AFTER ALL JULIE Dahan- dahan kong binuksan ang pinto ng aking apartment bago maingat na sumilip roon upang makita ang hallway. I looked from left to right, checking if there was that familiar figure which I was hiding from. Nang makumpirma kong wala ito roon ay mabilis akong lumabas ng pinto at maagap iyong isinara saka nagmamadaling tumakbo patungo sa fire exit. Hindi ko magawang gamitin ang elevator dahil sa pangambang magkasabay kami roon. Mabuti na lamang talaga at nasa fourth floor lamang ang aking apartment kung kaya't maaari pang akyatin at babain gamit ang hagdan. Nakakapagod man, kaya namang tiisin. Nasanay na rin naman ako dahil tatlong linggo ko na ring ginagawa. Yes. Three weeks na akong nagpapakahirap umiwas kay Jared. Simula kasi nang malaman kong pareho lang pala k

