Galit 83

2516 Words

(TAMARA'S POV) Nakakainis! Dahil kahit ano'ng pagtatago ko sa aking mukha ay nahuhuli at nakikilala pa rin ako ng lalaking ito? Nakakainis naman! Ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Sa sususod, titiyakin kong hindi na ako makikita ng tikbalang na ito. Sabagay kasalanan ko rin naman! Dahil nagbanggit ako ng cobra, ayon, nahuli at nakilala tuloy ako ng binatang governor. Saka, hindi naman si Stanley ang pakay ko kung bakit ganito ang ayos ko, ngunit tinamaan ng kabaliwan ang utak ko. Dumaan muna ako sa lalaki para asarin lamang ito. Ang totoong sadya ko ay si Maria Olis. Ngunit si Stanley ang napagtripan ko. At ngayon nga ay pinipilit niya akong ilagay sa ibabaw ng kariton, dahil dito raw kami magkakainan. Kaya ayon, labis akong nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD