"Tama na yan!" Hinablot naman ni Ian ang bote ng alak na tinutungga ni Ivo sabay siko kay Doel na lasing na din pero pinang lalabanan lang para damayan ang kaibigan na kanina pa iyak ng iyak na wala naman sinasabing dahilan basta na lang itong nag-yayang uminom sa bahay ng mga ito. "Hayaan n'yo muna ako... kahit ngayon lang gusto ko lang matulog ng mahimbing ngayon yung hindi ako magigising na mag-aalala bigla-bigla." wika ni Ivo na sisinghot-singhot na kinuha ang bote ng alak sa kaibigan. "Ano ba kasing nangyari? Saan ka galing?" tanong ni Doel na namumulutan na lang. "Sa mundo ko, saan pa ba?" "Asan si Violet, sabi ni Blue magkasama daw kayo nag tanan." pagak na tumawa si Ivo saka muling humikbi na tinungga ang bote ng alak. "Sana nga ganun na lang... Sana ganun na lang kasimple an

