Leah doesn't know what to do. She was just staring blankly at the scene before her. Ramdam na ramdam niya kung paano nanikip ang kaniyang puso habang nakatingin sa harap. Pakiramdam niya ay bigla na lang naglaho ang mga rason para siya ay mabuhay. Sobrang sakit at kahit na anong pilit niya, hindi niya magawang alisin ang kaniyang paningin kay Raziel na may kahalikang ibang babae. Pagak na natawa na lang si Leah at napayuko. To think she prepared so hard just for this, she felt stupid. Siya na ata ang pinakatangang babae sa buong mundo. Kung may mas ikakatanga pa siguro siya, 'yon ay ang magbulagbulagan at umakto na parang hindi niya nakita ang lalaki na may ka anuhang iba, pero hindi eh. Kilala niya ang babae na nakahalikan ngayon ni Raziel. It's the same woman whom she had seen Raziel w

