"You're going to– what?" hindi makapaniwalang tanong ni Sally kay Leah at pagak na natawa. Gumalaw ang panga ng babae at sinamaan ng tingin si Leah na malamig ang mukha at walang kahit ni isang emosyon sa ekspresyon nito. Hindi alam ni Sally pero mas lalong nag apoy ang galit sa kaniyang loob habang nakatingin kay Leah. Looking at her calm yet cold face makes her even more pissed. "Bingi ka ba? I said I'm going to smack the back of your head," walang gana ang boses na tugon ni Leah sa tanong ni Sally sa kaniya. Gustong sigawan ni Sally si Leah pero pinigilan lang ang sarili dahil nandito pa ang iba niyang kasamahan sa trabaho at tahimik na nakikinig sa mga nangyayari. Kinalma ni Sally ang kaniyang sarili at hindi pinatulan ang mga salita ni Leah. Hinarap niya ang kaniyang mga kasamahan a

