Episode 6- Gossip Spreads

1710 Words
Lovin' you is easy, 'cause you're beautiful Makin' love with you is all I wanna do Lovin' you is more than just a dream come true And everything that I do is out of lovin' you La-la-la-la-la, la-la-la-la-la La-la-la-la-la, la-la, la-la-la Dodin-dodin-do-do, ah-ah-ah-ah-ah Napangiti si Violet habang pinag mamasdan ang ina na nag didilig ng mga halaman nito habang kumakanta sa bakuran ng bahay nila. Napaka angelic talaga ng boses ng Mama niya, yung tipo ng boses na parang ang sarap sa tenga na kahit ang dami mo ng iniisip malilimutan mo na lang habang nakikinig ka sa boses nito kaya na iingit siya kay Ivory na mana nito ang mala angelic voice ng Mama nila. Maganda din naman ang boses niya at marunong din siyang kumanta pero hindi kasing gagaling ng mga ito. Huminga siya ng malalim saka tahimik na lumapit sa ina at yumakap rito ng mahigpit mula sa likuran. “Oh! Bakit nandito ka wala ka bang trabaho ngayon?” tanong ni Hanna na binitawan ang hose at tinawag ang hardinero nilang nag titrim naman ng mga ibang halaman ng mama niya. “Mamaya pa po ang hearing ko, umuwi muna ako dito kasi gusto ko munang mag charge sa powerful hug niyo.” wika ni Vio, bumuga naman ng hangin si Hanna na nilingon ang anak at umikot para mayakap ito ng mahigpit. Hindi siya nagkaroon ng maayos na pamilya at mabuting ina kaya naman ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi mangyayari iyon sa mga anak niya. Lahat ng gusto ng mga ito iyon ang masusunod. Susupportahan lang niya kung saan masasaya ang mga ito at tahimik na gagabay sa mga ito. Iyon ang pinangako niya sa sarili niya. “Ano nanaman bang ginawa ng lola mo hmmmp! Nag sumbong sa akin ang Daddy mo at tinotoyo nanaman kagabi.” hindi naman umimik si Violet na bumuga na lang ng hangin. “Kasama ko si Ivo kahapon ng gabi Ma,” “Huh? Talaga, so anong nangyari?” gulat na tanong ni Hanna. “Hindi ko po maalala? Lasing po kasi ako. Kainis?” napabuga ng hangin si Vio. “Iniisip mo ba na baka nag take advantage sa’yo si Randell?” tanong pa ni Hanna na ikinatango naman ni Violet sabay buga ng hangin. “Tingin mo ba gagawin talaga yun ni Randell, ganun ba talaga ang tingin mo sa kanya?” “Hindi po.” sagot niya dahil sa totoo lang alam niya na malibog si Ivo pero never naman itong nag take advantage sa kanya kahit noon kasal na sila. Kapag sinabi niya na ayaw niya tahimik lang itong matutulog na nakayakap sa kanya. Uungot ito pero hindi naman ipipilit ang gusto basta umayaw siya. “Kung ganun anong iniisip mo kung tingin mo naman hindi siya nag take advantage sa’yo.” “He said iniwan niya ako dahil iyon ang gusto ni Lola, may idea po ba kayo kung totoo yun?” tanong ni Vio na humiwalay sa ina. “Hindi ba sinabi ng derekta sa’yo ni Randell?” umiling si Vio. “Wala akong idea sa eksato nilang pinag-usapan basta nag paalam lang sa amin si Randell noon na makikipag hiwalay na siya sa’yo habang mahal n’yo pa ang isa’t-isa. Wala siyang ibang sinabi kundi babalik siya kapag may ipagmamalaki na siya sa inyo ng lola mo.” hindi naka imik si Violet na nanahimik na lang na napatingin sa mga bulaklak ng ina. “Gusto mo ba siyang bigyan ng second chance? Hindi na siya tulad ng dati, ibang-iba na siya ngayon at tingin ko naman deserve niyang magkaroon ng 2nd chance.” wika pa ni Hanna na hinaplos ang pisngi ng anak. “Naging abogada pa akong kung papayagan ko ang 2nd chance. Bakit pa kami nag divorce kung babalikan lang din namin ang isa’t-isa. Not a chance mom,” iling ni Violet. “Kaya nga diba meron tinatawag na akusado at nasasakdal, dumadaan sa litis ang isang problema para mabigyan ng kasugatan at katarungan ang anuman nangyari. Abugada ka at magaling Janna, anak kita siyempre pero bakit hindi mo muna pag-aralan ang sagot mo sa mommy mo kung karapat dapat ba na bigyan ng 2nd chance si Ivo? Tandaan mo merong akusado na not guilty hindi lahat ng akusado masama.” tumawa naman si Violet na lumapit sa ama na humalik sa pisngi nito. “Mali ba ako?” tanong pa ni Dwight sa anak. “Mali Dad, kung lahat ng taong nag kakamali ay bibigyan ng 2nd chance bakit nagkaroon pa tayo ng pulis.” ani Violet, “Bakit kaya nga may abogado diba para ipag tanggol ang mga taong inosente pero walang kakayanan na patunayan ang sarili at ipag tanggol ang sarili nila.” tumawa naman si Vio. “Are we going to argue because of Ivo?” “Of course not pero tama ang mama mo, Ivo deserve a 2nd chance kaya pag-isipan mo muna bago ka umayaw. Pumayag ka nga na makipag blinded na animal na lalaking yun na apo ng kaibigan ng lola mong judge kaya bakit hindi mo pag bigyan si Ivo.” wika naman muli ng ama nag ring naman ang phone ni Vio kaya nag excuse muna siya sa magulang na ipinatong ang bag sa maliit na garden marble table na naroon sa garden. “Ma, Pa! I need to go, may urgent lang po akong meeting.” wika ni Vio saka nag mamadali ng tumakbo papalayo palabas nag bahay nila. “Naku tingin mo naman ang babaeng yun, naiwan niya ang bag niya, Kiko, itakbo mo bilis ihabol mo sa ma’am mo.” utos ni Hanna sa hardinero nila na mabilis na tumakbo na bitbit ang bag ni Violet. “Grabe ang babaeng yun, kabata-bata napaka malilimutin. Pero grabe ang utak pag dating sa loob ng korte daig pa palagi na nasa battlefield kung makipag sabayan sa mga panyero ko grabe.” iling ni Dwight pero nakangiti dahil kilala na ang anak niyang si Violet sa larangan ng propesyon nito. Kung si Violet kinatatakutan ng lahat na makaharap kabaligtaran naman ni Blue na kinaayawan naman ng lahat dahil saksakan daw ng yabang. Well may pag yayabang naman ang panganay niya, wala pa itong kasong na tatalo. Madaming galit dito na kapwa nito abugado at mga prosecutor dahil napaka tuwid ng prensipyo ni Blue manang-mana sa kanya. “Nag aalala ako sa kanya Hon.” wika ni Hanna, napalingon naman si Dwight sa asawa na salubong ang kilay. “Bakit naman?” “Ngayon lang siya naging honest sa akin? Ngayon lang siya nag sabi ng tungkol kay Randell.” kumunot naman ang noo ni Dwight. “Bakit masama ba yun?” niyakap naman ni Dwight sa bewang ang asawa. “Hindi kaso lang Violet is a very storng and brave woman. Lahat kinakaya niyang mag-isa. Kahit kelan hindi siya sa atin nag sabi ng problema niya. Mag-isa niyang hinaharap yun at nilalampasan pero ngayon bigla parang ibang tao siya. Ang higpit ng yakap niya sa akin kanina at ewan ko ba kinakabahan ako na ewan.” napabuga naman ng hininga si Hanna. “Hindi ka lang siguro sanay na ganun si Janna pero wag ka ng mag worry. Ikaw na ang nag sabi na malakas at matatag ang anak natin kaya magtiwala lang tayo sa kanya hmmm..” wika ni Dwight na hinalikan sa pisngi ang asawa. “Pero lahat ng malakas at matatag ay mga ordinaryong tao lang din na marunong mapagod. Baka pagod na ang anak natin at hindi lang niya masabi.” “Okay ganito na lang gusto mo bang kausapin si Janna na dito muna umuwi sa atin para naman mabigyan mo siya palagi ng powerful hug mo.” “Papayag kaya siya? Napaka workaholic ng babaeng yun.” “Walang masama kung susubukan ko siyang kausapin.” huminga naman ng malalim si Hanna na tumango na niyakap na lang din ang asawa. - - - - - - - - Natigilan sa pag lalakad si Violet ng makita kung sino ang makakasalubong niya. Si Atty. Charize Señerez at ang walanghiyang si Atty. Jonijay Paraz. Now alam na nya kung paano nalaman ng walanghiyang bastos na lalaking ito ang tungkol sa past niya. Kilala pala nito si Charize ang babaeng higad na binalak landiin si Ivo noon pero napahiya ito dahil harap-harapan na sinabi rito ni Ivo na hindi ito nanghahalik ng babaeng mabaho ang hininga. Kaya naman tuwang-tuwa talaga siya ng mapahiya ito ng husto mula noon hindi na niya ito nakita pero alam niyang updated ito sa love life niya noon pa na bantay na bantay nito ang pagbagsak niya. “Well! Well! Well! Look _____.” “Shut up!” mabilis na wika ni Violet bago pa makapag salita si Charize. “Kaliligo ko lang ayaw kong dumikit sa ang amoy ng bibig mo sa balat ko.” “How dare you!” malakas na angil nito na sasampalin sana siya pero napigilan niya iyon. “tsk! Tsk! Wag mo akong subukan Charize! Kung ayaw mong gripuhan kita sa leeg at gawin headline bukas.” banta pa niya rito sabay tulak dito na muntik pa itong ma out of balance kung hindi na hawakan ni Jonijay. “You just prove everything is true!” wika naman ni Jonijay ng paalis na sana siya. “You’re a high caliber atty with a cheap___.” “Naghalikan na siguro kayong dalawa ano?” biglang wika ni Vio na natatawa. “Same kasing na ngangalingasaw sa baho ang mga bunganga n’yong dalawa. Nakakadiri at kailangan ko ng lumayo dahil baka mahawa pa ako ewwww!” wika pa ni Violet sabay flipped ng hair at iniwan ang mga ito, hindi siya naging abogado para lang kayan-kayanin ng mga ito. Anong feeling ng dalawa na ito isa siyang talunan dahil iniwan siya ng dati niyang asawa, nag kakamali ang mga ito. Hindi lang siya nakabuwelo ng ayos ng gabing yun kaya naipahiya siya ni Jonijay pero not anymore. Nag lagutukan ang takong ng sapatos niya habang papasok sa building kung nasaan ang lawfirm na pinag tatrabahunan niya. Pag lingon niya binigyan pa niya ng middle finger ang dalawa sabay irap. "May araw din sa akin ang babaeng yan, mag hintay lang talaga siya." wika pa ni Charize.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD