TAKEN JULIE Hindi ko na namalayang nakatulog na pala kami ni Jared sa sofa sa kanyang living room. Saka ko lamang iyon na- realize nang magising ako dahil sa pag- iingay ng aking cellphone sa glass table. I was lying on the sofa with Jared cuddling me. Medyo malaki naman iyon kaya nagkasya kami. Yun nga lang ay kailangan naming magsiksikan upang hindi siya malaglag. Dahan- dahan akong bumangon upang hindi ko siya magising. Yun nga lang ay medyo nahirapan ako dahil mas sumiksik pa siya sa akin. Pumulupot pa ang braso niya sa aking baywang at ang mukha niya ay isiniksik niya sa aking dibdib. Agad nag- init ang aking mga pisngi dahil sa kanyang ginawa. I could see that my brother's name was flashing on the screen. He was calling. Hindi ko naman masagot dahil nahihirapan ako sa posis

