Agad akong bumagsak sa lupa. Maliksi ko ring kinuha ang dala-dala kong baril. Mabilis din akong gumapang papunta sa malagong damo. Maliwanag ang buwan kaya nakikita ko ang daan. Kaya patuloy pa rin nila akong binabaril. Kaya naman gumanti na ako ng putok sa kanila. Pagkatapos ay muling gumapang paalis sa aking pwesto. At nang alam kong hindi ako matatamaan ng bala ng baril ng mga kalaban ko'y maliksi kong pinunot ang laylayan ng suot kong damit at iyon ang itinali ko sa aking hita na may tama ng bala. Mahigpit kong itinali upang kahit papaano ay tumigil ang pagdurugo. Pagkatapos ay agad akong tumayo para salubungin sila ng bala ng baril ko. Kaliwa at kanan ang ginawa kong pagbaril sa kanila. Hanggang sa makita ko ang likod ng isang lalaki, na nagtatago sa malaking niyog. Mabilis kong

