Imaculate's POV: "Nasaan na ba kasi ang Chuchay na 'yon? Napakaarte, siya na nga ang papakainin ayaw pa lumabas. Lulutuin ko na ito at ako ang kakain eh." Badtrip na sabi ni Cepherus. Magkasama kami ngayong dalawa. Nagkita kami kanina sa pusod ng gubat. Mabuti na lang at umilaw ang tattoo na nakalagay sa palapulsuhan ko kaya alam kong magkagrupo kami. Atleast kapag may naka-engkwentro kami ay dalawa na kami ni Cepherus. Ayos na sana dahil may kagrupo na ako eh. Ang kaso, mas maingay pa siya sa manok. Putak nang putak at reklamo nang reklamo. Napapakamot na lamang ako sa ulo dahil sa ingay niya. Kalalaking tao daig pa ang bibig ni Megan. "Ang ligalig mo alam mo ba 'yon?" Iritadong tanong ko sa kaniya. "Nagugutom na ako alam mo ba 'yon? Lulutuin ko na itong mga tang inang karne na '

