Kaede's POV Pumasok na kami sa grocery store at hinanap si Fritze. Natatawa ako ehh. Imbes na unahin namin yung ingredients nung cake, mas una naming hinanap si Fritze. Pag-ibig nga naman. Marunong din naman pala magmahal tong playboy na to ehh. Sinabi niya lahat sa akin. Matagal na pala sila ni Fritze at ito daw din yung unang babaeng minahal niya. At siya lang din daw ang babaeng pinasakay niya sa motor niya dahil ito na ang gusto niyang makatuluyan sa future. Talagang pinangatawanan niya yung rule number one daw nila. Grabeh naman! So seryoso din yung pagpapasakay sa akin nung si men in black na Raven na yun? Eeeehhhh!! Imposible talaga!! Dinidemonyo na naman ng lalaking yun yung utak ko..arrg!! Back to the GinxFritze issue na nga! Pero ang pinagtataka ko lang.. Hindi din

