"Ano ba, Spark?!" sigaw ko sa lalaki. Nang balak talaga niyang tanggalin ang aking damit. "Remembe? Sabi mo rito na lang, 'di ba? Oh, bakit ngayon ay aayaw-ayaw ka, Tamara?" madilim ang pagmumukha nito nang humarap sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko nang tumingin sa lalaki. Kaunti na lang talaga at makakatikim na ito sa akin nang mag-asawang sapak sa mukha. Subalit tila baliwala lamang dito ang aking tingin na nanlilisik. "Huwag mong hintaying ma-flying kick pa kita riyan, bago mo ako tigilan, Spark!" asar na sabi ko sa lalaki. Subalit, ngumisi lamang ito sa akin. At muli na namang hahawakan ang aking damit para alisin daw. Hindi na tuloy ako nakapagtimpi. Agad na umigkas ang aking paa papunta sa hita ng lalaki. Ngunit maliksing nasalo ka agad ni Stanley. Ang masama pa'y hindi agad

