HINDI ako nanlaban sa kanya bagkos ay nagpapaubaya nalang ako. I touch him on his face. ''I'm just worried about you! Baka kasi masakit pa ang katawan mo dahil sa nangyari kanina,'' bulong ko sa kanya. Parang natauhan siya pagkatapos kong sabihin iyon. Hininto niya ang ginagawa niya at nahiga siya sa tabi ko. ''Kaya ko! Pero kung ayaw mo hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo!'' matabang niyang sabi. Umayos siya ng higa at tinalikuran ako. ''Matulog kana!'' Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil mula noon hanggang ngayon napaka possessive niya pagdating sa akin. Ang bilis niyang magselos kahit wala naman dahilan dahil mula noon hanggang ngayon siya naman talaga parin ang mahal ko. Kinalimutan ko nalang ang pagbibihis. Umayos rin ako ng higa sa tabi niya. Pinapakiramdaman ang

