Malungkot na nakatanaw si Ivo kay Violet habang papalayo ito, sabay suklay ng buhok bago napabuga ng hangin na napapikit na napahawak pa sa batok.
"Ivo ano ba? Wala ka na bang gagawin tama kundi saktan siya, umayos ka naman." inis na sita ni Ivo sa sarili saka dinukot ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang assistant.
"BRT-7818, tawagan mo yung transit para i-radio naiwan ko yung bag ko sa bus bilisan mo." utos niya sa assistant saka muling tumingin sa gawi ni Violet pero wala na ang ex-wife niya.
"Konti na lang Vio, babawiin na kita. Konting tiis pa pasensya na!" wika ni Ivo saka humakbang na din patungo naman sa kabilang dereksyon. Kakauwi lang niya from site visit at wala pa siyang maayos na tulog dahil sa naging trouble sa power plant nila kaya pagod pa siya idagdag pa na nasiraan siya ng kotse kanina kaya napilitan siyang sumakay ng bus pauwi.
Hindi naman niya akalain na dun pa talaga sila mag tatagpo ni Violet of all place pa talaga at gaya ng inaasahan galit pa rin ito sa kanya at na iintindihan niya iyon kahit siguro siya ang nasa lagay nito bilang babae. Ni minsan wala siyang narinig na sumbat dito ng mag hiwalay sila. Nanahimik lang ito pero alam niya labis niya itong pina-iyak deep inside at itinatago lang nito ang sakit na idinulot niya. Napaka tanga naman kasi niya sinong tao ang may matinong pag-uutak na pagkatapos mong pagsawaan ang asawa mo tapos bigla yayain mo ito ng break up na akala mo naman mag jowa lang sila. Natural magagalit ito pero si Vio, hindi basta pumayag lang ito at nanahimik pero damang-dama niya yung damage na nilikha niya at hindi na niya magawang bawiin dahil mas sasaktan lang niya ito ng mas double kaya pinanindigan na lang niya.
Ilang beses na kasi niya itong na huhuli na nakikipag-away over sa phone sa lola nito, Lola's girl kasi si Vio kaya sunod-sunuran ito sa bawat utos ng matanda. Ngunit bigla itong lumihis ng mag pakasal sila at talikuran nito ang lola nito, madalas niya itong nakikita stress hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa lola nito na galit na galit naman sa kanya dahil ayaw nito sa kanya dahil batugan daw siya at umaasa lang sa yaman ng pamilya, hindi niya iyon pinapansin dahil alam niya sa sarili niya na hindi.
Nakikita niya na nag s-struggle si Vio dahil sa lola nito at dahil sa pag payag sa pagpapakasal sa kanya. Kaya ang tanging magagawa na lang niya para bawasan ang dala-dala nito ay yayain itong mag travel kung saan-saan para mag unwind at mailayo ito sa lola nito at sa toxic na sulsol, nakikita niya na nagiging maligaya si Vio kapag silang dalawa lang at walang ibang nakiki-alam. They made love multiple times in a day dahil parehas silang naliligayahan dun at nalilimutan talaga nila ang lahat. Hobbies na yata nila ang mag s*x nonstop basta magdikit lang ang mga katawan nila.
Hindi selosa si Vio pero ramdam niya na naiinis ito sa mga babaeng lumalapit sa kanya na pilit naman niyang ginagawan ng paraan para hindi ma insecure si Vio ipinaparamdam niya rito na walang sino mang babae ang kakayanin na tapatan ito. Normal kasi talaga na lapitin siya ng girl at wala na siyang magawa dun kaya naman ipinararamdam na lang niya rito na ito lang sapat na sa kanya.
Ngunit nag bago ang lahat ng bigla out of the blue naging maiinitin ang ulo nito, lagi na silang nag-aaway sa mga walang kuwentang dahilan. Pinipilit siya nitong mag bago at ayusin niya ang buhay niya something like that bigla naging bungangera ito. Malayong-malayo sa Violet na kilala niya. She changed at sinubukan din niya na mag bago para rito at para mag work ang marriage nila pero in the end parang na papagod na siya na patunayan palagi ang pag mamahal niya na parang palaging kulang para dito. Then he learns na pina-aalisan pala ito ng lisensya ng lola nito bilang abogada at nalaman lang niya iyon kay Blue na ayaw pang sabihin sa kanya ng una.
At ang nakakainis pa ang dahilan lang ng lola nito kaya gagawin iyon ay dahil daw para mapilitin siyang mag trabaho, kasi umaasa lang daw siya sa asawa niya porket abogado. Kaya mas mabuti pa daw na alisan na lang ng trabaho si Vio at maging plain housewife na lang daw at mag parami sila ng anak tutal daw naman nag asawa ito ng walang kuwenta. Alam niya na pangarap ni Vio ang maging pinaka magaling na abogado sa bansa kaya hindi siya papayag na siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng pangarap nito.
Kinausap niya ang lola nito ng palihim once and for all para tigilan na nito si Violet, minsan pa ang mismong magulang pa ni Vio ang nahihiya at humihingi ng pasensya sa kanya dahil sa Lola ni Vio, pag pasensyahan na lang daw dahil matanda na kaya hindi na pinapatulan ng mga ito at may dimentia na din daw kaya pinipilit na lang na unawain pero hindi na siya natutuwa dahil nakikita na niya na sobra ng na aapektuhan si Vio sa ginagawa nito.
Ngunit hindi ito nagpatinag kahit pinakitaan na niya ito ng 9 digit na pera na nasa mismong bank account niya at sinabi pa niya rito na kahit hindi siya mag trabaho at mag anak sila ng 1 dosena hindi mag hihirap sa piling niya si Vio kaya wag na itong maki-alam sa kanila. Ngunit wala itong paki-alam sa pera ang gusto nito magtrabaho siya at kumita galing sa pinag pawisan niya. Mag banat siya ng buto gaya ng ordinaryong mga tao na nag tatrabaho para mag kapera hindi yung basta naka-upo lang at kusa ng may pumapasok na pera. Hindi daw iyon tama, kung alam daw ba niya kung gaano kadelikado ang buhay ng isang abogado? Kung may idea daw ba siya kung paano paghirapan ni Vio ang bawat sentimo ng perang ipinang bibili ni Violet ng lahat ng damit na isinusuot niya.
Kapag daw naunawaan na niya kung gaano kahirap kitain ang pera saka daw siya bumalik at mag-usap. Ipakita daw muna niya na kaya niyang maging empleyado bago mangarap na maging pamilyado. Inutos nito hiwalayan niya si Violet ititigil nito ang evil scheme nito dahil wala daw basbas ang kasal nila kaya hindi sila magiging maligaya habang buhay. Mag hihiwalay at maghihiwalay sila, pikit mata na lang siyang pumayag para tigilan na nito ang pag papahirap kay Violet. Ngunit nag bitaw din siya ng isang salita na babawiin niya si Violet oras na napatunayan niya na kaya niyang bumuo ng sarili niyang pamilya na hindi umaasa sa kahit sino.
Ngayon malapit ng matapos ang luxury house na ipinatatayo niya galing sa pinag sikapan at pinag trabahunan niya bilang field engr sa power plant nila. Nag simula siya sa mababang posisyon as Electrical Engr at ngayon isa na siyang Senior Engr at konti na lang matatapos na niya ang dream house nila ni Vio kaya babawiin na niya ito kahit dumaan pa siya sa butas ng karayom. Subukan lang na may pumigil sa kanya dadanak ang utak sa semento. Kahit pa lola pa ni Vio ang humarang sa kanya ipababarang talaga niya ito wag siyang susubukan.
-
-
-
-
-
-
-
Nagpalinga-linga si Vio para hanapin ang lalaking nag ngangalan na Joni-jay Paraz na isang tulad niya abogado din pero sa ibang bansa. Kinukulit siya ng lola niya na makipag date sa lalaking yun at para matapos na pumayag na lang siya pero wala siyang intensyon na sundan pa ang date na yun, tatapatin niya ang lalaki na wala siyang panahon sa love life.
Muli niyang tiningnan ang cellphone para tingnan ang hitsura ng lalaking makakadate bago muling tumingin sa paligid at nakita niya ang hinahanap at ang pontio pilato kanina pa pala naka tingin sa kanya hindi man lang siya tinatawag at ang yabang nitong tumingin kaya ngayon pa lang bagsak na agad ito sa gusto niya. Humakbang siya papalapit rito at humingi ng pasensya na late niya dahil nahirapan siyang mag suot kanina ng contact lens niya dahil dahil naihulog niya ang isang piraso kaya hinanap pa niya.
"Alam mo ba na napaka importante ng bawat minuto ng oras ko tapos malalate ka lang ng 15 minutes." wika pa nito sabay higop ng kape na nasa harapan nito. Nakagat naman ni Vio ang dila para pigilan na sagutin ito dahil aminado siyang siya naman talaga ang mag kasalanan at ganun din naman siya ayaw niya sa lahat late, siya pa naman yung tao na kahit 5 minutes ka palang na na late aalis na agad siya at hindi mag iintay.
"Hindi porket maganda at sexy ka Atty. Chua, you can make me wait for you."
"Edi sana umalis ka na lang bakit nandito ka pa?" di na nakatiis na sagot ni Vio sa ngumiting lalaki na tumingin ng deretso sa kanya sabay kumatok sa mesa na ikinatingin niya roon.
"Let me just remind you na ang Lola mo ang naki-usap sa akin na makipag date sa'yo. Dati ko siyang prof at hindi ko matangihan ang isang matandang nag rerequest na tulad niya but don't think na ikaw pa ang may karapatan na mag taray dito dahil sa pag kakaalam ko isa ka ng diborsyada." wika pa nito na ngumisi.
"Binata ako at mataas ang standard ko sa babae, ayoko ng napagsawaan na ng ibang lalaki. Ilang taon ka na nga bang kasal bago kayo nag hiwalay ng asawa mo?" mulig itong uminom ng kape sa tasa nito habang nang uuyam ang ngiti.
"4 or 5 years tiyak na maraming posisyon na kayong na gaw______sh*t!" malakas na mura nito na napatayo ng makuha niya ang kape na iniinom nito sabay isinaboy rito.
"Abogado ka diba? Alam mo naman siguro na grounds for s*xual harrasment ang sinasabi mo? Unless na lang na nasa dulo ng TT mo ang utak mo?" ani Vio sabay tayo para sana pigilan siya pero inis na pinilipit ni Vio ang kamay nito na ikinasigaw pa nito at ikinalingon ng maraming tao na nasa loob ng restaurant, inis naman na binitawan na lang ulit ni Vio ang braso nito saka muling tumalikod.
"Hoy! Akala mo kung sino ka ah, ang yabang mo porket abogado ka. Wala kang maipagyayabang sa akin, kilala ka ng buong distrito na abogadang pinag sawaan lang ng dating asawa nakakahiya ka." nahinto si Violet sa pag lalakad saka galit na lumingon at babalikan sana niya ito pero bigla siyang natisod at nadapa. Pakiramdam ni Vio gusto na niyang maglaho sa kahihiyan anong bang nangyayari bakit ba puro na siya kamalasan simula ng magkita ulit sila ni Ivo.
"Bakla ka ba?" natigilan naman si Vio at napigil ang pagpatak ng luha ng maramdaman na may isang bulto na tumayo sa tabi niya napatingin siya sa nike na rubber shoes ng lalaking nasa tabi niya.
"Sa daming sinabi mo tingin ko marami din kaming puwedeng isampang kaso sa'yo diba Atty. Chua?" tanong ng lalaki na ikinataas ng tingin ni Vio at nagulat siya ng makita si Ivo. Galit siya rito oo, pero sa mga oras na yun gusto na lang niya umiyak lalo ng makita ang kamay nitong naka umang para alalayan siyang tumayo.
"I'm sorry, I got you.' Bulong pa nito ng yumuko ito at hinawakan siya sa braso at maingat na itinayo at ito pa mismo ang nag ayos ng suot niyang damit at lumuhod saka ipinasuot sa kanya ang heels niyang nahubad sa pagkakatisod niya.
"Sige Atty. Chua, sabihin mo kung ano-anong kaso ang puwede nating isampa sa kanya." wika pa ni Ivo na nakatayo na ulit sa tabi niya.
"Grave Oral Defamation Art. 358, Revised Penal Code." ani Vio,
"Naku tama nag papakalat ka ng maling information at pinag sisigawan mo pa, hindi ko pinag sawaan ang asawa ko dahil hindi pa ako na sasawa sa asawa ko, Ano pa?" wika ni Ivo na siniko naman ni Vio.
"Violation of Safe Spaces Act RA 11313 or “Bawal Bastos Law""
"Tsk! tsk! malinaw na s*xual harrasment ang ginawa mo sa ex-wife ko naku! naku! Ano pa ba?"
"Unjust Vexation Art. 287, RPC at Civil Case for Damages under Art. 19, 20, 21 of the Civil Code."
"Naku paano ba yan? Meron pa ba?" lingon pa ni Ivo kay Vio na napalingon din sa kanya pero agad din umiwas ng tingin at tumingin kay Joni-jay.
"Administrative Case." dugtong pa ni Vio.
"Naku ay matatanggalan ka papala ng lisensya sa ginawa mo, atty ka din pala pero engot. Kita na lang tayo sa korte pre'" wika pa ni Ivo na hinawakan na sa braso si Vio para ilabas ng restaurant.
"Bitawan mo ako sasampalin kita diyan e." bulong naman ni Vio ng nag lalakad na sila palabas at inakbayan pa siya nito.
"Atty. Chua, atty. Chua.' tawag pa ng lalaking iniwan natin sa loob.
"Naku hinahabol ka ng prince charming mo bitawan na ba kita." wika pa ni Ivo.
"Kainis bilisan mo na ng lakad, mag check-in na lang tayo bilis."
"Ui! Relax Ex, kalma lang hindi pa ako na liligo." inis naman na nilingon ni Vio si Ivo na nag peace sign.
"Ganda mo talaga kapag nagagalit ka,"
"kailan ka ba m*matay na hay*p ka."
"Matagal na akong na matay ng mawala ka sa buhay ko, Zombie na ako ngayon at halik mo lang ang lunas para tumibok ulit ang puso." banat ni Ivo na ngali-ngaling ma upper cut ni vio kung wala lang silang kasunod.