Naalimpungatan ako dahil sa liwanag na tumatama sa nakapikit kong mga mata. Unti-unti ko itong minulat ngunit agad ring napapikit dahil sa sinag ng araw na sumilaw sa'kin.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga nang may pagtataka dahil sa hindi pamilyar na lugar na kinalalagyan ko. I was lying on a field of grass surrounded by trees, it was a clearing of some sorts and I found myself alone in it. Suot ko pa rin ang sando at pajamas na pinampalit ko bago matulog, pero anong ginagawa ko rito? Sa pagkakaalam ko nasa kwarto ako kanina lang.
I heard a distinct sound not-so far away from me and I instantly stood up. Unti-unting lumalakas ang tunog – tunog na para bang natatapakang mga tuyong dahon, isang senyales na may paparating.
Nakaramdam ako ng takot at matinding kaba at hindi ko na lang namalayan na nagpipigil na pala ako ng hininga. The moment the sight greeted me, I almost screamed and ran away ngunit alam ko namang hindi iyon posible dahil sa panghihina ng mga tuhod ko sanhi ng bigla kong pag-upo muli sa damuhan.
I can't seem to remove my gaze away from the massive wolf in front of me. Kahit unang pagkakataon ko pa lang makakita ng isang lobo sa personal ay alam ko nang mas malaki ito sa karaniwan. Sa tingin ko nga'y pag umupo ito ay mas matangkad pa sa'kin.
I tried to remember the times when I was in my dad's workplace, his business partner and the Chief-Architect of their firm – Mr. Opalle has this weird obsession for wolves. Sa tuwing naroon ako ay lagi kong pinagmamasdan ang iba't ibang litrato ng mga lobo na naka-display sa isang pader sa lobby.
This one I'm facing now is a Eurasian wolf if I'm not mistaken, dahil sa mala-ginto at itim na balahibo nito.
It took a step towards me at agad akong napaatras, “please, 'wag niyo po akong sasaktan,” awtomatikong sabi ko. Diyos ko, tulungan niyo po ako... ayoko pa pong mamatay. Hindi ko nga alam kung pa'no ako napunta rito!
The wolf growled as tears slowly welled up in my eyes. “Please 'wag po, please,” pagmamakaawa ko ngunit patuloy lang na lumapit ang lobo. Mabilis akong tumayong muli at pinilit na tumakbo nang maramdaman ko ang isang pwersang tumulak sa'kin, my heart seemed to stopped that exact second “AHHHHH!!”
“NO!” I shot up from my bed and frantically looked around me.
Isang panaginip. Ngayong nakatulog na ako sa wakas, magigising lang rin pala ako dahil sa isang bangungot. Halos magi-isang linggo na nang magsimula akong mahirapan sa pagtulog. Kahit kailan ay hindi pa ito nangyayari sa akin, at kahit nang nakalipas na buwan na laging binabagabag niya ang isip ko ay nakakatulog pa rin naman ako. Pero ngayon, bigla na lang naging ganto.
Dahil ba punung-puno na ang utak ko sa kaiisip sa kanya kaya hindi na niya ako magawang patulugin? Why can't I even stop thinking about him?! It's been 2 months!
Dal'wang buwan mula no'ng huli ko siyang makita at halos isang buwan mula nang malaman kong nobya niya ang babaeng nagpahirap at patuloy na magpapahirap sa'kin. I'm being pathetic and completely stupid. Seriously Leto? f*****g stop!
Tumingin na lamang ako sa bintana at nakitang madilim pa, kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras.
4:38AM
Monday, August 3
Masyado pang maa— muli kong tiningnan ang petsa. Monday, August 3. First day of school. Can this day get any better? I'm far from ready with my senior year, far from ready!
Sobrang saya ko nang malamang walang uniform na required sa bagong university na papasukan ko. Dali-dali kong kinuha ang isa sa mga maxi dresses ko at nilapag ito sa kama kasama ang black backpack ko.
I love Bohemian style, sobrang komportable kasi nito at kapag suot mo ang ganitong klase ng mga damit, para bang wala ka nang iisipin. I'll always choose comfort over style pero ang Boho? It has both. I did my daily routines at matapos kong maayos ang sarili at aking mga gamit ay bumaba na.
Tumingin ako sa aking wristwatch at nakitang 7:30 na, 15 minutes ang byahe pero kakailanganin ko ng extra time para sa pagpunta sa office at paghahanap ng locker at room ng first subject ko.
“Pa, we need to go," sabi ko kay Papa bago siya halikan sa pisngi pati na rin si Mama.
“O? Hindi ka muna ba kakain anak?” Naga-alalang sabi ni Mama. Kumuha ako ng isang mansanas mula sa fruit basket sa counter at kinagatan ito saka ngumiti sa kanya.
“Sorry Ma, I need extra time bago mag-start ang klase, I really need to go,” tumango na lamang siya kasabay ng pagtayo na rin ni Papa. Sandaling inayos ni Mama ang necktie niya at hindi ko na lang napigilan ang mapangiti.
Kahit halos 25 years na silang kasal ay sobrang sweet pa rin ng mga magulang ko at alam mo talagang sobrang mahal nila ang isa't isa sa tingin pa lang. My dad pecked on my Mom's cheek bago tuluyan nang suotin ang suit niya.
“Let's go Princess, wala ka nang nakalimutan?” Umiling ako at lumapit muli kay Mama para yakapin siya at magpaalam.
“Mag-iingat kayo, and good luck with your first day Leto.”
I smiled, “thanks Ma.”
Agad akong nakaramdam ng kaba nang matanaw ang malaking arko ng unibersidad. Mga ‘di pamilyar na letra ang nakaukit rito kaya naman mabilis kong naalala ang sinabi sa'kin ni Ate noon. May pangalang Griyego raw ang papasukan niyang eskwelahan. Muli ko itong tiningnan at pinagmasdan ang mga letra;
λύκος πανεπιστήμιο κοράκι
“Lykos Panepistimio Koraki,” napatingin ako kay Papa nang nanlalaki ang mga mata. Whoa! Nakakabasa siya ng Greek? Bigla siyang natawa, “dito ko pinag-aaral ang dal'wang anak ko, siyempre naman kailangan kong alamin ang totoong pangalan ng eskwelahan.”
Mabilis akong napasimangot na ikinatawa ni Papa, mamamangha na sana ko eh!
“Ano bang ibig-sabihin nun Pa?” Tanong ko bago ilipat muli ang atensyon sa arko na unti-unti nang nawawala sa aking paningin dahil sa tuluyan na naming pagdaan sa ilalim nito. Matagal na hindi nakasagot si Papa kaya naman nalipat muli ang tingin ko sa kanya, naabutan ko siyang nakakunot ang noo at may kakaibang ekspresyon sa mukha. Anong nangyari sa kanya?
“Nakalimutan ko na anak,” sabay tawa pa niya pero halata namang pilit iyon.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil nakuha na lang rin naman ang atensyon ko ng gusaling nasa harap namin ngayon. Halos mapanganga na naman ako, dati yung mansyon ng mga Ford, ngayon ito! Hindi na ba talaga mawawalan ng mga surpresa ang bayan na 'to?
These classical buildings just make the town more mysterious, because of the obvious history behind it.
“Wow,” bulong ko at ilang saglit pa ay tumigil na nga ang sasakyan.
“You'll have to go out Princess, kung gusto mong makapasok sa gusaling 'yan, you'll love it more,” sabi ni Papa. Dali-dali akong humarap sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
“See you later Pa.”
“Okay, mag-iingat ka at itext mo ang ate mo nang may kasama ka.”
I nodded and went out of the vehicle. Humarap muli ako sa sasakyan at kumaway, mula sa lightly-tinted windshield ay nakita ko rin si Papa na kumaway pabalik bago paandarin na ang SUV. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan ay sandali akong huminga nang malalim at hinarap muli ang mataas na istraktura.
All is well Leto, everything will be fine. Sobrang laki ng unibersidad na 'to, mas maliit ang tyansa na magkikita kayo.
“Leto!” Napangiti na lamang ako, hindi pa ako nakakaisang hakbang ay may tumawag na sa'kin. Mas maliit ang tyansa she said, more like... dream on Leto. Pero buti na lang si Ate lang 'to.
“Ha! Buti na lang hinintay kita dito,” proud na sabi niya.
At sinadya niyang hintayin ka Leto, 'wag kang paranoid okay?
“O? Bakit hindi mo kasama si Kuya Cairo?” Pinulupot niya ang kaliwang braso niya sa kanang braso ko bago kami magsimulang maglakad.
“Sabi ko magkita na lang kami sa Circle, pinakuha ko na yung schedule namin pati yung sa'yo,” ngiti niya.
“Ha? Nakakahiya naman kay Kuya, Ate! Dapat ako na lang kumuha nung akin,” reklamo ko.
“At ano? Pababayaan kitang maligaw? Alam kong sobrang talino mo Leto, pero nakita mo ba 'tong lugar na 'to? Kahit may blueprint ka nito, maliligaw at maliligaw ka pa rin no.”
Napa-make-face na lamang ako habang patuloy pa rin niya akong hinihila sa isang direksyon. Parami ng parami ang mga estudyanteng nakakasalubong at nakikita namin sa bawat hakbang at nang may matanaw na nga akong isang malaking fountain ay dali-dali itong tinuro ni Ate.
“’Yan ang Circle, you can freely do whatever you want there, pero siyempre yung naaayon pa rin sa school policies. Parang outdoor student lounge na rin 'to,” paliwanag niya tungkol sa isang pabilog na elevated part sa harap ng campus. May concrete tables and benches dito na nakapalibot sa nabanggit ko nga kaninang fountain.
Nagsimula na namang manghila si ate at wala na naman akong nagawa kundi magpatangay. Siguradong-sigurado na siya sa pupuntahan niya at nang tingnan ko ang direksyon na iyon ay nakita ko ang partikular na mesa sa ilalim ng isang malaking puno. Nasa edge ito ng circle kung saan katabi ang madamong parte ng front yard.
“This table, is officially ours, you're now a part of our group,” masayang sabi niya at agad na nanlaki ang mga mata ko.
“Ate hindi pwede!” Nagpapanic na sabi ko.
Bigla siyang napataas ng kilay, “at bakit naman hindi?”
“Your group probably consists of popular ones, bawal ako rito. At isa pa, college students na kayo no, I should be mingling with my co-senior high schoolers,” pagdadahilan ko ngunit kahit sa sarili ko, alam kong nagsisinungaling ako.
There's a great possibility na kasama siya sa group of friends ni Ate. Well it's reasonable, knowing he's Kuya Cairo's bestfriend. Bakit nga ba nawala sa isip ko iyon? Makuha ko lang talaga ang schedule ko, aalis na ko rito.
Napairap si Ate bago umiling, “ano ba 'wag mo 'yun alalahanin, may mga kasama rin kaming ka-edad mo okay? Isa pa, kailan mo pa inisip 'yang age differences na 'yan? Para namang may kaso 'yun.” Ugh! Hindi niya kasi ako naiintindihan! Napakakulit talaga ng isang 'to. “O ayan na pala sila!”
Sila.
Anong sila?! Nakalimutan bang mag-aral ni Ate ng mga uri ng panghalip? Siya lang dapat! Nag-iisa lang si Kuya Cairo. Unless... s**t. Hindi ako maka-galaw. Please 'wag po siya. Please please please.
“Hey!” Rinig kong bati ni Kuya at ilang saglit pa ay dumaan na nga siya sa gilid ko papunta kay Ate, inakbayan niya ito sabay bigay sa kanya ng isang folder saka humarap sa'kin.
“Hello Luna, long time no see!” Sabi niya at guguluhin na naman sana ang buhok ko nang mabilis ko nang hampasin ang kamay niya. Natawa siya rito sabay ng pagtingin ko nang masama sa kanya. Bwisit talaga. “Oh heto na po ang schedule mo kamahalan.”
“Wala akong sinabing kunin mo yung akin,” then I stuck my tongue out at him.
“Ungrateful little devil,” rinig kong sabi niya at tumawa na lamang ako. I heard footsteps behind me and instantly remembered na may ibang tao pa nga palang kasama si Kuya, how could I forget?
“Aba bago 'to ha, pakilala niyo naman ako!”
Halos mapabuntong-hininga ako nang marinig ang 'di kilalang boses. Nakaramdam ako ng isang presensya sa tabi ko at agad na nilipat ang atensyon sa kanya. Naabutan ko na siyang nakangiti sa'kin at awtomatiko na rin akong napangiti, nakakahawa kasi tapos ng cute pa niya!
"Ares, si Leto – kapatid ko. Leto, si Ares – ang pinaka-malanding nilalang na makikilala mo," mabilis na napatingin si Ares kay Ate at umaktong para bang masakit ang dibdib.
"Ouch naman friend! Hindi ko naman kasalanan kung nagkakandarapa ang mga kababaihan sa umaatikabo kong s*x appeal." Sa pagtawag pa lang niya ng 'friend' kay Ate ay humagalpak na ako ng tawa lalo pa no'ng idineklara niya ang tungkol sa umaatikabo niyang s*x appeal.
Natigil lang ako nang bigla niya muli akong tingnan. “Leto, napakagandang pangalan para sa isang ubod na gandang binibini,” ngiti niyang muli at mabilis kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko.
Doon ko siya naalala. Oo, pamilyar nga ang mukha niya! Siya yung sa party noon na may kasamang apat pang mga lalaki, siya yung parang pinuno nila. Whoa! Parang dati lang mukha siyang nakakatakot ah? At estudyante pa lang rin siya? Ang mature na ng itsura niya.
Sasagot na sana ako nang biglang tila nabawasan ang liwanag nanggagaling sa sinag ng araw mula sa likod ko. Isang anino ang ngayo'y bumalot sa'kin at agad na nanlaki ang mga mata ko.
Why? I thought... I thought he—
“Love,” I froze as my heart almost felt like it's skipping beats.
I felt warm, calloused but strong hands slowly touch my arms and eventually held them. Ngayo'y halos nakadikit na rin ang dibdib niya sa likod ko at nararamdaman ko na rin ang hininga niya sa gilid ng pisngi ko.
He's here, he's really here.
“You're finally mine, Katherine,” he whispered. Even though there are thousands of questions filling up my mind, it was the butterflies that erupted in my stomach and the goosebumps that rose all over my body that says I should be ready. This year's gonna be different. Very much different from the years I've been having.
Huwag kang magpapa-uto Leto, tandaan mong pagmamay-ari na siya ng iba.