano na namang kalokohan yang naisip mo Zylee?” Tanong ni Ailee. Pinag masdan ko sila. Kahit bangayan sila ng bangayan makikita mo pa din sakanila na gustong gusto nila ang isa't - isa. Ito namang nasa harapan ko, kung ano ang kinasaya ng lahat sya namang ikinalung

