Napabalikwas ng bangon si Ivo ng magising na nasa isang silid siya na hindi familiar, nag mamadali siyang bumangon at hinanap ang kasuotan na hindi makita kaya tanging kumot lang ang naging takip niya sa kahubadan. Napapamura na napapasabunot si Ivo sa sarili, sa sobrang sama ng loob niya kagabi nagpakalasing siya at dumating si Carolina. Hindi ito umimik o nagsalita ng kahit ano basta naupo lang ito sa tabi niya sa loob ng bar at umorder ng lady's drink. Naaalala niya na nag-uusap sila at inihihinga niya rito ang sama ng loob niya. Sa tuwing magkasama sila ni Carolina si Violet ang madalas nilang topic, inamin niya rito na si Violet ang mahal niya at hindi niya kayang mag mahal ng ibang babae. Pumayag naman ito na okay lang daw at wala pa din naman daw itong balak na mag settle down at p

