- KENZO - "NOTHING to worry about! Ligtas ang iyong mag-ina,Mr. Salameda! Kinailangan lang namin siya bigyan ng pampatulog dahil masyado siyang nagpapanic kanina but in few hours she will be awake then," Kompirmasyon ng doctor na sumuri kay Chantal. Pakiramdam ko natanggalan ako ng napakalaking pader na nakadagan sa dibdib ko. Ligtas ang aking mag-ina! Mabuti daw at hindi napuruhan ang bata sa tiyan ni Chantal ng tumama ang sipa ni Marga. Thank's a lot dear God! Hindi mo hinayaan mawala sa akin ang aking mag-ina. Kung nagkataon, hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin. Baka kung ano siguro ang magawa ko kay Marga. At baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko. It's also my fault kung bakit nagawa ni Marga ang mga nagawa niya. Umaasa siyang masusuklian ko ang damdamin niya para

