"Hindi ko ugali ang makipag-usap sa mga katulad mo. Pero kung ang kapalit ay katahimikan ng apo ko... I’m willing to get my hands dirty." wika ni Eloisa habang kaharap si Jasriel na tahimik na iniinom ang tea. Nasa isang private room sila ng isang luxury hotel kung saan pa sekreto niyang ipinatawag muli si Jasriel. Tahimik naman na nagsalin ng tsa sa tasa si Eloisa na bakas ang autoridad sa bawat kilos ng matanda na hindi kakikitaan ng kahit anong emosyon maliban sa determinasyon na maisakatuparan ang plano nito. "Madalas, sa dumi din dumidikit ang totoong kapangyarihan. Kaya nandito rin ako." sagot ni Jasriel na nakaupo sa harapan ng matandang babae. Na napangiti sa sagot ni Jasriel pero agad din naburo at tiningnan ito ng deretso. "Let's straight to the point, iha. Five million pesos c

