"Fuck..." Napakurap-kurap si Leah dahil sa napaka pamilyar na boses na iyon. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata at tiningnan ang mukha ng lalaki na kaniyang hinampas, nagulat siya nang mapagtanto na si Raziel pala iyon. Nabitawan ni Leah ang kaniyang hawak na broomstick at napatakip sa kaniyang bibig. "R-raziel, w-what..." Hindi mahanap ni Leah ang salita na dapat niyang sabihin. Nakatakip lang siya sa kaniyang bibig at nanlalaki ang mga mata na nakatingin kay Raziel na sapol-sapol ang noo nito na hinampas niya kanina. May kung anong tumusok sa kaniyang puso nang makita na namumula iyon at namaga na. Senyales na napalakas ang paghampas niya sa lalaki. "Ugh..." Raziel groaned as if he was stabbed on his chest deeply. Guilt creep out her heart. Napakagat na lang si Leah sa kaniyang

