NOT STOPPING JULIE Masakit ang aking ulo ko nang magising sa aking silid sa mansyon kinabukasan. Hindi na ako nagtaka na ganoon ang aking pakiramdam dahil kahit komportable na ang aking tinutulugan ay hindi ko pa rin nagawang makatulog nang maayos. I was awake almost the whole night last night. Naligo na lamang ako pagkagising at saka nagbihis ng maayos na damit. It was a good thing na may natitira akong mga gamit rito. Hindi na ako nakapag- empake bago kami umuwi ni kuya dahil biglaan lang naman ang aming pag- alis. I’ve already changed into a comfortable blue dress nang bumaba ako. Naabutan ko sa dining room ang dalawa kong kapatid. Nakabukas ang TV sa harap ng dining table kaya habang kumakain ay nanunuod sila ng balita. Panaka- naka rin silang nag- uusap tungkol sa kung anong

