Nagising ako nang wala na si DJ sa tabi ko at hapon na. Matapos kasi naming maligo kanina ay tinulungan niya 'kong magbihis – in a PG-rated way, might I add – at palitan ang bandages ko, bago kami umidlip na dalawa. Tumingin ako sa bedside table at nakitang may maliit na papel doon, agad kong kinuha ito at binasa ang pamilyar na penmanship ng aking Alpha. Be back tonight for dinner. BEHAVE baby. I love you. YOURS, Jebediah I felt myself blush as I unknowingly smile. Saktong pagpatong ko muli ng papel sa mesa ay may kumatok sa pinto at unti-unti itong bumukas, lalo pang lumaki ang ngiti ko nang makita kung sino iyon. “Ileya!” excited kong sabi. She immediately smiled at lumakad palapit sa'kin, “Luna, nagagalak po akong makitang maayos na kay

