- ARTHUR - KANINA ko pa binabantayan tumunog ang phone ko. Halos hindi nga ako nakatulog kagabi sa kahihintay ng tawag ni Chantal. Nakausap ko si Kristen sabi niya tatawagan daw ako ni Chantal hintayin ko lang daw. Ang hirap maghintay. Para na akong tanga. Nakabantay lang sa phone ko simula pa kagabi. Grrrrr. Malaman ko lang sino may pakana sa pagpapatapon sa akin dito sa America at nagtago ng passport at mga documents ko. Mananagot talaga sa akin. Ilang Linggo palang ako dito pero pakiramdam ko sampung taon na. Ilang Linggo mahigit ko na rin kasing hindi nakakausap manlang si Chantal. Niloko ako ng pamilya ko! Sinabi nila na may problema ang family business namin dito at kailangan ko daw puntahan. Iyon pala ay wala naman. Alam ko na ayaw nila kay Chantal pero hindi ko akalain na gag

