"Ang kaibigang tahimik, matindi magalit sa mga taong sa kaibigan nya ay nananakit." CHAPTER 22 -THIRD PERSON P.O.V- Kababa lang ng sasakyan sina Sora at Ford at ngumiti sa isa't-isa habang magkahawak kamay na naglakad palapit sa bahay nina Erick upang makilala naman ni Ford ang mag asawang nag alaga kay Sora.Gustong pasalamatan ni Ford ag mga ito dahil may mabubuti itong puso na tinulungan si Sora mula sa nangyari dito dalawang taon na ang nakakaraan. Malaki ang utang na loob nya sa mga ito dahil inalagaan nila si Sora at ang kanilang anak.Siguro kung hindi dahil sa mga ito ay baka hindi nya na talaga makita at makasama si Sora. "Sana mapatawad na ako ng Mama mo Ford." sambit ni Sora ng malapit na sila sa pintuan na parehas nilang ikinatigil at ikinaharap sa isa't-isa. "She will Maha

