(TAMARA'S POV Matuling lumipas araw. Sa ngayon ay tatlong araw na. At sa loob ng mga araw na iyon ay hindi pa kami nagkikita ni Stanley. Naiinis pa rin ako sa lalaki. Hindi naman siya pumupunta rito sa hide out. Saka, wala na nga pala kami ng lalaking iyon. Hindi na ako aasa pa. Marahas na lang akong napabuntonghininga, habang ang mga mata ko ay nasa laptop nakatingin. Inaalam ko kasi kung saan naglalagi si Maria. Mabuti na lang talaga at nakapaglagay ako ng device sa babae. Hanggang sa makita kong nasa disco bar ito. At may mga kausap. Kaya naman maliksi akong kumilos. Kinuha ko lang ang mga gagamitin ko. At nagmamadali na akong sumakay sa aking ducati. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa disco bar. Tuloy-tuloy na akong pumasok sa loob. Agad ko namang nakita si Maria. May mga kausap

