"You crossed the line Paul, sumobra ka na," mahinahon lang ang kaniyang boses pero ramdam na ramdam ng mga tao roon kung gaano siya ka galit. Napatulala si Paulo at hindi nakapagsalita. Galit na tumalikod si Leah at inalalayan si Raziel palabas sa coffee shop. Her heart is burning in anger. Raziel got hurt because of her and Paulo. Kung hinayaan lang siguro siya ni Paulo na umalis ay baka hindi pa 'to nangyari. Hinanap niya ang kotse ni Raziel at sumakay roon. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya kay Raziel at hinaplos ang pisngi ng lalaki. Raziel just stayed silent and nodded his head softly. Napakagat si Leah ng kaniyang labi nang napangiwi si Raziel bigla. Dahil siguro sa sakit. Pinaupo niya ang lalaki sa passenger seat at siya na ang ang drive papunta sa kumpanya nito. While

