DEIMOS NASA mall ako para bumili ng mga pasalubong na dadalhin doon sa Amerika. Bukas na kasi nakatakda ang pagpunta ko roon. Isang tulog na lang at makikita ko na ang lalaking sobrang mahal ko. Habang naglilibot sa grocery store at hinanap iyong gustong pagkain ni Phobos. Nakita ko ang lalaking dapat iwasan ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong makuhang sagot kung bakit niya ginawa ang lahat ng iyon? Biglang sumagi sa isipan ko ang posibleng dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Gusto niya kaya ako? Pero may kasintahan siya at mahal nila ang isa't isa. Kaya mali itong iniisip ko. Tumalikod ako para umalis na sana pero... "Deim!" pagtawag ni Grey. Napahinto ako at nilingon siya. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na iniiwasan ko siya kaya umaarte akong natural. "Grey," sambit ko. Ngu

