Imaculate's POV: "f**k! Bakit ang lamig!?" Napamura kaming lahat nang umahon si Xavier mula sa dagat ng apoy. Wala man lang itong galos at parang sa dagat lamang nahulog. Para kaming nakakita ng multo. Ang tarantado, nag-eenjoy pa! Halos magluksa na agad kaming kanina! "Oh Megan bakit ka naiyak? Sino ang may gawa niyan sa 'yo? Isumbong mo sa akin at aawayin natin." Takang tanong naman ni Xavier kay Megan. "Sorry, nakalimutan kong sabihin. Hindi nakakasunog ang apoy rito. Safe naman iyan." Kamot ulong sabi ni Three kaya naman galit siyang tiningnan ni Megan. "Bwiset ka! Oh ayan magsama kayo! Mga lintek pinag-alala niyo kami!" Galit na sigaw ni Megan at itinulak si Three. Na-out of balance naman si Three kaya nahulog siya sakto sa uluhan ni Xavier. Rinig naming lahat ang pagdaing

