Napangisi ako nang ibinaba ko ang landline. Ipapadala ko na lamang kay Zero ang kakailanganin nito. May isa pa akong cellphone at nakatago lamang iyon sa aking bag na dala-dala. Iyon ang gagamitin ko sa aking mga plano para sa lalaking iyon. Gusto mo nang laro, Gov? Pwes! Maglalaro tayong dalawa. Saka alam ko namang tatanggi ka sa akin balak. Kaya palagay ang loob kong ituloy. Mas mautak ako sa 'yo, Spark! Sabay ngisi ko nang kakaiba. Siguro kung may makakakita sa akin na nakangisi na walang kausap, ay iisipin na baliw na ako. "Miss Gally, sino'ng tinawagan mo? Bakit nakaharap ka riyan sa telephone? At bakit nakangsi ka rin diyan?!" pagalit na tanong sa akin ng lalaki, nang bumaba ito ng hagdan. Bigla naman akong tumungo, bago sa gutin ang mga tanong ng lalaking nahihibang na. "Si Zer

